CHAPTER 6
Mary's_POV
Halos manlumo ako sa aking nasaksihan ng makarating ako sa naturang ospital na sinabi ng inspector. Binasa ko ang nasa taas. Anong lugar to?
Morgue?
Nakita kong may dalawang tao na nakahilera sa magkabilang hospital bed. Hindi ko masyadong makilala kung sino iyon dahil sa may nakatakip na puting tela sa buong katawan nila.
Nagpalinga-linga ako sa paligid. Nagbabakasakaling maling room itong napuntahan ko.
Tiningnan ko ulit yung phone ko at binasa yung address ng mismong ospital at yung saktong room. Tama naman ito.
Naramdaman ko muli ang pag-init ng magkabilang sulok ng aking mga mata. Nangingilid na rin yung luha ko.
Binaling ko ulit ang tingin sa dalawang taong nakaratay sa hospital bed. Pinagmasdan ko itong mabuti.
Una kong pinagmasdan yung sa kaliwa. Sa taas at sa pangangatawan nito, alam kong si Papa iyon. Napako ang tingin ko sa kanan at muling pinagmasdan. Kitang kita ko ang pamilyar na bracelet na suot nito.
Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Pakiramdam ko ay aatakihin na ako sa puso dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
Huminga muna ako ng malalim bago naglakad papunta sa kanila. Sa bawat hakbang na ginawa ko parang.. Parang may kung anong bagay ang humahatak sa kin pabalik.
Naramdaman ko ang unti-unting pagbigat ng mga hakbang ko. Para bang hindi ako makalakad ng tama. Pero pinilit ko pa ring makalapit. Gusto kong makompirma ang lahat.
Una kong nilapitan yung nasa kanan. Dahan-dahan kong tinanggal yung telang nakatakip sa mukha nito.
Bumulagta sa akin ang mukha ni Mama. Halos di ko na ito makilala dahil sa mga pinsalang natamo nito. May malaki siyang sugat sa mukha. Nangingitim na rin ang mga mata nito at nagbago na rin ang kulay ng labi nito.
"Mama" pabulong na sabi ko habang patuloy sa pagdaosdos ang luha sa pisngi ko.
Kasunod kong tinanggalan ay yung nasa left side ko. Nang mapagtanto ko kung sino ang taong iyon ay tuluyan na akong humagulgol. Parang tuluyan na akong nawalan ng lakas.
"Papa"
Nanlambot bigla ang mga tuhod ko. Hanggang sa bumagsak ako sa sahig. Iyak lang ako ng iyak. Ang sama-sama ng pakiramdam ko. Parang gusto ko na ring mamatay ng mga sandaling iyon.
Nang makabawi ako ng lakas ay pinilit kong tumayo. Hinawakan ko ang magkabilang kamay nila habang hinahaplos haplos ito.
"Bakit niyo ko iniwan? Akala ko ba dadalo pa kayo sa mismong graduation ko. Ang daya daya niyo!" wika ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Gumising na kayo! Ano ba? Ma, Pa. Natutulog lang kayo di ba?" para akong baliw sa sinabi ko. Wala akong paki kung may makakita pa sa kin.
"Sige na gumising na kayo. Andito na ako" hawak hawak ko pa rin ang kamay nila at idinampi pa sa pisngi ko.
Kasing lamig ng kamay nila ang naramdaman ko ng mga sandaling iyon. Nakakapanlamig lang dahil sa wala man lang ni isa sa kanila ang sumagot. Para akong tanga na kinakausap ang mga taong alam kong wala na.
Hindi ko pa rin kasi matanggap ang nangyari sa kanila. Nahihirapan akong intindihin ang lahat to the point na halos ikabaliw ko na ito. Ano bang kasalanan ang ginawa ko para parusahan ako ng ganito?
Biglang bumukas yung pinto. Iniluwa nun ang isang pamilyar na matandang babae at isang pulis. Marahil ito ang inspector na tumawag sa akin kagabi.
"Ikaw ba si Mary Santiago?" tanong muli nito. Tumango lang ako dahil sa umiiyak pa rin ako ng mga sandaling iyon.
"Pwede mo ba kaming iwan saglit iho?" sabi ng kasama nito sa binatang pulis.
Biglang siyang lumapit sa kin. Pinagmasdan ko lang siya. Seryoso yung mukha niya pero halata sa mga mata nito ang bahid ng lungkot at galit.
"Ilang beses na kitang binalaan Mary. Hindi na sana humant-----"
Hindi ko na hinayaang matapos ang sasabihin niya.
"Wala siyang kinalaman dito!"
Tinatakot na naman niya ako. Wala akong panahong makinig sa mga sasabihin niya. Ayoko na. Gulong gulo na ang isip ko ngayon!
"Pwede ba Mary, kahit ngayon lang pakinggan mo naman ako apo"
"Minsan na akong nakinig sa inyo. Pero anong nangyari? Nauwi ang lahat sa gulo. Yung nangyari nung gabing iyon. Yung nangyari sa Prom. Kayo ang dahilan. Kung hindi ako nakinig sayo nun hindi na sana nangyari iyon. Ayoko na! Pagod na akong makinig sa mga paniniwala mo!" tuluyan ko na siyang pinagtaasan ng boses.
Ayoko na. Sawang sawa na ako sa mga paliwanag niya. Ayoko ng maalala yung nangyari nung gabing iyon. Iyon ang pinagsisisihan ko sa buong buhay ko.
Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Para akong sinasakal. Hindi na ako masyadong makahinga ng mga sandaling iyon. Tinatagan ko na lamang ang aking sarili at tinangkang umalis.
Pero bago pa man ako makalabas ay nahawakan niya ang kamay ko.
"Mary, may dalang sumpa ang damit na iyon. Kailangan mong putulin ang sumpa bago pa mahuli ang lahat!"
Kumalas ako sa pagkakahawak niya. Pero rinig na rinig ko pa rin ang mga huling sinabi nito.
"Hihintayin mo pa bang ako naman ang mawala sayo" napahinto ako sandali sa narinig ko. Nang makabawi ay agad na kong umalis.
******
Umuwi agad ako ng bahay. Mabigat ang pakiramdam ko ngayon. Parang gusto ko na lang din na sumunod sa kanila. Napapagod na ako.
Bakit sila pa? Bakit hindi na lang ako ang nawala? Ayoko na!
Nakahiga lang ako sa kama sa loob ng kwarto ko ngayon. Puro pag iyak lang ang ginawa ko. Kahit na anong pigil ko sa sarili na huwag umiyak ay walang saysay dahil tila ba'y may sariling pag-iisip at pakiramdam ang mga mata ko.
Napatingin ako sa calendar na nasa harapan ko.
Its friday the 13th...
Kinilabutan ako. Nagsimula na namang manindig ang balahibo ko. Kakaibang lamig din ang dumadampi sa balat ko.
Napaigtad ako ng biglang tumunog yung phone ko.
Calling Rose....
"Hello? Mary?" bungad nito
"O napatawag ka?" pinilit kong maging casual ang boses ko baka mahalata pa niyang umiiyak ako.
"Nabalitaan namin yung nangyari sa parents mo. Condolence" napasinghap ako ng marinig iyon.
Bigla na namang tumulo ang luha ko pero hinayaan ko lang iyon. Pakiramdam ko ay may matulis na bagay na tumusok sa dibdib ko sa tuwing naaalala ko ang nangyari sa kanila.
"Nga pala hindi ka ba sasama?"
"Saan?" tanong ko
Nagkaroon ng nakakabinging tunog sa phone. Parang nagkaroon ng barrier sa usapan namin. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaibang takot sa katawan ng mga sandaling iyon.
Namalayan ko na lang ang malakas na pag-ihip ng hangin. Maging ang mga bintana ay lumilikha ng inga dahil sa paglagabag nito sa wall.
Dahan-dahan akong tumayo at tinungo ang bintana.
"Ngayon ang libing kay Ricka" sabi ni Rose sa kabilang linya.
Inihip ng malakas ng hangin ang kurtina kaya't napatigin ako sa baba.
Nakurap ako ng mata sa pagbabakasaling mali ang nakikita ko. Tuluyan na kong natahimik dahil sa nakita ko.
"Mary ok ka lang b----"
Bigla kong nabitawan ang phone dahil kitang-kita ko si Ricka sa baba na nakangisi sa kin.
EDITED!
BINABASA MO ANG
Hiram: Ang Simula (UNEDITED)
TerrorWARNING: Based on a true horror story "WAG KANG HIHIRAM!" Highest Rank #3 in Horror ♡ HIRAM Trilogy Book 1: Hiram: Ang Simula Book 2: Hiram: Ang Pagbabalik (ONGOING) Book 3: Hiram: Ang Pagwawakas (SOON) [SOON TO BE PUBLISHED]