EPILOGUE

3.8K 98 7
                                    

EPILOGUE

Jessie's POV

Bata pa lang kami ni Kyler asar na kami sa isa't isa.

Ako lang pala, asar na asar ako sa kamanyakan/pervert-an ng gagong 'yon.

'Di ko pinangarap na mahalin siya 'di ko pinangarap na siya ang makakasama ko habang buhay ang gusto ko lang dati ang mawala siya sa landas ko at 'di na niya ako guluhin pa kahit kailan.

Simula Elementary Seatmeat ko siya at hanggang college ka tabi ko pa rin siya, kaya lalo akong naasar kapag nakikita ko ang pagmumukha niya.

Pero ang lahat na bago, simula nang magcollege kami, doon namin nalaman na gusto namin ang isa't isa pero marami ding pagsubok ang dumaan sa amin lalo na ng malaman ko na ikakasal ako sa kanya, nagalit ako sa kanya at 'di ko siya pinakinggan nangibabaw ang galit ko sa kanya,

At ngayon..

Ngayong araw na ito, ikakasal na kami ni Kyler pero...

GALIT PA RIN AKO SA GAGONG 'YON NAG IISIP PA RIN AKO KONG SISIPUTIN KO SIYA O HINDI, MAPAKALANDI KASI NG MARCELO NA 'YON GRRRR!!

Kahit naka wedding gown na ko, ngayon wala akong paki kung umatras ako bwisit kasing Marcelo!!

"Girl, sa lahat yata ng ikakasal ikaw lang ang nakasimangot" sabi ng baklang nag ayos sa akin, tiningnan ko naman siya ng masama.

"Ay, sorry naman, o siya alis na ko babye, congrats na rin!" sabi niya sabay alis ng kwarto ko, natingin ako sa salamin ngayon at kitang kita ko ang ang sarili ko, at oo nga nakasimangot ako.

"Anak, ano ready ka na ba?"sabi ni mama ng makapasok sa kwarto ko.

"Ma 'wag na lang kaya ako punta sa simbahan" sabi ko habang nakatingin pa rin sa salamin.

"Jessie Kyle" sabi ni mama.

"E? Kasi naman nakakaaasar ang Marcelong 'yon ang landi landi bwisit!" sabi ko nilapitan naman ako ni mama ang ngumiti sa akin.


"Anak, ano ka ba, 'wag ka ngang ganyan kilala namin si Kyler kaya pinagkakatiwala ka namin sa kanya" sabi ni mama lalo lang sumimangot ang mukha ko.

"Ngiti na anak sige ka mawawala ganda mo niyan!" sabi ni mama pilit akong ngumiti kay mama.

"Ang baby girl ko ikakasal na" sabi ni mama habang umiiyak na.

"Kaya nga sabi ko 'wag na lang ako magpakasal e" sabi ko.

Tiningnan naman ako ng masama ni mama.

"Sabi ko nga po" sabi ko sabay pasimpleng irap 'di naman siguro nakita 'yon ni mama kasi may nakaharang na belo sa mukha ko.

"Tara na nandoon na silang lahat" sabi ni papa na kakapasok lang ng kwarto ko ngumiti sa akin si papa bago ako yakapin. Ngumiti lang din ako kay papa.

Inalalayan ako ni papa na makaalis kami, nang makasakay na ako sa sakyan ko nakasimangot pa rin ako bwisit kasing Marcelo napakalandi.

Nang makarating na kami sa tapat ng simbahan, tumingin muna ako sa may bintana, nag iisip pa rin ako kung pupunta pa ako o hindi, pero kinakabahan din ako at the same time, this is it na talaga.

Maya maya pinababa na rin ako ng wedding coordinator ng bumaba na ako, tumigil ako sa tapat ng pintuan ng simbahan nakasarado 'yon, kinakabahan pa rin ako.

Maya maya bumukas na ang pinto kasabay noon ang background music na I Do ng A rocket to the moon, habang naglalakad ako napatingin ako sa mga taong nakangiti sa akin pero ako nakasimangot lang badtrip pa rin ako.

My Pervert SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon