Chapter 1 - Meet Patricia Viel De Vera

1K 21 3
                                    

Prologue

'Gangster na, Cassanova pa.'

Kakayanin mo kaya na maging boyfriend ang isang gangster na, cassanova pa? Sasaktan ka kaya o mamahalin ng totoo? Magbabago kaya siya para lang sayo? Sasakit ba ang puso mo o ang ulo mo sa kakaisip sa kanya? Heartache o Headache? Alamin sa 'Gangster Na, Cassanova Pa'

Chapter 1 - Meet Patricia Viel De Vera

Hi! My name is Patricia Viel De Vera. Haba noh? But, my friends call me Tricia, sometimes Viel. I'm 4th year high school of La Corona Academy. I'm 17 years old. Simpleng estudyante lang ako, simple na may mga kaibigan, may crush at hindi kami mayaman may kaya lang para makapag-aral ako sa private school na La Corona Academy.

And today is my first day. Andito na ko sa loob ng school at hinahanap na ang bulletin board para makita ang section ko.

Kasama ko nga pala ngayon ang BF kong si Stephen Perez, bestfriend lang yan ha hindi boyfriend. Wag kayo jan. Pero, secret lang natin 'to mga teh ha crush ko kasi si Stephen since elementary pa lang kami. Kasi naman ang gwapo gwapo niya at bait pa. At may 6 pack abs pa. Saan ka pa? Stephen Perez ka na.

"Hoy Viel, kung saan saan ka naman nakatingin jan. Ito na ung section natin oh. Section B tayo." sabi nya.

"Buti nalang magkaklase ulit tayo. Hindi ko na alam ang gagawin ko pag nagkahiwalay tayo." sabi ko.

"Wow. Sweet mo naman Pare, crush mo na ko noh." aniya na ikinagulat ko.

"H-Ha? A-asa ka naman. Ako magkakagusto sayo, ang panget panget mo nga eh." Syempre joke lang yun, ang pogi kaya ng pare ko.

"Sus. Ikaw pa, lahat ng gusto mo sa lalaki na sakin na." sabi nya na may halong ngiting nakakaloko. Ito talagang pare ko, kilalang kilala ako.

"Hay, ewan ko sayo. Bahala ka nga jan. Malelate na ko sa klase ko. Kung yan ang pinaniniwalaan mo, fine. Bahala ka jan." Sabi ko sabay walk out. Kung alam nya lang nag-iinarte lang ako kasi sobra siyang nanunuyo pag galit ako.

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinila paharap sa kanya. "Hoy, Pare. Sorry na. Ikaw naman napikon ka na agad." -Stephen

"Chee! Bahala ka jan." Sabay hila ng kamay ko na hawak nya. At nagpatuloy na ulit sa paglalakad papuntang room. Habang naglalakad ako iniisip ko pa din ang paghawak nya sa kamay ko. Grabe, hinawakan nya ang kamay ko. Dati kasi braso lang hinihila nya pag nag-iinarte ako. Grabee! Hahaha. Sa Landi.

Finally, I'm on the room na. Medyo konti pa lang ang tao sa room at naghanap na ko ng upuan, nagpunta ko sa tabi ng bintana at sa pinakadulong upuan.

Medyo awkward pa ang iba kong kaklase kasi transferee pa ang iba. At napatingin ako sa pinto at pumasok si Stephen na may dalang maliit na box at sa pagkakatingin ko ay cake ang laman nito.

At papalapit siya patungo sakin. "Pare, Sorry na." Sabay abot sakin ng box.

"Ano yan?" Mataray kong tanong.

"Peace offering. Sorry na talaga. Hindi ko na uulitin." Sabi nya na may sincerity sa mga mata. Ayos lang kahit ulitin mo ulit yun basta palaging may ganito. *_*

Hoy, Tricia. Hindi pede yan. Kunyare galit ka muna sa kanya diba? Ayy, Oo nga pala. Pero hindi ko sya kayang tiisin eh. Mukhang masarap pa ung cake. Sige na nga bati na kami.

"Osige. Pero kung hindi ko gusto ang flavor ng cake na 'to, galit na ulit ako sayo." At ngumiti naman siya ng panalong ngiti. At kinuha ko sa kanya yung box at binuksan ito. At nakita ko ang isang slice ng strawberry cake na may malaking strawberry sa taas. Napangiti naman ako sa kanya at ngumiti din sya sakin.

Grabe, kilig na kilig nako dito. Baka maihi na ko sa pants ko.

Author Note:

Ayon, first update. Sana magustuhan nyo. First story ko po ito kaya sana po suportahan nyo ako. :"> Wait nyo nalang ang Chapter 2 - Meet Stephen Perez. Siya kaya ang Gangster Na, Cassanova Pa? Alamin natin. :">

*CrownTeenLoveThing*

Magcomment at magvote kayo. :"> Salamat. :*

Follow me:

Twitter: @trishismyname_

Instagram: @trishismyname_

Ang Boyfriend kong Gangster na, Cassanova paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon