Hindi totoo yung sinabi ko kay Papa kanina na hindi ko na sya mahal. Tell me, is it wrong that I lied?
He came home drank and started talking gibberish and I got frustrated and irritated at him that when he playfully kissed us (with my sisters) in the forehead and told us that, "Alam mong mahal na mahal kita, anak," I answered him:
"Ako din. Dati."
It's true and not true at the same time. I guess.
Kung meron mang tao dito sa mundo na pinakakinaiinisan at pinaka-nakakadissapoint para sakin, si Papa yun.
Selfish. Mayabang. Childish. Walang pangarap sa buhay. Walang iniisip kundi sarili nya. Gusto kong magkwento pa at mag explain kaso putangina baka lalong bumababa tingin nyo sakanya tsaka putangina ang hirap mag explain kaya putangina wag na.
Hindi naman sya ganun dati e.
Dati, pagkauwi nya galing hospital, lagi syang may dalang buko pie.
Dati, kapag sinusundo nya kami galing school, binibilhan nya kami ng cotton candy.
Dati, kapag inaatake ako ng hika, hindi nya ako iniiwan at sinasamahan pang matulog. Uma-absent pa sya.
Dati, lagi syang may ready para sa birthday ko.
Dati, pakiramdam ko kami na ang pinakamaswerteng mga anak sa earth.
Kaso putangina ngayon hindi na.
Ganun siguro kasi hindi na kami cute at matanda na kami.
Ganun siguro kasi kahit wala syang panagarap sa buhay ang swerte nya at ang daming perang pumapasok sa bulsa nya.
Pakyu sagad sa pagtanda at pagbabago.
BINABASA MO ANG
Thoughts of a Scared Liar
General FictionBecause I'm too scared to express the truth.