Chapter 4 Part 2 - Stanley ♥ Viel

318 13 0
                                    

Chapter 4 Part 2 - Stanley ♥ Viel

KRRRRRRIIIIINNNNGGG!!!

'Hmmm, 5 minutes 5 minutes.'

KRRRRRRIIIIINNNNGGG!!!

'Ano ba sabing 5 minutes eh.'

Nagising na ko ng tuluyan dahil sa ikalawang pagring ng alarm clock ko. Pinatay ko na ito at kinuha ang cellphone ko. Dahil naalala ko ang huling text ni Stanley na hindi ko na binasa dahil antok na antok na talaga ako.

Nakita ko 3 messages from Stanley.

From: 0919*******

'Aww. Sakit naman nun. Bakit bawal na kita itext?'

From: 0919*******

'Tulog ka na ba talaga?'

From: 0919*******

'Sige na nga. Good Night. See you tomorrow. :*'

Aba atay kiss mark pang nalalaman ang batang ito. Isasave ko na nga number neto. Alam kong nahihirapan na si Ms. Author na itype ang asterisk na naglalaman ng number nya. Hahaha.

(Aba Viel, buti alam mo.)

Hahaha. Oo na nga po Ms. Author. Isasave na po.

Save Stanley.

Tumayo na ako at pumasok na sa banyo at pagkatapos at ginawa ko na ang araw-araw kong ritwal. Bumaba na ako para kumain. Wala si Mama, kasi kasama niya si Papa sa business trip nila. May inaayos sa maliit naming negosyo.

Kasama ko lang ngayon sa bahay ay ang mga kapatid kong lalaki at Oo ako ang babae sa amin. 4 kaming magkakapatid at ako ang bunsong babae. Naabotan ko si Kuya Nathan na naghuhugas ng mga pinggan.

"Kuya, nakakain na kayo?" tanong ko kay kuya na parang nagulat sa pag-imik ko.

"Oh! Gising ka na pala Baby, Oo tapos na kami. Kumain ka na, pinagtirhan ka namin.' Sagot niya naman at nagpatuloy na sa paghuhugas.

"Salamat Kuya." Si Kuya Nathan ang panganay kong kapatid. Tapos na siyang mag-aral at nagmomodel na lang siya sa Bench. Nagbabasketball din siya kasama sina Kuya Joshua at Kuya Aaron. Si Kuya Joshua ay tapos na din sa pag-aaral isa din siyang model ng Bench. At kami nalang ni Kuya Aaron ang nag-aaral. Si kuya Aaron ay 4th year college na at mamaya gagraduate na siya. Tas mamaya ako nalang yung nag-aaral.

Malayo na ang gap namin ni Kuya Aaron dahil dapat daw hindi na mag-aanak sina Papa, dahil baka maging lalaki na naman ang lumabas. Gusto kasi nila na magkababae naman. Pero isang araw napanaginipan daw ni Mama na may anak silang babae at napagdesisyon ulit nilang mag-anak ulit at tama nga ang panaginip na Mama. Nagka-anak sila ng babae at ako lang naman yun.

Natapos na akong kumain at isinabay ko na ang pinagkainan ko sa mga hinuhugasan ni Kuya Nathan. Umakyat na ulit ako sa taas at nanuod nalang ng tv. Mamayang 5 ay magbibihis na ko para  sa lakad namin ni Stanley.

★★★★★

5pm na at kailangan ko nang magbihis. Semi-formal daw kaya kinuha ko sa closet ang isang dress na regalo sakin ni Kuya Joshua last christmas. At sa baba ng kabinet ang isang high heels na regalo naman ni Kuya Nathan last christmas din. At kinuha ko din sa sabitan ng mga kwintas ko ang isang dream catcher necklace na regalo naman ni Kuya Aaron last christmas din.

Oo, sinuot ko talaga lahat ng binigay nila, sabi kasi nila pag daw sinuot ko ang isang bagay na bigay ng isa kailangan suot ko lahat.

Natapos na ako at tiningnan ang oras, 5:55 na. After 5 minutes ay narinig ko ang sigaw ni Kuya Aaron sa mula sa salas.

Ang Boyfriend kong Gangster na, Cassanova paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon