Hiram 4

9.6K 289 17
                                    

CHAPTER 4

Mary's_POV

Nakarating ako ng ligtas sa bahay nina Ricka. Buo ang pasasalamat ko dahil walang masamang nangyari sa kin. Pero hindi pa rin matanggal sa isip ko ang mga sinabi ni manong driver.

Hindi ko alam kong totoo bang lahat yung nangyari sa kin nitong mga nakaraang araw. Naguguluhan na ako. Pero posible nga kayang minumulto ako ni Ricka? O baka naman pinaglalaruan lang ako ng isip ko kaya nag-iilusyon ako?

Bago pa ko mangilabot sa mga naisip ko ay nagdesisyon na akong lumapit sa mismong bahay nila.

Palinga-linga lang ako sa paligid. Hinahanap ng dalawang mata ko sina Mama at Papa subalit hindi ko sila makita. Alam kong nasa paligid lamang sila. Sobrang dami kasi ng tao ngayon. Halos mga kamag-anak, kaklase, kapitbahay at kakilala ni Ricka ang naririto ngayon.

Hindi ko na muna inisip yun at pumasok na sa loob.

Nagsimula na yung pagro-rosaryo sa patay. Dito kasi sa lugar namin, dinadasalan pa yung patay dahil malaki ang paniniwala ng mga tao rito na ang kaluluwa ng namatay ay nasa paligid lamang. Kaya dapat daw na ipagdasal ito ng sa ganun ay matahimik ang kaluluwa nito at nang di na magparamdam at di na makapanggambala pa.

Bagong lipat lang kami sa lugar na ito noong isang taon. May bahay kami sa Maynila at dun nagtatrabaho si Mama't Papa. Pero dahil sa pagtaas ng mga bilihin, nahirapan sina Mama at Papa. Hindi sapat ang kinikita nila sa araw-araw na gastusin at idagdag mo na ring nag-aaral ako sa private school nun.

Nang magkaroon si Papa ng matinding karamdaman ay nagpasya silang umuwi ng probinsiya, sa probinsiya ng kanyang ina, sa lola ko. Nagkataon ring umuwi ng probinsiya ang pamilya ni Ricka at dito na lang manirahan. Sa awa ng Diyos gumaling si Papa. Kaya simula nun dumito na lang kami dahil mas gusto ni Papa dito.

Naging magkakase ulit kami ni Ricka at mas naging malapit pa kami sa isa't isa dahil sa matalik na magkaibigan yung Mama namin kaya kahit papano naging close kami sa pamilya ng bawat isa. Mas may kaya yung pamilya ni Ricka kumpara sa pamilya ko. Kaya naman lahat ng gusto nito ay nasusunod dahil sa unica ija siya ng pamilyang Mendez. Halos lahat ng bagay nasa kanya na kaya minsan di ko maiwasang mainggit.

Mabait si Ricka to the point na lahat ng bagay na pinagsawaan niya ay binibigay sa kin. Minsan naman ako yung kusang humihiram ng mga bagay niya at ok lang naman daw sa kanya. Kahit papano naging masaya ako sa mga bagay na natatanggap ko galing sa kanya at minsan ay mismong mga magulang pa niya ang nagreregalo sa kin lalo na pag birthday ko.

Hindi ko maiwasang maiyak habang unti-unting bumabalik sa kin ang masasayang alaala namin noon.

Maya-maya pa ay natapos na rin yung dasal. Nakita ko yung Mama ni Ricka na nakaupo malapit sa kabaong nito at may kausap na iba. Ilang saglit pa ay biglang agtama yung paningin namin at bakas sa mukha nito ang lungkot. Namumugto rin ang mga mata nito na halatang umiiyak at walang tulog.

Nang umalis ang kausap nito ay lumapit ako..

"Salamat sa pagpunta rito, Mary" bungad nito ng makalapit ako.

"Condolence po" sabi ko habang nangingilid yung luha sa mata ko.

"Napakabait na bata ni Ricka. Hindi ko alam kung bakit siya kinuha sa 'min. Siya na nga lang yung tanging meron kami tapos binawi pa" humagulgol na ito sa pag-iyak. Niyakap ko na lang ito habang hinahaplos yung likod niya.

Ilang minuto rin ang itinagal namin sa ganung posisyon. Nilibot ko ang paningin sa paligid. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako pero kitang kita ko si Ricka nakatayo siya sa labas at masama yung titig niya sa kin. Pinikit ko ang mata ko at bang dumilat ako at wala na siya.

Bumuntong hininga ako at kumalas sa pagkakayakap sa Mama ni Ricka. Nagpaalam siya bago umalis.

Tumayo ako upang tingnan si Ricka sa huling pagkakataon. Nang makalapit ako sa kabaong ay bigla akong nanlumo sa nakita ko. Yung mukha niya halatang malungkot. Yun bang ayaw pa niyang mawala sa mundo.

Hinawakan ko yung salamin. Halos mapatalon ako ng biglang dumilat si Ricka. Sinubukan Kong pakalmahin ang sarili ko at pumikit.

"Hindi to totoo Mary. Nag-iilusyon ka lang" sabi ko sa isip ko at pagdilat ko ay wala na. Nakapikit na ito ulit. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.

Paalis na sana ako ng makarinig ako ng kakaibang ingay. Paglingon ko sa kabaong ni Ricka ay nabasag ang salamin.

"Ang mga taong nagkasala ay dapat na isunod sa kamatayan. Nagkasala ka. Hinding hindi ka niya titigilan hanggat hindi ka nagsisisi sa mga ginawa mo!" nakakakilabot na sabi nung matanda.

Nilapitan ako ng Mama ni Ricka na para bang nag aalala kung napano ako. Halos lahat ng bisita ay sa min nakatuon ang atensyon.

Naalala ko bigla yung matanda, ito yung sinasabi nilang baliw. Pinalabas nila ito pero rinig na rinig ko pa rin ang huling sinabi nito.

"SINUSUNDO KA NA NIYA. SUSUNUGIN ANG KALULUWA MO SA IMPYERNO
MAGSISISI KA! PAGSISISIHAN MO TO!"

After nun ay pinaupo muna ako ng mga magulang ni Ricka. Pagkatapos ay nag desisyon silang ihatid na lang ako pag-uwi. Sinabi ko rin sa kanila na biglang sumama ang pakiramdam ko.

"Ok ka lang ba iha?" tanong ng Papa ni Ricka ng huminto ito sa tapat ng bahay namin.

"Opo. Sige po, dito na lang po ako. Mag iingat po kayo" sabi ko naman.

Kitang kita ko ang pagharurot ng kotse nito hanggang sa mawala ito sa paningin ko.

Pumasok na ako sa loob ng bahay. Tahimik pa rin. Baka tulog na sina Mama at Papa. Dumiretso na lang ako sa kwarto ko.

Masyadong kakaiba ang nangyari sa gabing ito. Di ko na nagawang magbihis ng damit dahil di na kinaya ng katawan ko. Pagod na pagod ako sa di malamang dahilan. Hanggang sa nilamon ng dilim ang paningin ko.

*****

Hatinggabi ng magising ako sa lakas ng ihip ng hangin. Napabalikwas ako ng bangon. Kinusot ko muna ang mga mata ko. Nakita kong nasa harapan ko sina Mama at Papa. Masaya sila habang pinagmamasdan ako Bumalik ako sa pagkakahiga.

"We love you, Mary"

Dinampian ako ng halik sa noo nina Mama at Papa. Yun kasi ang kadalasan nilang ginagawa gabi-gabi. Pumikit ako at bumalik sa pagkakatulog.

EDITED!

Hiram: Ang Simula (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon