Epilogue

5.2K 131 19
                                    

Kinaumagahan ay nagising na lamang si Mary dulot ng kakaibang lamig sa buong paligid. Nasapo niya bigla ang ulo niya dahil sa sakit.

Naramdaman niya rin ang pananakit ng buo niyang katawan. Ni hindi niya masyadong maidilat ang magkabilang mata dahil ramdam niya ang pamimigat ng kanyang mga talukap.

Kahit na masakit ay ininda niya pa rin ito at sinubukang kumilos. Napamura na lamang siya ng wala sa oras dahil sa kirot.

Ilang minuto pa ay tuluyan ng luminaw ang kanyang paningin. Halos manginig siya sa takot ng mapansin niyang nasa gitna siya ng gubat. Wala siyang maalala sa mga nangyari at kung paano siya narating sa lugar na iyon.

Pinilit niyang tumayo kahit na nangangatog pa ang paa niya sa sakit. Muli niyang iginala ang mata sa paligid hanggang sa may mapansin siyang kakaiba.

Napansin niya ang ilang kandila na may iba't-ibang kulay ang nagkalat sa paligid. Kapansin-pansin rin ang tatlong malalaking bato na nakatayo di kalayuan mula sa kanya. At higit sa lahat, hindi niya maintindihan kung bakit suot niya ang damit na hiniram niya sa namayapa niyang kaibigan.

Bigla siyang kinilabutan sa kanyang mga napansin. Kahit na anong pilit ang gawin niya na wag mag-alala ay may kung anong takot at pangamba sa loob-loob niya.

Napakagat labi na lamang siya ng makita niyang may dalawang babaeng nakatali sa magkaibang puno. Hindi niya mamukhaan ni isa man sa mga ito dahil sa natatakpan ang mga mukha nito ng kanilang makakapal na buhok.

Dahan-dahan siyang lumapit sa kinaroroonan ng dakawang babae. Gusto niyang tiyakin kung buhay pa ba ito dahil sa hindi pa rin ito nagkakamalay.

Kumuha siya ng isang tangkay at sinubukang ginising ang babae. Hindi pa siya nakuntento at tuluyan niyang hinawi ang buhok sa mukha nito gamit ang tangkay.

Napaatras na lamang siya bigla ng makita ang kabuuan ng itsura ng babae. Naramdaman niya ang biglang panlalambot ng tuhod niya dahilan para bumagsak siya sa lupa.

"Grace?" bigkas niya sa pangalan nito.

Muli niyang ibinaling ang tingin sa isa pang babae na nasa kabilang gilid at dahan-dahang hinawi ang buhok nito. Napaamang siya bigla ng makilala kung sino iyon.

"Rose?"

Tuluyan na siyang humagulgol sa pag-iyak. Hindi niya kayang masikmura ang sinapit ng dalawa niyang kaibigan. Parehong wakwak ang dibdib nito. Parang may kung anong mabangis na hayop ang sumugod sa dalawa.

Hindi niya matukoy kung anong klaseng hayop o tao ang gumawa nito sa kanyang kaibigan dahil maging ang mga puso nito'y kinuha.

"Diyos ko, sinong gumawa nito sa mga kaibigan ko? Bakit niyo hinayaang mangyari sa kanila to?"

Patuloy pa rin siya sa pag-iyak nang mahagip ng kanyang mga mata ang isa pang katawan na nakahandusay sa lupa.

Nanginginig niyang nilapitan ito. Tulad ng dalawa, hindi niya rin mamukhaan ito dahil sa nakataob ang katawan nito. May hinuha siya kung sino ito subalit ayaw niyang pangunahan siya ng kanyang iniisip.

Nang tuluyang makalapit ay humugot muna siya ng lakas ng loob at dahan-dahang inayos ang katawan nito mula sa pagkakataob.

Bumungad sa kanya ang walang buhay na matanda. May saksak ito sa dibdib na posibleng naging dahilan upang malagutan ito ng hininga.

Hindi niya maiwasang makaramdam ng awa sa sinapit ng matanda. Dahan-dahan niyang hinaplos ang mukha nito at hinawi ang buhok.

Patuloy lamang siya sa pag-iyak. Hindi niya kayang tanggapin ang lahat ng nangyari sa buhay niya. Lahat na lamang ng taong malapit sa kanya ay namamatay.

Bigla na lamang sumagi sa kanya ang sinabi sa kaya dati ng kanyang lola.

"Ibalik mo na ang damit na hiniram mo kay Ricka dahil pag-aari niya yun. Patuloy kang susundan ng kalukuwa niya dahil malaki ang kapit niya sayo dahil diyan sa damit na hiniram mo"

"Masamang mangako apo lalo na kung ang taong pinangakoan mo ay patay na"

"Alam mong bawal ang humiram ng gamit sa taong patay na"

"Hindi matatahimik ang kaluluwa niya hanggat hindi mo naisasauli ang hiniram mo"

"Gamit ang hiniram mo apo, posible siyang maningil sa ibang paraan. Maaring buhay mo o ng taong mahal mo"

Mas lalo pang lumakas ang paghagulgol niya. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa pagkawala ng mga taong malapit sa kanya. Kung nakinig lamang siya sa kanyang lola marahil ay hindi na aabot pa sa ganito ang lahat.

"Patawarin niyo po ako Lola. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Sorry kung hindi ako nakinig sa mga sinasabi niyo. Hindi ko kasi akalaing magagawa sa kin ni Ricka iyon"

Napatigil siya bigla sa pag-iyak nang may mapansin siyang mga hakbang na palapit sa kanya hanggang sa tuluyan itong huminto sa harapan niya.

Nakatingin lamang siya sa pamilyar na sapatos na suot nito.

"Halika, Mary. Umuwi na tayo" inilahad nito ang kanyang kamay dahilan upang tumingala siya.

Kitang-kita niya ang kakaibang ngiti sa mukha ni Jake. Hindi lamang ito basta simpleng ngiti lamang dahil ngiting demonyo ito. Pakiramdam niya ay hindi ito si Jake dahil sa malapad na ngisi nito at tirik na tirik ang mga mata nito.

Ilang saglit pa ay may kakaibang hangin ang dumampi sa kanya at bumulong..

"Wag kang hihiram"

-THE END

Hiram: Ang Simula (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon