Hiram 2

13.1K 363 46
                                    

CHAPTER 2

Mary's_POV

Nasa di pamilyar na lugar ako. Hindi ko alam kung nasan ako. Walang tao sa paligid. Nasa kalagitnaan ako ng gubat. Rinig na rinig ko ang mga huni ng ibon at mga kuliglig. Malamig ang paligid waring nagbabadya na may mangyayaring hindi maganda.

Lakad lang ako ng lakad. Hindi ko alam kung san ang pupuntahan ko. Ilang beses na kong naglakad palayo pero bumabalik pa rin ako sa lugar kung saan ako nagsimula. Ano bang nangyayari sa kin? Nasan ba ako? Mama! Tulungan niyo po ako. Diyos ko!

Pilit pa rin akong naglakad. Yakap yakap ko ang aking sarili. Nakaramdam na ako ng takot. Nagsisimula ng tumindig ang mga balahibo ko sa katawan. Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko. Para akong batang nawawala sa kalagitnaan ng masukal na gubat.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mas lalo akong nalamigan sa katawan. Medyo dumidilim na rin ang paligid. Humagulgol na ako. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Sa gitna ng paglalakad ko, may nakita akong isang babae. Nakatalikod siya kaya hindi ko makita yung kabuuan ng mukha niya.

Pinagmasdan ko siya habang hindi pa tuluyang nakakalapit sa kanya. Nakalugay yung buhok niya. Kulay puti yung damit na suot niya at maraming talsik ng mga putik. May kung anong bagay na hawak niya sa isang kamay. Nakayuko siya at doon ko napansin na umiiyak pala siya.

Kahit takot ako ay tinangka ko paring lapitan siya. Isang metro na lang yung pagitan namin.

"Miss, o-ok ka... l-ang ba?" nauutal kong tanong dahil natatakot ako at idagdag mo pang umuulan at dumidilim na.

Tumango lang siya at dahan-dahang lumingon sa kin.

Hindi ko pa rin makita yung mukha niya dahil natatakpan ito ng mahaba niyang buhok.

Nag-angat siya ng ulo atsaka nagbitiw ng demonyong ngiti na siyang nagpatindig ng balahibo ko. Napaatras na lamang ako dahil sa takot.

"Giniginaw ka ba? May damit ako. Eto oh. Hihiramin mo rin ba?" sabi nito at unti-unting lumapit sa direksyon ko.

Mas lalo akong natakot ng mahawi ng malamig na hangin ang ilang buhok sa mukha niya. Doon ko napagtanto kung sino ang taong nasa harapan ko ngayon.

"R-ick.. Ka?" natatakot kong sabi. Pakiramdam ko ay may kung anong mabigat na bagay ang nakapulupot sa kin dahilan para manlambot at manginig ang mga tuhod ko.

Ilang segundong katahimikan ang namayani sa paligid. Wala akong ibang nagawa kundi ang pagmasdan siya habang unti-unting pumorma ang isang ngiti sa mga labi niya.

"Isasama kita sa hukay. Hinding hindi mo ko matatakasan!"

Bago pa man tuluyang manghina ang binti at tuhod ko ay tumakbo na ako. Wala na kung ibang maisip na paraan kundi ang takasan siya. Ramdam ko pa rin ang pamamasa ng magkabilang pisngi ko dahil sa luha.

Mas binilisan ko ang pagtakbo para hindi niya ako maabutan. Napalingon ako sa likod upang tingnan siya at halos lumuwa ang mga mata ko nang makitang nakalutang siya sa hangin. Napapikit na lamang ako at muling ibinaling ang tingin sa unahan.

"Wala ka ng kawala Mary. Kung hiniram mo ang damit at mga gamit ko. Pwes! Hihiramin ko rin ang buhay mo!"

Napatigil ako sa pagtakbo dahil sa wala na akong matakbuhan pa. Isang maling hakbang na lang ay tiyak na katapusan ko na. Nasa may bangin na ako. Napahawak ako sa mga tuhod ko habang hinahabol ang paghinga.

"Patawarin mo ko Ricka... Wala akong kasalanang ginawa sayo... Hindi ako ang gumawa nun... Patawarin mo ko.. Wala akong kasalanan..." humagulgol na ako sa pag-iyak.

"Huli na ang lahat! Hinding hindi mo na maibabalik pa yung oras. Ninakaw mo ang kaligayahan ko. Hiniram mo lahat. Inagaw mo lahat na meron ako at ngayon oras na marahil para kunin ang buhay mo. Sapat ng kabayaran iyon sa lahat ng inagaw mo!" bigla siyang naglaho ng sabihin sa kin yun.

In just a second nasa harapan ko na siya. Umiiyak ng dugo. Napamulagat ako ng bigla niya akong sinakal pagkatapos ay binitawan at inihulog sa bangin.

"AAAHHHHH" isang malakas na sigaw ang kumawala sa bibig ko.

Napabalikwas agad ako ng bangon. Tagaktak ang pawis sa likod at noo ko. Panaginip lang pala. Pero ang sama ng panaginip ko. Parang totoo talaga. Ano bang nagawa ko kay Ricka at lagi siyang nagpaparamdam sa kin. Wala naman akong ginawang masama sa kanya.

Hindi ako ang dahilan...

Hindi ako ang dahilan ng pagkamatay niya at wala akong kasalanan!

Napahagulgol na ako sa iyak habang yakap-yakap ang mga tuhod ko. Napaigtad ako dahil sa gulat ng mahulog yung frame sa table ko. Dahan-dahan akong tumayo at pinulot iyon.

Nabasag yung salamin. Pinagmasdan ko ang litrato. Ang litrato naming dalawa ni Ricka. Ito lang yung tanging litrato na meron ako.

"Ano bang kasalanan ko?! Wala naman akong ginawa sayo di ba?! Wala akong kasalanan. Ang tanging kasalanan ko lang ay ang di kita nailigtas. Nahuli na ako. Ang daya-daya mo naman!"

Iyak lang ako iyak habang hawak hawak yung photo frame na nabasag.

Biglang umihip ang malakas na hangin. Ilang saglit pa ay may naramdaman akong humawak sa paa ko. Pagtingin ko si Ricka gumagapang...

"Tu-tulungan mo ak-oo" sabi nito habang pilit na lumapit sa kin.

"MAMAAAAAA!" malakas kong sigaw. Kulang na lang ay atakihin ako sa puso dahil sa sobrang takot. Halos maligo na ako sa sariling pawis ko.

Napalingon ako sa may pinto ng mapansin kong bumukas iyon at iniluwa nun si Mama na alalang-alala. Pagtingin ko muli sa paanan ko ay wala na si Ricka.

"O bakit, anak? Nanaginip ka ba ng masama?" tanong nito at niyakap agad ako.

Tumango lang ako bilang sagot. Hindi ko rin kasi matanto kung totoo ba yung nakita ko o guni-guni ko lang ang lahat.

Binuksan ni Mama ang ilaw sa kwarto at kumuha siya ng ilang damit ko para magbihis dahil sa basang-basa na ako ng pawis.

Bumalik ako sa pagkakahiga at tinabihan naman ako ni Mama. Nagdasal na lamang ako ng mataimtim at unti-unting ipinikit ang aking mga mata.

Diyos ko, patawarin niyo po ako sa lahat ng mga pagkakasala na nagawa ko. Huwang niyo po hayaan na may mangyaring masama sa 'kin at sa pamilya ko...

Hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyari dahil sa nakatulog na ako kay Mama habang nakayakap sa kanya.

EDITED!

Hiram: Ang Simula (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon