Book Two: Teaser

3.7K 75 6
                                    

MPS BOOK TWO: TEASER

After  six years na pagsasama ni Kyler At Jessie ay marami ang nagbago, nagsisimula na silang gumawa ng pamilya nila.

Pero ano nga ba ang mangyayari sa kanila?

*******

"Ano 'to Kyle ko?" Tanong ni Kyler kay Jessie ng i-abot nito ang isang pregnancy test.

"Kakainin mo 'yan, ikaw Marcelo ayusin mo buhay mo , masama ang pakiramdam ko at dahil sa'yo ito!" Masungit na sabi ni Jessie sabay higa sa kama nila ni Kyler,

Tiningnan naman ni Kyler ang hawak niya.

Dalawang guhit!

"Dalawang guhit?! Kyle ko buntis ka! Magkakababy na tayo?" Masayang tanong ni Kyler 'di naman sumagot si Jessie, sa halip ay tinaas lang nito ang isang kamay niya habang nakapikit.

Masaya naman tumabi sa kanya si Kyler.

"I love you, Kyle ko" sabi ni Kyler habang nakayakap kay Jessie, hinawakan naman ni Kyler ang maliit na tiyan pa ni Jessie.

"I love you baby" masayang sabi ni Kyler, nakangiting humarap naman si Jessie kay Kyler at binigyan ng isang halik si Kyler.

"I love you too" nakangiting sabi ni Jessie.

*******

"Akin 'to!" Masungit na sabi ni Jessie sa lalaking kaagawan niya sa librong hawak nilang dalawa.

"Ako ang nauna" sabi ng lalaki.

"Ako!" Pagmamatigas ni Jessie nakangiti namang binigay ng lalaki ang libro.

"Joke lang sa'yo talaga," sabi ng lalaki habang nakangiti.

"Hi I'm Neil Penavega" nakangiting sabi ng lalaking kaagawan ni Jessie.

"Jessie" sabi ni Jessie ngumiti naman ang lalaki.

******

Habang nakikipag-usap si Kyler sa kanyang bagong Kleyente ay nakaramdam siya ng hilo, na para bang umiikot ang paligid niya.

"Ms. Velasquez, next time na lang tayo mag usap  ulit, tsaka sa labas na tayo mag-usap baka magalit ang asawa ko" sabi ni Kyler na hilong hilo na uminom lang naman siya  juice na binigay ni Cathie Velasquez, sa bahay nila ito nag-usap dahil gusto daw niya na ma-explain ng maayos ang gusto niya kay Kyler.

My Pervert SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon