Viel's POV
"VIIIIIEEEEELLLL!"
"Ayyy! Pusang gala!" Nagulat ako sa pagkakasigaw ni Cheska sa tenga ko.
"Meoww! Hahaha" Pusa nga.
"Ano ka ba? Basta-basta ka nalang naninigaw?" Singhal ko sa kanya.
"Eh ikaw nga itong kanina ko pang tinatawag hindi ka lumilingon." Balik na singhal niya sakin.
"Anong kanina pa? Bakit wala akong naririnig?"
"Eh kasi nga ang lalim ng iniisip mo."
"Ahh! Ganun ba? Eh sorry naman. Iniisip ko lang kasi yung mga sinabi sakin ni Kuya Aaron."
"Hanggang ngaun ba, yan parin iniisip mo? Hindi ka ba makamove on sa kilig ha luka ka?! Hahaha"
"Ayy grabe siya! Luka agad?" Grabe si Cheska. "Eh sobra lang kasi akong kinikilig. Akalain mo yun si Stephen pala may gusto din sakin. Yiiieee! Sobrang kinikilig talaga ako dun." Oo, tama ang nabasa niyo. May gusto si Stephen sakin. Hahaha
"Si Stephen lang ba? Ha? Diba si Stanley din may gusto sayo?"
"Oo nga, pero wala na akong pakialam sa kanya. Tyaka baka nga hindi totoo na may gusto talaga siya sakin. Alam mo naman na cassanova yung ulol na yun."
"Pero diba barkada siya ng kuya mo? Hindi lang pala barkada ka-gang din niya. At hindi yun magkakaroon ng lakas ng loob na sabihin sa kuya mo kung hindi yun totoo. Takot niya nalang sa mga muscles at abs ni Papa Aaron."
"Tangii! Eh meron din naman si Stanley nun."
"Teka, bakit mo alam? Nakita mo na noh?!" Sabi niya at may paturo-turo pa.
"Ah.. Ehh.. Ba-bakat naman eh." Hayy. Pero sadya naman na bakat yung muscles at abs niya. Maganda kasi ang tindig niya.
"Suuuss! Bakat dawww!" Hindi naniniwala niyang sambit.
"Edi bahala ka kung ayaw mong maniwala." Eto talagang si Cheska, hirap pagsinungalingan hindi agad naniniwala. "Hayy nako Bes, bahala ka na jan. Uuwi na ako." Sabi ko sabay lakad papunta sa gate.
"Huiii! Wait lang, iiwan mo ba din ako? Lahat nalang kayo iniiwan ako!" Sabi niya sabay takbo sakin.
"Ayy, grabe siya! Sino nang umiwan sayo ha? Ha?"
"Mehehe! Humuhugot lang."
"Wala kang ganyang sasabihin kung wala. Ikaw ha, may naging karelasyon ka na naman ng hindi ko alam noh?!
Umiwas siya ng tingin. Nakuu! Alam na this! Ito talaga, hays.
"Ano?! Meron nga noh?" Sabi ko ng may pagturo-turo pa sakanya.
"Oo na! Meron nga. Pero wala na yun. Kafling ko lang naman yun. Alam mo na, dumadalaga si atii."
"Kafling-fling ka jan. Lahat naman ng mga nakakafling mo, iniiwan ka."
"Ayy grabee si atii oh! Hard mo naman sakin."
Waitt.. Speaking of hard.
Ang hard naman nitong sinasandalan ko. Ang tibay nagpagkakagawa nila. Parang kahit lumindol ng malakas hindi masisira. Napatingin ako sa sinasandalan ko at....
"Uyy! Tol!" Sabi ni Stephen na nasalo ako sa pagkakagulat ko na siya pala ang hard. 😂
"T...t..tol!" Pinagpapawisan kong sabi habang tumatayo sa pagkakasalo niya. Ano ba yan? Biglang uminit. 🔥🔥🔥
"A..anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Wala. Napadaan lang. Pero hinahanap talaga kita. May sasabihin sana ako." Seryoso niyang sabi.
"Ano yun?"
"Mamaya ko sasabihin, after class. Kita tayo sa rooftop."
"Ahh! Sigee."