Chapter 9

4.3K 139 0
                                    

CHAPTER 9

Jessie's POV

Pagkatapos ng namin kumain sa canteen bumalik na kami sa classroom namin, next subject na rin naman pero bago ako pumunta kinausap ko muna si Mira at Erica, na sabay na lang kaming maglunch mamaya pumayag naman agad sila, mas okay na rin ang may kasabay ako lagi na lang kasi akong nag-iisa maglunch.

Pagbalik ko sa classroom nandoon pa rin si Kyler na nakatingin sa labas at parang malalim pa ang iniisip.

Pinabayaan ko na lang siya, wala naman paki sa kanya, halos sabay na umupo kami ni Warren sa upuan.

"Grabe nabusog ako" pasimpleng pagpaparinig ni Warren kaya naman tiningnan ko siya ng masama.

"O? Bakit na naman aking Misis?" Painosente nitong sabi sa'kin.

"Gago anong Misis, ha?" asar na tanong ko dito.

"Wala lang trip ko lang, ako kasi partner mo sa mr. and ms engineers" gago talaga ang mokong na Warren na ito talagang sinasadyang magparinig kay Kyler.

"E, ano naman ha? Sabi ng napilitan lang nga ako" sabi ko.

"Asus! Pero ako pinili mo, e" sabi nito.

Sasagot na sana ako kaso biglang umalis na padabog si Kyler, hala problema noon.

"Lagot" sabi ng mga classmates ko na solid Kyler kuno.

"Hala ka! Warren na asar ikaw kasi pagdiinan ba naman ang napili, ano ba mayroon sa napili na 'yan" sabi ng isa kong classmate.

Nagsmirk lang si Warren sa mga kaklase namin.

Maya maya dumating na rin ang professor namin kaya natahimik na sila.

Pero 'di pa rin bumabalik ang manyak na Kyler na 'yon, saan kaya pumunta 'yon? Ano ba 'yan kung ano-ano iniisip ko paki ko ba doon.

Natapos ang klase namin na 'di pa rin bumabalik si Kyler, ano kaya problema ng mokong na 'yon at 'di na bumalik, excuse me 'di ako nag aalala ha, nacucurious lang.


Paki ko nga ba sa baliw na Kyler na 'yon bahala siya sa buhay niya.

Basta ako maglulunch na gutom na ulit ako 'no, kahit marami akong kinain kanina, tsaka baka hinihintay na ako nila Mira at Erica sa garden doon daw kasi kami kakain, e.

Pumunta muna akong canteen at bumili ng pagkain ko pina stayro ko na lang, uso naman 'yon dito sa school namin, e.

Pagpunta ko ng garden nakita ko si Erica na nakaupo sa isang puno.

"Hi Erica" nakangiti kong bati ngumiti din siya sa akin.

"Nasaan si Mira?" Tanong ko sa kanya.

"A, bumalik sa canteen nakalimutan daw niya kasi bumili ng tubig, e" nakangiti niyang sabi buti pa itong si Erica mabait 'di gaya ng bruha niyang kambal saan kaya nagmana 'yon.

"Anong course mo pala Erica" tanong ko sabay upo sa tabi niya.

"Mechanical Engineering" sagot niya.

"A, e 'di ikaw ang panlaban ng course/section niyo?" Tanong ko.

"Ha? Saan?"

"Sa miss engineering"

"Paano mo nahulaan?" tanong niya sa akin.

"Halata naman e, maganda ka kasi" sabi ko.

"Ikaw din naman, e" sabi niya sa akin.

My Pervert SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon