Naiintindihan kita, sabi nya.
Hahahahahahaha.
Nang kapatid kong bunso.
No. Please stop making me laugh.
We may be of the same blood but you don't understand me.
Naalalala mo pa ba nung na-hospital ka? I was there. I was always there. Kapag sinabi mo na gusto mong andun ako, pumupunta ako kaagad. Hindi ko na tinatapos ang klase. Tumatakas na ako at pinupuntahan kita sa hospital.
Naaalala mo pa ba yung mga panahong hindi ako natutulog dahil hindi ka makatulog? You were hallucinating. It pains me. Kapag nakakaidlip ako, nasasaktan ako dahil hindi kita nasamahang gising ng ilang minuto.
Naalala mo pa ba na muntik na akong hindi sumama ng JS Prom dahil ayaw kong malayo sa'yo? Haha. Naalala mo ba yun? Sumama ako dahil binayaran pa rin yun ni Papa at nakonsensya akong hindi pumunta dahil nabayara na? Nasa JS Prom ako pero iniisip kita. Ikaw na nakaratay sa kama.
Naalala mo pa ba yung mga panahong binibihisan kita?
Naalala mo pa ba yung mga panahong sinasalo ko yung mga mga dumi mo dahil hindi ka makatayo?
Naalala mo pa ba yung mga panahong sinasalo ko gamit ng arinola yung ihi mo?
Naalala mo pa ba yung paglalaba ko ng mga damit mo?
Naalala mo ba na sa tuwing kinakantahan kita kahit pangit ang boses ko, lagi ka lang nakatingin sakin?
Naalala mo pa ba na lagi akong may dalang pagkain at dami sa tuwing pinupuntahan kita sa hospital. Which is, araw-araw?
Naalala mo pa ba na ginawa na naming bahay yung hospital para sa'yo? Dun na kami naliligo at kumakain.
Alam mo ba na muntikan akong lumagpak sa studies nung mga panahong yun? Pero dahil naawa sakin yung mga teachers ang laki ng lenience na pinagkaloob nila.
At higit sa lahat, naalala mo pa ba yung mga panahon na hindi ko binibitawan yung mga kamay mo sa loob ng mahabang oras dahil kapag bumitaw ako, tatanggalin mo lahat ng tube at aparato na nakakabit sa'yo?
Naalala mo pa ba lahat ng 'yon?
Kung naiintundihan mo 'ko ...
Bakit hindi mo alam na malungkot yung ate mo?
Bakit ang tigas ng ulo mo?
Bakit hindi mo 'ko nirerespeto?
Bakit lagi mo 'kong sinisinghalan?
Bakit lagi mo 'kong tinatalikuran?
Bakit?
Ate mo 'ko. Konting respeto hindi ko maramdaman mula sa'yo?
Dahil ba yun sa ibang dugong nasalin sa'yo?
Bakit ka nagbago?
Sinasabi mong naiintindihan mo 'ko, pero nasan ka?
Bakit hindi mo alam kapag nasasaktan ako? Bakit sinisigawan mo 'ko? Bakit ka nagdadabog? Bakit ang baba ng tingin mo sa' kin? Kapag umiiyak ako, hindi mo alam. Kapag umiiyak ka, alam ko. Anjan ako. Binibigyan kita ng space. Pinapangiti kita sa maliliit na paraan.
Naiintindihan mo ba talaga ako?
Hindi ako pwedeng magalit. Hindi ko pwedeng ipakitang nagagalit ako. Kasi kapag nagalit ako, magagalit ka. Sisigawan mo ako. Iirapan mo 'ko. Sisinghalan.
Hundi ako pwedeng masaktan. Hindi ko pwedeng ipakitang nasasaktan ako. Kasi kapag nasaktan ako, kapag umiyak ako, sasabihin mo lang na ang OA ko. Na ang drama ko.
Naiintindihan mo ba talaga ako?
Kung ganon, bakit nasasaktan ako sa lahat ng sinasabi mo?
BINABASA MO ANG
Thoughts of a Scared Liar
General FictionBecause I'm too scared to express the truth.