Moment Of Truth Part 2

392 4 2
                                    

[Author's Note: This is the Revised and Edited Story of Torpe + Manhid = ???]

Posted: December 26, 2013

[Greg’s POV]

"arghh! nakakabaliw naman to" ginulo gulo ko ang buhok ko sabay hilamos ng palad ko sa mukha ko. hindi nga ako nakatulog kakaisip ng gagawin ko. ano bang gagawin ko para matulungan si rainne? kainis! naligo na ko pagkatapos ay umalis. dumaan muna ko sa bahay nila rainne

"good morning po sir greg" bati sakin ng katulong

"good morning din po manang. si rainne po ba nakalabas na?" tanong ko

"naku sir greg, hindi pa din siya pinapalabas ng daddy niya. ngayon palang nagpapahanap ng bodyguard para kay ma’am rainne. nag-aalala nga po kami ng mommy niya kasi kagabi hinatidan namin ng pagkain hindi niya ginalaw. pati yung almusal niya hindi din niya ginalaw ngayong umaga" tuloy tuloy na kwento ng katulong.

"ganun po ba" malungkot na pagkakasabi ko.

"ahm sige manang pasok lang ako sa loob" nagpaalam na ko sa katulong tsaka pumasok sa loob at nakita ko yung papa niya na may kausap sa telepono.

"ah sige sige, salamat. tawagan nalang kita ulit" sabi ng papa niya tsaka bumaling sakin

"anong kailangan mo greg?"

"ah tito, kakamustahin ko lang po sana si rainne. sabay na po sana kami papasok" sabi ko naman pero tinalikuran niya ko at muling nagsalita.

"hindi pa pwedeng pumasok si rainne. pupunta na din ako sa mga professor niya mamaya. pwede ka nang umalis” 

"tito, pwede ko po bang makausap si rainne?" pigil ko sa papa niya

"hindi muna ngayon gregory. umalis ka na" mariin na sabi ng papa niya. kaya wala akong nagawa kundi ang umalis

--

Maaga akong nakarating sa school. Alas-dose pa ang klase ko kaya naglakad lakad muna ko nang may humila sa braso ko

"teka— hoy miss pwede ba bitawan mo ko. sino ka ba?" tanong ko sa babaeng nanghihila sakin. di ko makita ang mukha niya dahil naka.hood siya at malaking shades. hinila niya ko hanggang sa makapasok kami sa loob ng tinted na sasakyan

"teka, sino ka ba?" sigaw ko. tinanggal niya ang shades at nakita ko ang mala-anghel niyang mukha 

"wag kang maingay" mahinahong sabi niya. pero halata mo sa boses niya ang panghihina

"angel, anong nangyari sayo? tsaka ba’t mo ko dinala dito?" tanong ko

"kanina pa kita hinahanap eh. asan si lorainne? nakita ko kayo kahapon" sabi niya. isang buntong hininga muna ang pinakawalan ko bago ako nag salita.

"nandun siya sakanila. hindi na siya pinapayagang umalis ng bahay mula ngayon"

"teka? bakit?" halatang nagulat siya sa sinabi ko.

"hindi ko alam e" pagsisinungaling ko

"teka bakit mo nga ako dinala dito?" tanong ko

"kasi dumating na sila lolo dito sa pilipinas. ipipilit nila yung kasal namin ni dash" nagulat ako sa sinabi niya. nandito ang lolo niya? bumalik sakin ang mga alaala ng mga nangyari nung huling pagkikita namin ni angel. bumalik sa alala ko ung nangyari sa papa niya. bigla akong kinabahan ng maalala ko ang mga huling salitang binitawan sakin ni angel… 

"pag may nangyaring masama sa papa ko. sinu-sumpa ko ang pwedeng mangyari sayo" 

parang pa.ulit ulit na umugong yun sa utak ko habang bumabalik ang mga pangyayari sa utak ko. ang pagwawala ko sa labas ng bahay nila, ang pagkakatulak ko sa papa niya, ang mata niyang lumuluha na puno ng galit.

"greg! greg!" untag sakin ni angel

"hah?" para kong napabalik sa sarili ko. napalalim pala ang pag iisip ko

"sabi ko nandito na si lolo. ayaw naman ni dash makipag-usap sa’kin" halata mong nababahala siya kung titignan mo ang mukha niya. para ding hindi siya nakatulog dahil nangingitim ang ilalim ng mga mata niya

"ano bang gusto mong gawin?" tanong ko

"hindi ko alam eh"

"kamustah na ang—" hindi ko maituloy ang sasabihin ko. napatingin siya sa’kin pero hindi ko magawang sabihin ang gusto ko. tama bang itanong ko ang tungkol sa papa niya

"ang—" hindi ko alam kung paano ko uumpisahan

"ang alin ba? ano ba naman yan greg pa-suspense ka pa" sabi niya 

"ah wala. ano pala yung sinasabi mo?" tanong ko ulit, para maiba ang usapan 

"hindi ko alam yung gagawin ko. nandyan na si lolo. disidido siya sa kasal"

"mahal mo pa ba ko?" hindi ko napigilan pero biglang lumabas ang mga katagang yan mula sa bibig ko. napalitan ng pagkagulat ang pag-aalalang nasa mukha niya kanina.

"hindi ngayon ang tamang panahon para pag usapan yan" sagot niya

"kung hindi ngayon, kailan pa?" pilit ko sakanya

"hindi ko alam. at tsaka ang dami ko pang problema. hindi ko na alam ang gagawin ko" naiiyak na sabi niya

"ilalayo kita dito sabihin mo lang na mahal mo pa ko angel" mariin kong sabi

"pero ang pamilya ko. ako nalang ang pag asa nila. palugi na ang negosyo namin" this time umiyak na siya

"hindi ko kayang makita na mawala sakanila ang lahat. lalo na at alam kong pwede maiwasang mangyari yun sa pamamagitan ko" dagdag pa niya. dahil dun, lumabas na ko ng sasakyan niya at nagpasyang hanapin si dash. kakausapin ko siya, lalaki sa lalaki. ayoko na nagkakaganito si angel. magulo ang isip niya dahil wala na siyang mapag pilian. at si rainne, siya ang naiipit sa lahat. wala siyang kinalaman dito pero isa siya sa mga nahihirapan.

Torpe + Manhid = ??? (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon