Hiram 3

10.1K 308 39
                                    

CHAPTER 3

Mary's_POV

Ngayong gabi, napagdesisyunan kong pumunta sa huling lamay ni Ricka. Baka kung ano pa ang isipin ng mga magulang niya pag di ako pumunta. Besides, pupunta rin doon sina Mama at Papa kaya kailangan ko ring pumunta roon.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero parang natatakot ako? Pero ano nga bang ikinatatakot ko? Patay na siya. Wala na siyang magagawa sa 'kin. At isa pa, "mas malakas ang buhay kaysa sa patay" yan ang sinabi sa kin dati ni Papa.

Nakaharap lang ako sa salamin habang minamasdan ang sariling repleksyon. Pupunta pa ba ako o hindi? Ewan ko. Naguguluhan ako ngayon. Pero ayoko namang lumayo ang loob ng mga magulang ni Ricka sa 'kin.

Sandali muna akong nakatitig sa salamin. May kung anong hangin ang dumampi sa balat ko. Muntikan na kong mapasigaw ng biglang nagkalamat yung salamin. Maya-maya pa'y biglang umihip ang malakas na hangin.

"Ano ba to? Mukhang babagyo yata" sabi ko sa sarili ko at dali-daling isinara ang bintana. Mabuti pang magmadali na ako at baka umulan pa.

Pagkatapos kung mag-ayos ay bumaba na ako.

"Ma. Pa. Ready na po ako" sigaw ko pero walang sumagot.

Anong meron? Nasan ba sila? Akala ko ba sabay lang kami. Imposible namang iwan ako nilang mag-isa rito.

Pumunta ako sa kusina upang tingnan kung naroon sina Mama at Papa. Pero pagdating ko dun, wala sila. Dumiretso agad ako sa kwarto nila dahil baka nag-aayos pa sila.

Napahinto ako at napatakip ng tenga ng biglang kumulog ng malakas. Takot kasi ako sa kulog at kidlat simula pa nung bata ako. Di ko namalayan and biglang pag agos ng luha sa mga mata ko. Every time na natatakot kusang lumuluha yung mata ko.

Saglit na tumigil yung kulog. Napatingin ako sa litrato ni Mama at Papa dahil nahulog ito. Kinuha ko iyon at pinagmasdan. Nabasag yung salamin ng frame. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako. Kinakabahan akong baka may mangyaring di maganda sa kanila ni Mama.

Kinuha ko yung cellphone ko at agad na tinawagan si Mama...

"Hello? Mama? Ok lang ba kayo? Nasan po kayo?" dire-diretso kong sabi sa telepono.

"Ok lang kami anak. Papunta kami ngayon sa bahay ni Ricka. Sorry kung naiwan ka namin. Yung Papa mo kasi nagmamadali dahil may kailangan pang asikasuhin sa bayan pero wag kang mag-alala andiyan naman si Gardo diyan. Magpahatid ka na lang sa kanya. Ok ka lang ba?" nakahinga ako ng malalim ng marinig ko yung sagot ni Mama.

"Ok lang po ako Ma. Sige po, pupunta na rin ako diyan" sagot ko pagkatapos ay ibinaba ko na yung telepono.

Lumabas na ako ng bahay at nagpunta sa garage. Nilibot ko ang paningin sa paligid para tignan si Mang Gardo. Siya yung nagrerenta ng tricycle namin. Ang jeep naman ang ginamit nila Mama't Papa papunta roon.

Naglakad ako sa labas ng gate pero hindi ko pa rin mahanap si Mang Gardo. Baka may pinuntahan siya o di kaya ay umuwi muna sa kanila.

Umupo muna ako sa gilid ng kalsada para maghintay. Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik si Mang Gardo. Kanina ko pa tinatawagan yung telepono niya pero hindi niya sinasagot. Ano naman kaya ang pinagkakaabalahan nun? Isa pa, bakit di siya nagpaalam kina Mama if ever na may pinuntahan nga siya. Hay.

Naglakad-lakad na lang ako para mawala ang pagkainip. Mas mabuti na rin siguro to kaysa naman maghintay ako sa wala. Malayo-layo rin yung lalakarin ko bago makarating sa mismong terminal.

Wala rin kasing mga dumadaan na taxi o tricycle man lang. Napatingin ako sa orasan. It's exactly 7:00 pm na. Habang naglalakad ako may napansin akong kakaiba. Parang ... Parang may sumusunod sa likuran ko.

Tumingin ako sa likod ko only to find out kung may sumusunod nga ba sa 'kin pero wala. Nakadama na rin ako ng takot dahil nagsisimula ng tumindig yung mga balahibo ko. Diyos ko! Ano ba itong nangyayari sa kin. Napa-praning na ba ako?

Napatili ako ng biglang may dumaang pusa na kulay itim sa harapan ko...

"Meeoww" nakatitig ito sa kin na para bang may kung ano siyang napapansin.

Napalunok na lang ako.

"Walang mangyayaring masama sayo Mary. Walang mangyayaring masama. Wag kang maniwala sa mga sinasabi ng lola mo tungkol sa mga malas at kung anu-ano pa na wala namang katotohanan" pilit na sinasabi ng utak ko.

Hindi ko pinansin yung pusa at nagpatuloy lang sa paglalakad..

Napayakao ako sa sarili ko dahil sa biglang pag-ihip ng malakas na hangin kasabay nito ay ang pagpatak ng mga butil ng ulan. Para bang nagbabadya ang paligid. Nagbabadya na may hindi magandang mangyari. Pero hindi iyon ang pinaniwalaan ko. Dahil lang siguro to sa panahon dala na rin dahil "ber" month na ngayon.

Tumunog yung phone ko. May message galing kay Lola..

"Hindi ka tatantanan ng kaluluwa apo hanggat hindi mo isinasauli yung hiniram mo. Kailangan mong masauli yan bago pa mahuli ang lahat"

Kinilabutan ako ng mabasa ang text na yun. Sa halip na mag reply ay agad kong binura iyon at muling nagpatuloy sa paglalakad.

Mas mabilis at malaki ang mga hakbang ko. Hindi ko na nagawa pang lumingon dahil sa sobrang takot. Wala pa rin akong makitang tricycle na dumadaan samantalang unti-unting lumalakas ang ulan.

Saglit muna akong sumilong sa isang waiting shed. Di kalayuan dito ay ang isang poste. Natatakpan ng mga dahon ng puno ang liwanag na nanggagaling dito dahilan para hindi umabot ang tanglaw nito.

Binuksan ko na lang ang flashlight ng phone ko. Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay ay may isang tricycle ang dumaan.

"Manong, para po"

"Saan ka ba pupunta iha?"

"Diyan lang po sa susunod na sitio"

"Di na sana ako mamamasada iha pero madilim na baka kung mapano ka pa. Hatid na kita" yaya ni manong driver.

Tahimik lamang ako sa loob ng tricycle. Si manong driver naman ay seryoso lamang sa pagmamaneho. Sobrang lamig ng gabi dahil na rin sa pag-ulan.

"Iha naniniwala ka ba sa mga sabi-sabi ng matatanda?" nabigla ako sa tanong nito.

"Po? Ah... hindi po masyado" naiilang kong sagot.

"Wala namang masama kung makikinig ka sa kanila paminsan-minsan. Tandaan mo, mas maraming katanasan ang mga matatanda kaya naniniwala sila sa mga pamahiin"

Hindi ako nakapagsalita matapos marinig ang sinabi ni manong driver. Biglang sumagi sa isip ko ang mga sinabi ni lola sa 'kin.

"Hindi siya matatahimik hanggat hindi mo naibabalik ang bagay na pagmamay-ari niya"

"Binalaan na kita, wag kang hihiram ng bagay na hindi mo sinasauli lalo na kung patay na ang may ari nito"

EDITED!

Hiram: Ang Simula (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon