Hiram 16

6.1K 157 9
                                    

CHAPTER 16

Mary's_POV

Ilang araw ng hindi maganda ang pakiramdam ko. I have this vague feeling that there's something wrong inside me. Lagi akong walang gana. Parang isang linggo ang tulog ko dahil sa wala akong matandaan.

Baka may sakit ako. Kailangan kong magpatingin sa doktor

Sinubukan kong tawagan sina Grace at Rose para magpasama pero hindi nila sinasagot ang tawag ko. Biglang sumagi sa isip ko yung pag-iwas nila sa kin lately. Mukhang nagtatampo pa rin sila sa akin.

Hindi na ako nagbalak na tawagan pa sila ulit sa halip ay nag-text na lamang ako sa kanila.

Bumangon ako at agad na dumiretso sa kusina upang uminom ng tubig dahil sa nanunuyo ang lalamunan ko. Halos mahulog ako sa hagdanan dahil sa pagiwang-giwang akong naglakad.

Pagkarating ng kusina ay agad kong binuksan yung ref at kumuha ng tubig at dali-dali kong nilagok iyon.

Ang sama sama talaga ng pakiramdam ko ngayon hindi ko alam kung bakit. Maaga na subalit masyadong tahimik ang buong paligid. Hindi ako sanay ng ganito. Masyadong nakakabingi.

Ni wala akong narinig na tilaok at tahol ng mga aso. Maging mga sasakyan at ibon ay wala rin. Masyadong mapayapa ang paligid. Pakiramdam ko ay hindi magandang mangyayari ngayon.

Isang kakaibang hangin ang bumungad sa akin dahilan para tumayo ang balahibo ko. Papanong may hangin rito gayong sarado lahat ng bintana.

Pinilit ko pa ring ikalma ang sarili kahit na gustong-gusto ko ng tumakbo. Nagsimula na ring mangatog ang mga tuhod ko.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa sala. Ang biglang paglamig ng paligid ang mas nagpalakas ng tibok ng puso ko.

"Mary.... Mary...."

Isang bulong sa hangin ang aking narinig. Tinakpan ko ang tenga ko habang iginala ang mata sa paligid.

"S-sino yan?" lakas-loob kong sagot.

"Mary... Mary..."

Naririnig ko pa rin ang kakaibang tinig sa hangin.

"Kung sino ka man, magpakita ka!" matapang kong sabi.

Ang kakaibang kuryusidad ang nagtulak sa akin upang sundan ang tinig na iyon. Parang.. Parang nanggaling sa sulok ng dingding na may makapal na kurtina.

Patuloy pa rin ang pagtawag sa pangalan ko. At habang sinusundan ko ang tinig na iyon ay mas naging malinaw at lumakas pa ang kakaibang tinig na iyon.

Huli na ng mapansin ko na nakaharap ako sa isang malaking salamin. Ang salaming madalas naming paglaruan ni Ricka nnoong nabubuhay pa siya. Ang salamin kung saan nagsusukat kami ng parehong damit.

Kahit na nangangatog yung tuhod ko at nangangatal na yung bibig ko ay pilit ko pa ring nilapitan iyon.

Hinaplos ko ang salamin na iyon. Sariwa pa rin sa akin ang lahat ng masasayang alaala namin ni Ricka. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

Pinahid ko ang luha gamit ang kamay ko. Napaatras ako bigla ng may mapansin akong kakaiba sa salamin.

Hinaplos ko ang aking mukha habang nakatitig sa harap ng salamin.

Hindi. Hindi maaari. Hindi to totoo. Imposibleng ang mukha ko ay mukha ni Ricka. Ilusyon lamang ito!

Pinilit kong ipikit ang aking mga mata at muling dinilat subalit wala pa ring nagbago. Ang repleksyon ko sa salamin ay mukha pa rin ni Ricka. Nakangisi siya sa akin. Para siyang buhay. Buhay na buhay sa katauhan ko.

Hiram: Ang Simula (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon