Author's Note:
Okay Guys, mukhang hindi pa makakaabot ng 50 Votes. Kailangan ko nang mag-update. Madami nang gusto akong mag-update. Hahaha. Sige, Let's do this. :)
Chapter 5 - Prom ♥
'Hayan na hayan na Viel, dream come true na to.' Palapit na ng palapit si Stephen at hahalikan na niya ko...
"WAAAAAAAHHHHHH! NAGKISS KAMI--.." Sigaw ko pagkagising ko, pero nakita ko ang isang napakagwapong nilalang na nakaupo sa kama ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Ginigising ka." Sagot niya.
"Ha? Bakit ikaw may alarm clock kaya ako." Sabi ko sabay turo ng alarm clock sa bed side table.
"Kanina ka pa nyan ginigising, hindi mo ba pakinig?" Sabi niya.
"Sure ka tumunog na yan?" Tanong ko nang may pagtataka. Dati naman agad agad akong nagigising sa alarm ah.
"Oo, kaya ako nalang gumising sayo. Ano bang napanaginipan mo at ngumunguso ka pa habang tulog?" tanong niya at ngumiti ng nakakaloko.
"Wala ka na dun. Bakit ka ba kasi nandito?" Masungit kong tanong.
"Sinusundo ka. Diba may lakad tayo. 9am sharp ako pumunta dito, sabi ng mga kuya mo tulog ka pa daw. Sabi nila puntahan daw kita dito." Paliwanag niya. Mga kuya ko talaga, basta basta nagpapaakyat dito. Masyado silang mapagtiwala. Oo nga pala, may lakad nga pala kami. Saan kaya yun?
"Ayy, oo nga pala. Saan nga ba tayo pupunta?" Tanong ko.
"Secret. Basta magbihis ka na." Sabi niya. Tumayo na ako at pupunta na sa banyo.
"Oh? Bakit hindi ka pa nalabas?" Sabi ko. Hindi pa kasi siya nalabas, eh alam niya naman na maliligo ako. Ngumiti siya ng nakakaloko.
"Gusto mo ba sabay tayong maligo?" Ha? Ano daw? S..s..sabay kaming maliligo? Ano to lokohan?
"H..H..Ha? Are you fucking crazy?! Sigaw ko. Nababaliw na ba tong lokong to? Loko na nga baliw pa. "At tsaka hindi ka pa ba lumiligo? Kaya pala ang baho, ikaw pala yun." Dagdag ko pa.
"Hahaha! I'm just joking. Sa tingin mo ba pagnanasaan kita?" Sabi niya habang tumatawa. Grabe! Ang bastos talaga nito. "And do you think that I will invite you to come with me without taking a bath? At ano? Mabaho? Baka ikaw yun. Ikaw tong hindi pa naliligo jan." Dagdag niya. Malay ko ba. Ako nga umaalis ng bahay ng wala pang ligo pag minsang namamalengke ako.
"Oo na nga, ako na. Osiya, labas na at nang makaligo na ako." Sabi ko sabay tulak palabas ng pinto.
Pumunta na ako sa banyo at ginawa ang mga dapat gawin. Paglabas ko ng CR nagbihis na ako at ginawa ang mga ritwal. Lumabas na ako at bumaba na. Nakita ko sa baba si Stanley at nakikipagtawanan sa mga kuya ko.
"Mukhang masaya ang pinag-uusapan niyo jan ah." Sabi ko. Malamang tumatawa sila eh. Magtaka ka pag tumawa sila at ang pinag-uusapan nila ay tungkol sa patay.
"Wala lang Princess. We're just talking about something very funny prank in the whole world." Sabi ni kuya Joshua. Ano kaya yun?
"Teka lang ha, bakit ba parang sobrang close nyo? Parang ang tagal nyo nang magkakakilala?" Tanong ko sa kanila. Baka ganun lang talaga ang mga lalaki, mabilis maging magkakaibigan?
"Yeah." Sabi ni Stanley.
"Because we are FAMILY!" In chrous nilang sagot except Stanley. At ano daw? They are F..FAMILY?
"Slash TEAM MATES!" Singit bigla nila Stanley. At bigla silang nagtingginan nang may ibig sabihin at hindi ko iyon ma-gets. At Ha? Team mates? Saan?