Hiram 14

6.5K 178 11
                                    

CHAPTER 14

Rose's_POV

Lumabas muna ako saglit sa clinic. Sila muna ni Grace at Jake ang nagbantay sa loob. Wala pa rin kasing malay si Mary. Pero sabi naman nung nurse ok lang naman daw siya at baka maya-maya ay magigising na siya.

Gusto ko munang makapag isip isip. Ilang araw na rin kasi akong di mapakali. Lagi kong napapanaginipan si Ricka. I know she's dead pero sa bawat gabi na napapaniginipan ko siya para bang may nangyayaring hindi maganda.

Kagabi, napanaginipan ko na naman siya. Ang mas ipinagtataka ko sa panaginip kong iyon ay ang makita kong buhay siya. Oo. Buhay na buhay. Nagbalik siya at suot pa niya ang school uniform namin. Kakaiba talaga ang panaginip kong iyon. Hindi ko alam kong sasabihin ko ba ito sa kanila. Baka kasi maging sanhi na naman ng di pagkakaunawaan namin lalo na kay Mary.

Ang isa pang bagay na mas nakakapagtataka ay ang unti-unting pagbabago ng ugali ni Mary. Simula nung mangyari ang insidente, noong naglaslas siya tapos na ospital, bigla na lamang siyang nagbago pagkagising.

Hindi man kami sobrang close ni Mary di tulad nila ni Ricka pero kilalang-kilala ko siya. Kilalang kilala ko ang ugali niya. Alam ko kung nagbibiro siya. Alam ko rin ang bawat reaksyon sa mukha niya. Sa tagal ng pinagsamahan namin kahit papano'y nakilala ko  ang tunay na Mary.

Biglang sumagi sa isip ko yung pangyayari noong araw na nagtagpo kami ng lola ni Mary.

"Lola, kayo pala. Babalik na po ba kayo sa inyo?"

"Oo iha dahil kailangan at marami pa kong dapat asikasuhin"

"Pano po si Mary?"

"Palagay ko ok na siya. Pero tulad nung dati, hindi parin lumalabas ng bahay at nagmumukmok lamang sa kwarto niya"

"Ah ganun po ba? Buti naman po kung ganun"

"Iha, sana palagi kayong nasa tabi ni Mary habang wala ako. Alam kong makakalimutan din niya yung tungkol sa nangyari sa tulong niyo bilang kaibigan niya"

"Makakaasa po kayo lola"

"Siya nga pala iha. Nabanggit ba ni Mary sa inyo yung tungkol sa damit?"

"Damit? Yun po ba yung hiniram niya kay Ricka sa Prom?"

"Oo iha. Hinanap ko kasi yun at hindi ko nakita sa loob ng kwarto niya maging sa buong bahay"

"Baka naitapon niya na po"

"Wag naman sana. Basta iha balitaan mo ko pag alam mong nasa kanya pa"

"Opo lola"

Hindi ko maintindihan yung nais ipahiwatig ng lola ni Mary sa kin. Pero hinding-hindi ko makakalimutan ang reaksyon sa mukha niya habang sinasabi niya iyon. Its seems like she was worried about something.

Di ko pa nga pala naitatanong sa kay Mary yung tungkol sa damit. Ano bang meron dun sa binigay na damit ni Ricka kay Mary? Is there something wrong about it na hindi ko alam? Ang natatandaan ko lang ay hindi niya ito naisauli kay Ricka dahil nga sa aksidenteng nangyari noong gabing iyon. Hindi rin ako sigurado kung itinapon na ba niya iyon o hindi.

Malalaman ko lang iyon kung kakausapin ko siya. Pero mukhang malabong mangyari ang bagay na gusto kong mangyari. Napapansin ko kasi minsan na parang nag-iiba ang pakikitungo niya sa amin.

Kaya naman hindi ko maiwasang magtaka ngayon sa ikinikilos niya. Hindi naman siya bipolar or what. Posible nga kayang may kinalaman si---

"Rose, may problema ba?"

Hiram: Ang Simula (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon