Chapter 6 - Everything has changed

59 4 0
                                    

Let's start again. Hahaha.

Chapter 6 - Everything has changed

Viel's POV

"Yan na nga ba sinasabi ko eh." Sabi ko sa isip ko nung nakita ko si Stanley na may kahalikan na iba. Haist. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang may sakit sa side ng puso ko na nagsasabing masakit?

Naglalakad ako ngaun sa may garden ng makita ko si Stanley na may kahalikan, sino kaya yung babaeng yun?

Nagulat ako ng napatingin sa direksyon ko yung babae at napatingin din si Stanley sakin. Inirapan lang ako nung babae at ang lalo kong ikinagulat ay tumingin lang sakin si Stanley at itinuloy lang ang kanilang ginagawa. Parang wala lang sa kanya na makita ko siyang ganun.

Umalis na ako at pumunta na sa cafeteria nakita ko si Cheska at umupo sa tabi niya.

"Bakit ganyan itsura mo? Anong nangyare?" Tanong niya.

"Nakita ko si Stanley may kahalikan."

"Oh eh ano naman sayo?"

"Wala." Mahina kong sagot.

"Teka ha Viel. Ano yan? Kala ko ba.."

Pinutol ko ang pagsasalita niya.

"Oo nga. Wala naman talagang namamagitan samin. Pero hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko kung bakit ganito. Feeling ko ang sakit." Oo. Ang sakit. Nararamdaman ko na to dati. Pero hindi ko pinapansin. Dahil baka wala lang to.

"Siguro inlababo ka na sa kanya. Hindi mo lang maamin sa sarili mo."

"Ewan ko. Hindi ko alam." Hindi ko talaga alam.

-----

Papunta na kami ngaun ni Cheska sa klase namin.

Hindi ko muna iisipin ang nararamdaman ko kay Stanley. Hindi naman kasi yun marunong magmahal. Cassanova nga diba?!

Andito na kami sa classroom at nagulat ako na pinagtitinginan ako ng mga kaklase namin.

"Bes. Ikaw ba tinitingnan nila o ako?" Itchusera talaga tong si Cheska.

"Ako syempre. Pero bakit nila ako tinitingnan?"

Wala naman akong natatandaan na ginawa kong masama. Ang tingin kasi nila hindi maintindihan.

Umupo na kami ni Cheska sa upuan namin sa medyo likod. At buti nalang dumating na yung prof namin at nawala ang mga tingin nila sakin.

Natapos ang klase na wala akong naintindihan sa kaiisip kung bakit nila ako pinagtitinginan kanina. Ano nga kayang dahilan?

Stanley's POV

Naglalakad ako ngaun sa may garden ng may lumapit sakin na isang babae. Nabigla ako ng bigla niya akong sinugod at hinalikan. Sinagot ko naman ang kanyang mga halik. Sino naman kaya ang hindi makikipaghalikan sa isang hot, sexy, at maganda?

Biglang humina ang energy niya kaya napamulat ako at meron siyang tinitinganan, tiningnan ko din ang tinitingnan niya at nakita ko si Viel na nakatingin samin. Seryoso ang mukha niya at naalala ko na kailangan ko siyang iwasan. Bakit? Kasi kailangan hindi lumalim ang nararamdaman ko sa kanya. Oo. May nararamdaman na ako sa kanya. Ang sabi ko lang noon, dapat babawi ako sa kanya dahil sinampal niya ako noon, pero sa isang iglap naramdaman ko nalang na may special feelings na pala ako sa kanya.

Binalik ko ang atensyon ko sa babaeng kahalikan ko at kunyaring walang nakita na Viel. Mas lalo kong diniinan ang halik ko at alam kong sarap na sarap na to. Hahaha. Sino ba naman ang hindi masasarapan sa halik ni Stanley Perez? Gusto mo itry?

(Pede ba? Patry nga Papa Stanley.)

Hoy! Author. Hahaha.

(Sorry naman)

Medyo matagal na din ang halikan namin kaya humiwalay na ako. Hindi ko din alam pangalan nito. Siya lang naman tong bigla-biglang nanghahalik. Pinagbigyan ko lang. Pogi problems.

Binigyan ko nalang siya ng isa pang smack at umalis na.

Habang naglalakad ako papuntang cafeteria, iniisip ko na naman si Viel. Stephen, wag mo na siya isipin. Pano mo siya maiiwasan kung palagi mo siyang iniisip?

Nakarating ako sa cafeteria at nakita ko si Stephen. Lumapit siya sakin at sinabing...

"Tol, kailangan nating mag-usap."

------

Putol muna. 😂

Ang Boyfriend kong Gangster na, Cassanova paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon