CHAPTER 47
JESSIE'S POV
December 24 na ngayon, mamayang 12 am christmas na andito kami ngayon sa bahay namin. Kompleto kami ngayon dito sa bahay andito sila Keila at Menard wala kasi ang mga parents nila kaya sabi ni mama dito na lang sila mag christmas sa bahay,
10:38 pm pa lang naman at kami nasa living room kami at nagkukwentuhan sila, sila lang ako busy sa cellphone ko,
Letse Kyler kasi kinukulit ako text ng text kapag 'di ako magrereply magsesend to many siya kaya naman ang ingay ng cp ko sinilent ko na rin naman ang cp ko pero ilaw naman ng ilaw kaya ayon pinatulan ko na ang kakulitan ni Kyler para manahimik na.
"Jessie Kyle!"
From:Marcelo na pangit
'Last christmas I gave you my heart, pero matagal ko na talaga ibinigay sayo ang puso ko'
Letse ka talaga Kyler
"Hoy Jessie Kyle"tawag sa akin ng nanay ko na binato na ako ng throw pillow
"Po? ma?"sabi ko sabay tago ang cp ko sa likod ko
"Kanina pa kita tinatawag pero 'di mo ako pinapansin, at alam mo bang para kang tanggang nakangiti huh?"sabi ni mama napaiwas naman ako ng tingin
Malandi kasi si Kyler eh
Letse!
"ah, wala yon ma, yung mga classmate ko lang binabati ako ng merry christmas"palusot ko
"Kaklase? eh kanina ka pa nakatingin jan sa cp mo at parang tanggang nakangiti pa"sabi ni mama
"Ah eh nakakatawa kasi sinasabi nila eh heheh"sabi ko
"Tsk!"sabi ni mama
Ngumiti lang ako, sa kanila at nag excuse na pupunta lang sa cr
Pagdating ko sa cr, tinawagan ko agad si Kyler
"Yes! baby Kyle ko!" Sabi ni Kyler
"Tsk, 'wag mo nga ko mababy 18 years old na ako 'di na ako bata, tsk"
"Hahaha, bakit ka napatawag namimiss mo na ako nuh!"
"Kapal ng mukha mo,!"
"Hahaha mamayang 12:30am takas ka may pupuntahan tayo "
"Saan na naman?"tanong ko
"Secret"masayang sabi niya
"Tsk.sige ako nang bahala"sabi ko
"Si Merry Christmas Kyle ko I love you"
"Tsk,... loveyoutoo!"mabilis kong sabi sabay patay ng cp ko.
Lumabas na rin ako ng cr at bumalik sa living room, nagpapatugtog na rin sila ng christmas song na sinasabayan naman ni Keila habang nagtatalon, sinasaway naman siya ni Menard pero 'di siya nakikinig at hinila lang ito ni Keila at pinipilit na pakantahin si Menard, pero tiningnan lang siya ni Menard kaya naman nagpout na lang si Keila at umupo sa upuan
"Aha! kuya mangaroling tayo!"sabi ni Keila
"Tsk!"sabay na sabi namin ni Menard
"Ano tayo bata"sabi ko
BINABASA MO ANG
My Pervert Seatmate
RomanceSiya na lang lagi ang nagiging seatmate ko. Simula elementary siya na ang katabi ko at sawang-sawa na ko sa pagmumukha niya at sa sobrang kabastuhan. Tinatanong ko lagi ang sarili ko kung ano ang kasalanan kong nagawa at nagkaroon ako ng walang kwen...