CHAPTER 44

2.3K 93 7
                                    

CHAPTER 44

Jessie's POV

"Pakasal tayo" sabi ni Kyler habang nakatingin sa mga mata ko.

Takte hanggang ngayon pa rin ba may karera pa rin ng mga pagong. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko.

Inilagay ko ang hintuturo ko sa noo niya at marahang tinulak siya.

"Bakit kaya mo na ba akong buhayin" sabi ko

Ngumiti naman siya akin ng sobrang laki.

"So? gusto mo rin" sabi niya

Aba't kapal din ng mukha nitong gagong 'to a'.

Sinamaan ko lang siya ng tinggin, at ang loko lalo namang tumawa.

"Ewan ko sayo bitawan mo nga ako," sabi ko

"Ayoko nga, nasa akin ka na ngayon kaya 'wag mo nang asahang bibitawan pa kita" sabi niya

Takte.. aaminin ko kinikilig ako bakit ba babae rin ang marunong din naman ako kiligin.

"Gago, alis sabi! bitaw! "sabi ko habang sinusubukang tanggalin ang kamay niyang nakapulupot sa baywang ko.

"Bakit ano ba gagawin mo?" medyo tumatawa pa niyang tanong

"Manlalaki, bakit sama ka!" sabi ko

Tiningnan niya rin naman ako ng masama at mas hinigpitan ang yakap sa akin.

"Tsk asa ka naman hahayaan ko yon, at isa pa ako lang naman ang gwapo sa resort na ito" sabi niya

Ang yabang din ng gagong ito a'.

"Mas gwapo sayo si Warren" sabi ko, mas lalo niya kong tiningnan ng masama, hinarap niya ako sa kanya at mas nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

Takte ang gwapo..

"Ano? yung Lorenzong yon, ito lang yon o' " sabi niya sabay pakita sa akin ng buhangin na hawak niya.

"Ang yabang naman!" sabi ko

"Bakit 'di ba ako gwapo" sabi niya at mas nilapit ang mukha niya sa akin ako naman napaiwas.

"oo ang pangit pangit mo kaya" sabi ko

Siya naman mas lumapit sa akin kaya naman umurong ako hanggang sa braso na ang nakatungtong sa buhangin at siya halos nasa ibabaw ko na at magkadikit na ang ilong naming dalawa.

"A' pangit pala ako huh? tingnan mo nga ng mabuti" sabi niya

"Ang pangit mo kaya, mas gwapo at mas maganda katawan sa'yo ni Warren!" sabi ko,

"Ah ganun" sabi niya sabay lapit pa nga mukha niya sa akin kaya naman napahiga na ako sa buhangin at siya naman nasa ibabaw ko na, at halos 5 inches nalang layo ng labi namin.

"Ah e' hehehe nakita ko na ngayon mas gwapo ka pala at mas maganda katawan mo" sabi ko habang tinutulak siya sa may bandang dibdib niya.

"Sabi mo mas gwapo at mas maganda katawan ni Lorenzo e' " sabi niya sabay tayo akala ko aalis na siya yon pala hinubad niya ang t-shirt niya

Leste napaiwas ako ng tingin, maya maya bumalik ulit siya sa dati niyang pwesto.

"Ano? sino ang mas gwapo at mas maganda ang katawan?" sabi niya habang tinitingnan ako sa mata.

"I-i-ikaw " nauutal kong sabi

"Huh? 'di ko marinig e' " sabi niya habang mas lalo niya pang inilapit ang mukha niya.

"Ikaw mas gwapo ka at mas maganda ang katawan " sabi ko

Ngumiti naman siya akin, bago ako halikan sa labi.

My Pervert SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon