Chapter 7 - Revelations

83 5 0
                                    

Stephen's POV

Hinahanap ko ngaun si Stanley para kausapin. Nakita ko kasi ngaung mga nakaraang araw na hindi nya na pinapansin si Viel matapos ang prom. I smell fishy kasi. Kilala ko ang pinsan ko, kilala ko siya bilang gangster at cassanova, pero kakaiba kasi ang mga tingin niya kay Viel noong sumayaw sila ni Viel. Parang hindi umiral ang pagkaplayboy niya.

Mahal ko si Viel, mahal na mahal. Matagal na. Alam niyo yun. Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan. Tulad kanina nung nakita ko siya na nakatinggin kay Stanley na may kahalikang ibang babae. Feeling ko nasasaktan siya nun. Masakit din sa part ko na nasasaktan siya.

At sira ulo din naman si Stanley kanina at hindi man lang natinag ng nakita na nakatinggin si Viel sa kanila.

At nagulat ako nung nakita ko kung sino ang kahalikan ni Stanley. Nakauwi na pala siya galing Korea. Kala ko hindi na siya babalik. Kala ko tuloyan niya na akong iniwan.

Siya si Kryzel. Ex ko. Siya ang pinakauna kong naging girlfriend. Seneryoso ko siya. Minahal ko siya at minahal niya naman daw ako. Hindi ako sigurado. Kasi noon, usong-uso pa ang arrange marriage. 1 year and 5 months na kami noon nung nalaman niya na inarrange marriage siya ng kanyang magulang sa kasyoso nila sa negosyo. At dahil dun umalis siya ng walang paalam. Pumunta siya sa Korea. Nalaman ko nalang na ganun ang nangyare sa mga kaibigan niya.

Simula nun hindi na ako muling nagseryoso sa mga babae. At nung mga time nayon, pumunta ako sa bar kasama si Stanley at doon niya ako sinabihan na maging cassanova. Kaya noong gabing yun nagsimula ang pagiging cassanova ko. May mga nakilala akong mga sexy at magagandang babae. Sila naman ang mga lumalapit saamin ni Stanley. Tinitingnan at nginingitian lang naman sila tapos lumalapit na sila. Nakipaghalikan ako noon. At sa hanggang nalasing ako, hindi ko na alam ang nangyare.

Kinuwento lang sakin ni Stanley na lasing na lasing daw ako at muntikan ng marape ng babaeng hinalikan ko. Buti nalang daw at nakita niya akong dala-dala nung babae sa papuntang mga private rooms doon sa bar. At sinundan kami at kinuha niya ako dun sa babae. Saka niya ako hinatid sa condo ko.

Nagtataka siguro kayo kung pano kami nagkakilala ni Viel. Magkaklase na kami ni Viel simula elementary pero hindi ko pa siya kaclose noon. Hanggang ngaung high school ay magkaklase kami. Nagsimula ang pagiging magbestfriend namin nung 2nd year. Dahil isang gabi ng pagiging emo ko sa bar ay nakabangga ko siya doon. Noon ngang nagkatinginan kami ay parang nalove at first sight ako. At nagtaka ako nung hindi man lang siya nagalit nung nagkabangga kami at nabubuan ko siya ng alak sa damit niya. Nasa katinuan pa naman ako noon kaya nakapagsorry pa ako. At sabi ay okay lang daw. Tinulungan ko nalang siyang magpunas ng damit niya upang makabawi ng kunti. At ng makapagpunas siya ay napansin niyang basa rin pala ang damit ko. Kaya pinunasan niya din.

Sabi niya pa nga ay bakit daw ba ako nag-iinom ng mag-isa. Kinuwento ko kung anong nangyare kaya parang nagkapalagayan na kami ng loob. Tinanong ko din siya kung bakit siya nandun, ang sagot niya lang ay basta. Hindi ko na siya pinilit at nagkayayaan nang umuwi. Sinabi kong ihahatid ko siya pero sabi niya may dala daw siyang sasakyan kaya nagkahiwalay na kami sa parking lot.

At muli kaming nagkita sa school at sa room at simula noon ay lagi na kaming magkasama. At naging magbestfriend kami.

Pero teka, haba na ng nakwento ko sa inyo pero hindi ko pa rin nakikita si Stanley. Nagpunta ako sa cafeteria at doon ko siya nakita. Dali-dali ko siyang pinuntahan at sinabing...

"Tol, kailangan nating mag-usap."

"Bakit?"

"Basta. Tara sa rooftop. Dun tayo mag-usap."

Rooftop

"Tol, ano ba ang kailangan mong sabihin at hindi mo nalang itenext or itinawag?"

Oo nga, bakit hindi ko naisip kanina na itext or tawagan nalang siya na pumunta sa rooftop. Naikwento ko tuloy sa inyo ang nakaraan ko.

"Tungkol kay Viel."

"Bakit? Anong tungkol kay Viel?" Kumunot ang noo niya.

"Bakit mo siya iniiwasan ngaung mga nakaraang araw?" Diretsahan kong tanong.

"Ha? Ano bang tanong yan? Bakit ko naman siya iiwasan?"

"May gusto ka ba kay Viel?"

"H-haa?! Kay Viel? Pano ako magkakagusto dun?" Nauutal niyang sabi.

"Bakit ang sweet mo sa kanya dati, lalo na nung prom? Kilala kita Stanley, alam ko kapag inlove ka at kung flirting lang ang ginawa mo."

Tumahimik siya at tumungo.

"Osige. Oo na. Meron na nga siguro akong feelings sa kanya. Pero hindi ko pa din sure. At ayokong lumalim pa yun. Hindi katulad ni Viel ang sinasama sa mga babaeng pinaiyak ko."

"Tol, ako man din ay may gusto sa kanya. Nung 2nd year pa."

"Ha? May gusto ka sa kanya? Wait, siya pa ang tinutukoy mong babae kaya ka tumigil sa pagiging cassanova?"

"Oo. Siya nga."

"Alam mo Tol, ayoko nang lumalim pa ang nararamdaman ko sa kanya. Kaya iniiwasan ko siya."

"Pero nasasaktan siya."

"H-ha? A-anong ibig mong sabihin?

"Nung nakita ka niya na may kahalikan na babae, tumakbo siya at hindi maipinta ang mukha. Alam kong nasaktan siya dun pero ayaw niya lang ipahalata."

"Teka, bakit mo ba to sinasabi sakin. Diba sabi mo may gusto ka din sa kanya. Bakit parang gusto mo pa din pansinin ko siya?"

"Oo nga, mahal ko nga siya eh. Kaya ayoko na nakikita siya na nasasaktan."

"Oo sige. Papansinin ko na ulit siya pero wag mo akong sisihin kung lumalim pa ang feelings ko sa kanya."

"Oo ba! Kilala kita Stanley, alam kong matutulad siya sa ex mong si..."

"Oh! Wag mo nang banggitin. Matagal na yung tapos."

"Oo na. May the best man win nalang." Inilahad ko ang kamay ko para sa shake hands.

"Orayt." Nakipagshake hands din naman siya.

"Alam ko naman na kapag nainlove ka, seneseryoso mo talaga."

"Pero teka, kilala mo ba yung kahalikan ko kanina? Para kasing familiar?"

"Oo, kilalang kilala. Siya si Kryzel Park."

"Huuuuwwwhhhaaattttt?! Yung ex mo na iniwan ka? Dahil sa arrange marriage?!"

"Oo. Siya nga."

"Naku pare, sorry. Hindi ko alam. Siya naman ang dumamba sakin, pinagbigyan ko lang."

"Ikaw talaga."

"POGI PROBLEMS!" Sabay naming sabi.

-------

Oh ayan ha. Medyo mahaba yan.

Ang Boyfriend kong Gangster na, Cassanova paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon