Hiram 8

8.3K 223 24
                                    

CHAPTER 8

Rose's_POV

Kinakalampag ngayon ni Jake ang pinto ng kwarto ni Mary. Kasama ko rin si Grace dahil nag-aalala na talaga kami para sa kanya.

I keep on dialing her number pero hindi niya sinasagot yung phone niya. Nagsimula na rin akong kabahan dahil almost one week na siyang hindi pumapasok at lagi lang nagkukulong ng bahay. I don't want to conclude things right away pero kinakabahan talaga ako.

"Mary! Mary! Andiyan ka ba? Sumagot ka!" sigaw ni Jake

"Mary, buksan mo ang pinto!" this time si Grace naman ang nagsalita

"Mary, magsalita ka!"

It took us almost 15 minutes bago mabuksan yung pinto. Mabilis kaming pumasok sa loob para tingnan si Mary.

Napako ako sa kinatatayuan ko ng makitang nakahandusay na sa sahig si Mary at wala ng malay.

"Ma-ry?" nauutal kong sabi

Nilakasan ko ang loob ko at nilapitan siya. Sa bawat hakbang na ginagawa ko lalong nadadagdagan ang kaba ng dibdib ko.

Stay calm, Rose. Nothing happened. Paulit-ulit na sabi ng utak ko.

Hindi ko masyadong makita yung mukha niya dahil nakaharap siya sa may wall. Napahawak na rin ako sa chest ko dahil parang nararamdaman ko anytime, sasabog na yung puso ko.

Iginala ko muli ang mata sa paligid at nakita ko ang isang bagay na mas ikinagulat ko. The blade.

"Oh God! Mary!" sigaw ko ng malapitan siya.

Kitang-kita ko ang pagdaloy ng sariwang dugo sa pulso niya. Medyo may kalakihan ang sugat nito. Her face and lips are so pale. Namumugto rin yung mga mata niya. Nag hysterical na ako sa loob kaya lumapit na rin sina Jake at Grace.

Ang daming dugo ng kumot niya. Pati yung sahig may bakas ng dugo rin. She commits suicide. I don't think its a good idea. Ayokong mag-isip ng masama pero sana hindi pa huli ang lahat.

"Mary! What have you done?" nag-aalalang sabi ni Jake.

Nanatili lang akong nakatayo. Ayaw mag-sink in sa utak ko ang nangyari. I was really afraid of blood. May hemophobia kasi ako. Kaya parang automatic na nagshut-down yung system sa katawan ko. Di ko kayang igalaw ang mga paa at kamay ko. Tanging pag-iyak lang ang ginawa ko sa loob.

"Fvck! Why are you just staring there? Do something to stop the bleeding!" sigaw ni Jake pero parang wala akong marinig. Nahihirapan talaga ako sa ganitong sitwasyon.

Ilang beses pang nagmura si Jake. I know he was concern with Mary. Nakikita ko yung sa mga mata niya. Jake loves Mary. But Mary is afraid to accept Jake's love because she still cares for her bestfriend, Rica.

Nanatili akong estatwa sa kinatatayuan ko habang si Jake at Grace ay busy sa paggawa ng paraan para mapahinto yung pagdugo ng sugat nito.

Pinunit ni Jake yung suot niyang damit. Wala na kasi siyang ibang maisip na paraan. Agad niya itong itinali sa bandang pulso ni Mary. Pagkatapos ay binuhat niya ito palabas ng bahay upang dalhin sa ospital.

"Halika na Rose!" sigaw ni Grace sa baba

"Susunod.. na ko" utal kong sagot

Ramdam ko pa rin ang panginginig ng mga kamay ko. Hindi ko talaga alam ang ko gagawin pag nasa ganitong alanganing sitwasyon na ako.

Nahagip ng mata ko ang litrato na nasa nahulog sa tabi ng kama niya. Pinulot ko iyon at tiningnan pero laking gulat ko ng dahil parang kakaiba yung picture. Sa pagkakaalam ko ito yung litrato na kuha noong birthday ni Mary.

Hindi na masyadong makita yung mga mukha ng nasa litrato maliban kay Mary. Kung hindi ako nagkakamali yung kasama ni Mary sa litrato ay yung Mama at Papa niya at si...

Si Ricka...

Bakit walang mga mukha ang litrato nila? Anong ibig sabihin nito? Sa pagkakatanda ko, maayos pa naman tong litrato nung minsang dumalaw kami rito ni Grace.

Nanindig bigla ang balahibo ko ng maramdaman ko ang malamig na pagdampi ng hangin sa katawan ko. Alam kong hindi lang ako ang naririto sa kwarto.

Kitang-kita ko sa gilid ng mata ko ang paggalaw ng kung anong bagay. Nagsimula na akong kabahan sa mga ideyang nabubuo sa isipan ko.

Pinikit ko ang aking mga mata at muling binuksan.

Halos magulat ako sa aking nasaksihan. Tama ang hinala ko. Sinusundan niya pa rin kami. Hindi niya pa rin kami tinitigilan. Alam ko namang may kasalanan kaming nagawa pero pinagsisihan na namin iyon.

Nakalutang siya sa harapan ko. Kung di lang ako sanay makakita ng multo baka hinimatay na ako. Sa aming tatlo, bakit ako pa? Bakit ako pa ang may kakayahang makakita ng mga bagay na di kayang makita ng simpleng mata lamang.

"Tantanan mo na kami! Ano bang kailangan mo?!"

Hindi siya sumagot sa halip ay ngumisi lamang. Nakakatakot yung itsura niya. Halos di ko na nga siya mamukhaan.

Sa isang iglap, naglaho siya sa harapan ko. Kahit papano nabawasan ang takot na nararamdaman ko.

Bigla ko na lang naramdaman ang unti-unting paglutang ng buhok ko at naramdaman ko ang presensiya niya. Kahit nakapikit ako, alam kong nasa likuran ko siya.

"Kukunin ko kung ano ang hiniram niyo" bulong nito sa hangin at tuluyan ng nawala.

Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Pinilit kong i-manage ang sarili ko. Kailangan kong tatagan ang loob ko para sa kaibigan ko. Para kay Mary.

Lalabas na sana ako ng pinto nang mapalingon ako sa salamin. Hindi ko alam kung totoo ba ang nakikita ko o nag-iilusyon lang ako. Halos manlambot ang tuhod ko sa nabasa ko.

"HUMANDA KAYO DAHIL HIHIRAMIN KO ANG BUHAY NIYO! BUHAY ANG KABAYARAN SA LAHAT NG GINAWA NIYO!" dugo ang ginamit nitong panulat.

Mas lalo pa akong nagulat ng mabasag yung salamin. Mabilis akong tumakbo palabas at nilisan ang bahay.

Kailangan ko silang mabalaan.

*****

Grace's_POV

Ilang minuto pa'y narating na rin namin yung ospital. Habang lumilipas yung oras ay lalong humihina ang tibok ng puso ni Mary.

Diyos ko. Wag niyo pong pabayaan yung kaibigan namin. Iligtas niyo po si Mary.

Inilagay si Mary sa hospital bed at agad na pinasok sa emergency room. Kitang-kita ko pa kung pano siya kabitan ng mga kung anong bagay sa katawan niya.

Nanatili kaming nakaupo ni Jake sa labas ng Emergency Room. Pinagmasdan ko yung itsura sa mukha ni Jake. Masyado siyang affected sa nangyari maging kami. Hindi naman namin akalain na kaya niyang gawin ang bagay na iyon.

Naramdaman ko ang tubig sa pisngi ko. Umiiyak na pala ako. Nalulungkot ako sa nangyari kay Mary. Parang ang sama naming kaibigan. Sa halip na damayan siya hindi namin nagawa.

"Makakaligtas siya di ba?" bigla na lang lumabas sa bibig ko

"She's tough. I know she can make it. She can... survive" naramdaman ko ang pag crack ng boses niya

Hindi ko sinubukang magsalita pa. Mas lalo lang akong nasasaktan everytime na binabanggit yung pangalan ni Mary. Nasa loob siya ngayon habang nag aagaw buhay. Hindi dapat ako mawalan ng pag-asa.

Pinunasan ko ang luha sa mga mata at bumuntong hininga. Pilit kong kinakalma ang sarili sa pag-iyak.

Lumaban ka. Mary.

EDITED!

Hiram: Ang Simula (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon