CHAPTER 11
Rose's_POV
Everything seems so weird. Kanina nung nag-aagaw buhay si Mary nakita ko si Ricka. Abot langit ang ngiti niya habang nakatitig kay Mary at bigla ring nawala.
Anong pakay niya at nagpunta pa siya rito sa ospital? Sinusundan niya ba kami?
Lumabas ako para hanapin siya pero hindi ko na maramdaman ang presensiya niya.
Pero ang mas nakakapanibago ay ang biglang pag stable ng condition ni Mary. I know it's a good news but I found it weird when everything goes normal. Pano nangyari iyon?
Ayon sa doktor, nagkaroon daw ng temporary shock sa utak niya kaya nag react ng ganun ang katawan niya dahil na rin sa mahinang pagpump ng dugo. Kung nagpatuloy daw iyon ay pwede niya itong ikinamatay. Good thing, everything went back to normal again. Pero kailangan pa rin siyang i-check every hour dahil baka raw may dulot itong pagbabago.
"Hoy Rose! Kanina pa ako nagsasalita lutang naman pala yang utak mo" wika ni Grace kaya't napatingin ako
"Huh? May sinasabi ka?"
"May problema ba?" kunot noo niyang sabi
"Huh?"
"Huh ka naman ng huh diyan. Ano ka ba? Ok ka lang?" seryoso niyang tanong
Umiling lang ako pagkatapos ay nag iwas ng tingin.
"Nakita ko siya" diretso kong sabi habang nakatingin sa hospital bed na hinihigaan ni Mary.
"Huh? Sino?" may halong takot nitong sagot.
"Nakita ko kanina si Ricka. Nandito siya" humarap ako kay Grace.
Di ko alam kong takot ba o gulat ang nasa ekspresyon ng mukha niya. Bigla na lamang siyang natahimik sa sinabi ko.
"Si..gurado ka bang... siya ang na..kita mo?" nauutal niyang tanong sabay lagok ng laway
Tumango lang ako bilang sagot.
Kilala ko si Grace, alam kong hindi siya titigil sa pangungulit ng mga ganitong bagay. Siya lang din kasi ang pinagsabihan ko sa kakayahan ko maliban kay Mary. Kakayahang makakita ng mga ligaw na kaluluwa o multo.
"Akala ko ba sarado na yang mata mo. Di ba sinabi mo na matagal ka ng di nakakita ng mga multo" this time mukhang mahinahon na siya.
"Akala ko nga rin sarado na. Pinilit kong isipin na guni-guni lamang iyon nung makita ko siya sa bahay nila Mary. Pero hindi, kinausap niya ko at galit na galit siya. Mas napagtanto ko pa ang nasaksihan ko kanina nung mag-agaw buhay si Mary. Nakangisi siya na tila ba masaya sa nakikita niya. Ang mas ikinakatakot ko ay posibleng..."
"Mary?" napatingin ako sa nagsalita.
Hindi namin napansin ang biglang pagpasok ni Jake. Naibaling namin ang tingin kay sa gumagalaw na kamay ni Mary.
Mukhang di magtatagal ay magigising na siya. Gusto kong matuwa dahil sa magandang balitang ito pero bakit hindi ko maramdaman iyon? Kakaibang takot ang nararamdaman ko ngayon.
Muling lumabas si Jake at tumawag ng doktor.
Napayakap sa kin si Grace sa sobrang tuwa. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil ayokong mag-isip ng masama. Baka hindi lang maganda ang pakiramdam ko ngayon kaya ako nagkakaganito.
Bumalik si Jake na may kasamang doktor. Muli naman nitong tiningnan si Mary at sinuri.
"Doc, how is she?" wika ni Jake
"Magigising na ba siya?" dagdag ni Grace.
Pagkatapos nitong tingnan si Mary ay humarap siya sa 'min.
![](https://img.wattpad.com/cover/49009097-288-k969977.jpg)
BINABASA MO ANG
Hiram: Ang Simula (UNEDITED)
HorrorWARNING: Based on a true horror story "WAG KANG HIHIRAM!" Highest Rank #3 in Horror ♡ HIRAM Trilogy Book 1: Hiram: Ang Simula Book 2: Hiram: Ang Pagbabalik (ONGOING) Book 3: Hiram: Ang Pagwawakas (SOON) [SOON TO BE PUBLISHED]