This is dedicated to 'IamGeraldine'. Pasensya na po kung nabitin kayo..hehe (^____^)v
-------
(Tuesday, February 14)
Mich's POV:
Dahil Valentines day ngayon, walang klase!!! Yey!!!
Madami na ring nagbibigay sakin ng roses at chocolates.
Yung mga roses ibibigay ko na lang sa mga batang nagkalat sa labas ng school para ibenta nila. Nakatulong pa ko diba? mabubulok lang naman kasi yun kapag inuwi ko eh.
Sa mga chocolates naman, wala akong problema, may tiga-kain ako eh. Si Sis. haha
Si Gab di pa ko binibigyan ng kahit ano. Hayy...
Di ko nga siya nakita kahapon eh, baka nahihiya sakin. Waaaaaaah! Bakit naman siya mahihiya?
Hayy nako.
Si Phen din di pa ako binibigyan ng kahit ano. At hindi ko yun hinihintay.
Naiinis parin ako sa kanya. Di ko siya kinakausap o tinetext simula nung prom. Lagi ko rin siyang iniiwasan.
About sa pag-amin ko kay Gab, di pa ko ready. ( ___ ___ )
Di ko alam sasabihin ko sa kanya. Saka baka manligaw siya eh di pa ko pwede. Pero sabagay, kung mahal niya talaga ko, maiintindihan niya ko.
Pero nagpromise ako kay Phen na itutuloy namin yung agreement namin hanggang sa grumaduate siya. Nun kasing bago siya lumabas sa hospital nung na-appendicitis siya, kinausap niya ko at pinagpromise niya ko na itutuloy nga namin yung agreement namin.
Hayy. Ano ba gagawin ko? Naguguluhan na ko. Hindi kasi pwedeng sabihin sa iba eh. (=____=)
"Sis, naniniwala ka ba sa 'promises are meant to be broken'?"
"Oo, pero bakit ka naman magpropromise kung ibrebreak mo lang? Ade mabuti pang wag ka ng magpromise kung hindi mo lang din naman tutuparin."sabi niya habang puno pa ang bibig ng chocolate. haha, si Sis talaga.
Oo nga naman. Hayy. Ayokong magbreak ng promise.
"Mich!!!"
"Oh?! Makasigaw naman wagas!"sigaw ko kay Nathan
"Ahehe. sama ka sakin dali."
"San tayo pupunta?"
"Basta."
"Ayan ka na naman."
"Tara na dali."
"Oo na. Sis tiran mo ko ah!"
"Oo sige umalis na kayo, makikiber lablayp niyo eh sige!"sagot niya
haha, bitter na naman, pinapakain ko na nga ng chocolate para hindi magbitter eh, ganun din pala, haha
At sumama na nga ako kay Nathan.
"Bakit nandito tayo?"
Nandito kasi kami sa labas ng music room.
"Pumasok ka na lang kasi."
Okay.
BINABASA MO ANG
When CRUSH becomes LOVE...♥ [fin]
Novela Juvenil'CRUSH is different from LOVE but CRUSH can be LOVE.' | Completed | No Soft Copies | No Compilation | @ All Rights Reserved. Copyright January 2012-May 2013. ~By: CutieLittleGirl12~