Hiram 1

18.1K 478 66
                                    

CHAPTER 1

Mary's_POV

I just can't believe na patay na si Ricka, yung bestfriend ko simula pagkabata. Sobrang close kami nun sa isa't isa. Kapatid na nga yung turing ko sa kanya. Siya lang ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng mga problema ko either mapa private man o hindi. Tinutulungan niya rin akong ayusin ang problema ko. Ganyan kabait ang bestfriend ko.

Nasa bahay na nga pala ako ngayon. Sabi kasi ng doktor pwede na raw akong lumabas. Konting pahinga na lang daw and kailangan ko dahil di naman ganun kasama yung natamo ko. Nag insist kasi si Mama na pauwiin ako kaya pumayag na rin ako.

"Anak, sa linggo na ang burol ni Ricka. Huling lamay na bukas" wika ni Mama

"Ah ganun ba? Sige Ma, sasama ako sa inyo bukas ng gabi sa lamay" sagot ko. Alangan namang hindi ako pumunta sa burol ng bestfriend ko di ba? For sure, magtatampo iyon sa kin.

Nagkulong lang ako sa loob ng kwarto ko. Naguguluhan pa rin ako sa nangyari to the point na hindi ko maalala ang tunay na nangyari nung gabing iyon. Yung gabing kamuntik ko ng ikamatay.

Naglakad ako at nagpunta sa kabinet. Binuksan ko iyon at ang unang tumambad sa kin ay yung damit na hiniram ko kay Ricka. Yung damit na binili pa ng parents niya from Europe. Yung damit na gustong gusto niyang suotin para sa mismong prom namin. Unfortunately, hiniram ko at pumayag naman siya.

Kinuha ko iyon at saglit na pinagmasdan. Ang ganda talaga ng damit na 'to. Napangiti na lang ako ng maalala ko ang itsura ko nung gabing iyon. Parang may kung anong pumipigil sa kin na wag isauli itong damit. Gustong gusto ko kasi siya eh.

Sa totoo lang, marami na kong hiniram na gamit mula sa bestfriend ko. There are times na siya na mismo yung nagpapahiram sa kin at syempre di ko naman siya kayang tanggihan. Minsan nakakalimutan ko ring isuli sa kanya yung mga hiniram ko at siya na mismo yung magsasabi na 'akin na lang' raw dahil sa hindi rin niya raw gagamitin.

Isasauli ko pa ba sa kanya tong damit na to?

Halos mapatalon ako nang biglang tumunog yung phone ko. Isinabit ko ulit yung damit sa lalagyan pagkatapos ay agad na isinara ang kabinet.

"Hello? Oh Lola napatawag kayo?" bungad ko. I'm sure kukulitin niya na naman ako. Basang-basa ko na siya.

"Apo, nasauli mo na ba yung damit na hiniram mo kay Ricka?" Tanong sa kin ni Lola. Natahimik naman ako nun bago nagsalita. Nakakapanghinayang lang kasi kung ibabalik ko pa yun. Besides, wala rin namang gagamit dahil sa wala na siya kaya itatambak lamang ito sa bodega.

"Hi-hindi pa po Lola. Ba-kit po?" Sagot ko naman.

"Dapat mong masauli yan apo. Kailangan mong maibalik sa kanya yan. Kung hindi-----" napatigil si Lola. Nakaramdam naman ako ng takot dahil na rin sa boses nito.

"Kung hindi ano po?" pag uulit ko. Napatingin ako sa paligid ng kwarto dahil biglang nagbago ang temperatura sa paligid.

Nakaramdam ako ng panlalamig. Para bang may mga matang kanina pa nakamasid sa kin. Ramdam ko rin ang pagtayo ng mga balahibo ko sa katawan. I hate this feeling!

"Kung hindi, mumultuhin ka niya. Hindi siya matatahimik hanggat hindi mo naibabalik ang bagay na pagmamay-ari niya"

Napalunok ako ng marinig ko ang mga katagang iyon. Bala naman gino-goodtime na naman ako ng lola ko. Mahilig kasi siyang magbiro at isa na roon ang manakot.

"Lola wag po kayong magbiro ng ganyan, natatakot po ako eh" pagbibiro ko habang pilit na kinakalma ang sarili.

"Hindi ako nagbibiro apo. Binalaan na kita, wag kang hihiram ng bagay na hindi mo sinasauli lalo na kung patay na ang may ari nito" ramdam ko ang pagiging seryoso sa boses niya.

Naramdaman ko na lang ang biglang pag-init ng magkabilang sulok ng mata ko. Huli na ng mapansin kong umiiyak na pala ako dahil sa takot siguro.

"Basta apo, wag kang-------" biglang naputol yung linya ng telepono. Biglang nanginig ang kamay ko kaya nabitawan ko ang cellphone na hawak ko.

Kinapa ko naman iyon pero di ko mahanap. Baka napunta sa ilalim ng kama ko. Gumapang ako habang pilit pa ring kinakapa yung phone. Nasan na ba yun? Andito lang yun eh.

Napangiti ako ng may mahawakan akong bagay. Buti naman at....

Napabitaw agad ako ng matantong damit yun ni Ricka. Teka. Pano to napunta rito eh parang kani-kanina lang nilagay ko pa ito sa kabinet. Unti-unti kong naramdaman ang paggapang ng takot pababa sa likod ko.

Biglang umihip ang malamig na hangin at mas nakadagdag pa iyon sa takot na nararamdaman ko. Para akong na estatwa sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw o makapagsalita man lang. Diyos ko, anong nangyayari sa kin?

Halos lumuwa ang mata ko ng makitang lumutang yung damit. Napapikit ako dahil sa takot.

"No. This can't be happening! Nag-iilusyon ka lang Mary kaya kung anu-ano ang mga nakikita mo" paulit-ulit na sabi ng utak ko.

Ilang segundo rin akong nakapikit bago tuluyang buksan ang mga mata ko. Napahawak na lamang ako sa bibig ko ng mapagtanto kung sino na yung nasa harapan ko.

Si Ricka na yung nasa harap ko ngayon at suot-suot niya yung damit na lumutang kani-kanina lang. Nanlilisik ang mga mata niya. May tali pa siya sa bandang leeg niya. Nakalutang siya sa hangin at palapit ng palapit sa kin. Napaatras ako ng wala sa oras.

"AHHHHHHHH" sigaw ko sa takot.

Masyadong mabilis ang mga sunod na nangyari. Sa isang iglap ay kaharap ko na agad siya at sinakal ako sa leeg. Masyadong malakas at mahigpit yung pagkakasakal niya sa kin to the point na tumingkayad na ako sa sahig.

"Paka-walan.. mo a-akoo" mangiyak-ngiyak kong sabi. Napapikit na lang ako kasabay nun ay ang pag agos ng luha sa mata ko.

Biglang nagbukas ang pinto dahilan para mawala siya sa paningin ko. Napadaing ako sa sakit dahil sa pagbagsak ko.

Nakita ko si Mama na pumasok. Mabilis siyang lumapit sa kin at niyakap ako. Iyak lang ako iyak dahil sa nabigla pa rin ako sa mga nangyayari.

"Anong nangyari? Ba't ka sumigaw?" alalang sabi ni Mama habang hinahawi ang hibla ng buhok ko.

"Si Ricka... Nakita ko siya.. Nandito siya" pagtingin ko sa paligid wala na siya. She's gone. Di ko alam kung namamalikmata lang ba ako o hindi. Parang totoo kasi yun.

"Namamalikmata ka lang anak. Baka pagod ka lang" sabi niya at hinalikan pa niya ang noo ko.

Inalalayan ako ni Mama at inihiga sa kama ko pagkatapos ay kaagad din siyang umalis. Naiwan akong mag-isa sa kwarto. Nakabukas na lahat ng ilaw dahil sa baka makita ko naman siya sa dilim.

Nagtalukbong lang ako ng kumot. Bukas na bukas rin ay pupunta ako sa lamay. Baka minumulto na ako ng bestfriend ko kaya siya nagpaparamdam.

Hindi ako makatulog ng gabing iyon. Maraming mga bagay bagay ang tumatakbo sa isipan ko. Naalala ko lahat ng pinagsamahan namin ni Ricka. Huli na nung namalayan kong umiiyak na pala ako.

Ricka? Wag mo naman akong takutin ng ganito. Parang awa mo na.

Sinubukan kong ikalma ang sarili ko. Hindi na muna ako nag isip ng kung anu-ano. Gusto ko ng matulog at magpahinga. Pagod na pagod na ako.

Pinilit kong ipikit ang aking mga mata. Kahit na nakabukas yung tenga at isipan ko ay pinilit ko pa ring pumikit.

Lilipas din ito, Mary. Masyado ka lang pagod.

EDITED!

Hiram: Ang Simula (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon