Final Goodbye???

369 5 0
                                    

[Author's Note: This is the Revised and Edited Story of Torpe + Manhid = ???]

Posted: December 26, 2013

 [Eunice’s POV]

: good morning dash, gising ka na ba? excited na ko para sa wedding. see you later ^___________^

message sent...

nakangiti akong nakatingin sa salamin. ito na ung araw, kami na talaga ni dash habang buhay. kung panaginip lang ang lahat ayoko ng gumising pa. alam ko may mga parte ng buhay namin na hindi na naidetalye pa. madami akong hindi pa alam kay dash, konting panahon palang kaming magkakilala pero mamaya haharap na kami sa altar para mangakong magsasama, habang buhay. excited na ko, di na ko mapakali. inilabas ko yung gown ko, at inilatag na sa kama

"maisusuot na din kita sa wakas" para akong tanga kausap yung gown haha. nakakabaliw pala pag ikakasal ka na. maya maya may narinig akong katok sa pinto kaya agad ko iyong binuksan, yung make up artist pala tsaka si mama

"pasok po kayo" pagpapatuloy ko sakanila

"naku hija ba’t hindi ka pa naliligo. 10 am yung wedding mo, 7:30 na" parang mas excited pa sa’kin si mama

"ano ka ba mom, maaga pa tsaka kahit 9:30 pa tayo umalis aabot tayo sa kasal ko" natatawa kong sagot

"o’ cge maligo ka na, puntahan mo na lang kami sa kwarto ko pag tapos mo. ako na muna mauunang mag paayos sa make up artist" sabi ni mommy. humalik muna ako sa pisngi niya bago siya lumabas. Tsaka naman ako pumasok na ko sa banyo para maligo.

nakangiti akong lumabas sa kwarto ko. tinawag ko na sila mommy para ayusan at tulungan akong isuot ung wedding gown ko.

"ang tagal mo namang naligo angel" sabi ni mommy

"eh syempre mommy nag-emote muna ko, haha joke lang. tara na po tulungan niyo ko mag bihis" pinapasok ko na sa loob ng kwarto ko si mommy pero nagulat kami ng pag angat niya sa gown ko, may nawawala...

"hija what happened to your gown?" gulat na tanong niya. halos di naman ako maka sagot sa gulat. ok pa yan kanina, paanong…

"hija" baling sa’kin ni mommy

"hindi ko po alam" naiyak na ko. nawawala yung lace sa likod ng gown ko, hindi maisasara yun. Excited pa naman ako sa wedding tapos nagkaron pa ng aberya. tinawagan agad ni mommy yung gown designer ko para sabihin yung nangyari sa gown

"wag ka na umiyak angel, in 20 minutes nandito na yung gown designer mo at may dalang lace" sabi naman ni mama, pero halos di pa din ako mapakali kasi almost 8:30am na. ba’t ba nagka-ganito?. Maya-maya may kumatok sa pinto. binuksan ni mommy

"ma'am nandiyan na po si ma’am mish sa baba " sabi ni manang

"sige, pakisabi sakanya hindi pa ready yung bride" sagot ni mommy

"hija mabuti pa magpa-ayos ka na para di tayo gahulin sa oras" sabi pa ni mommy

"oo nga ma’am, wag ka na umiyak magiging ok din yan. baka mamugto ang mata mo, gusto mo bang pumangit sa wedding day mo" sabi pa nung make up artist. pero di ko pa din mapigilan ang pag tulo ng luha ko. naghilamos muna ko at ni-relax muna nila ko para mawala ang pamumula ng mata ko. halos 9am na ng dumating yung gown designer. Agad nilang inayos yung gown at sinuot na sa’kin pagkatapos inayusan na din ako. hindi ko alam pero kinakabahan pa din ako, parang may hindi magandang mangyayari.

"kalma hija, everything will be fine" sabi ni mommy. I smiled at her pero hindi pa din nun maalis yung kaba ko.

--

[Dash’s POV]

Mabilis akong bumangon ng tumunog ang alarm ng cellphone ko. nakita ko sa  screen

“MAY 12: MY WEDDING”

This is it, araw na ng kasal ko. another chapter of my life, another page of my story. pagkatapos kumain bumalik ako sa kwarto ko.  handa na ba kong magpakasal? pumikit ako at malayang dumaloy ang mga luha ko sabay ng pagsasariwa ko sa mga alala namin ni rainne. Pag-mulat ko isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. tumayo ako at dumeretso na sa banyo, wala ng atrasan to’. ito ang araw ng kasal ko at sisiguraduhin kong ang araw na to’ ay hinding hindi ko pagsisisihan. hindi ko hahayaang mawala nalang ang lahat ng pinagsamahan naming kaya gagawa ako ng paraan. I won't sit there and watch them to take away my happiness. matagal akong nanahimik, pero hindi nila alam na may mga bagay na hindi na nila kailangang malaman pa. mga bagay na sa isip ko lang tumatakbo, mga bagay na alam kong tama para sa akin, mga bagay na dapat kong gawin higit sa alam nilang tama.

--

9:00 am exact ng may kumatok sa kwarto ko

"pasok" sagot ko

"ano dash, tara na?" si wayne lang pala, kasama si mama. isang kabadong ngiti lang ang ginanti ko bilang sagot at bumaba na kami para sumakay sa kotseng gagamitin ko.  si wayne ang magmamaneho, si mama at ako tabi sa likod

"si mish nasa bahay na ba nila eunice?" tanong ko

"oo, kanina pa umalis" sagot naman ni wayne

"sige tara na" sagot ko

"sigurado ka na ba dito? pano yung mga consequence ng gagawin mo? kaya mo ba?" alalang tanong niya

"wayne kilala mo ko. hindi ako mag dedesisyon para sa walang kwentang bagay. mahalaga para sa’kin ang araw na to’. kahit anong mangyari, itutuloy ko to" sagot ko at tsaka ako tumingin kay mama 

"at alam kong naka-suporta sa’kin si mama kaya mas matapang akong haharap sa lahat" nakangiting sagot ko habang nasa byahe nakatingin lang ako sa payapang tanawin sa labas. may mga puno, maaliwalas ang kalangitan, may mumunting butil ng luha na pumatak mula sa mata ko na agad ko ding pinahid gamit ang palad ko. naramdaman ko ang pag lapat ng mga kamay ni mama sa balikat ko, nilingon ko siya at ngumiti para ipakitang ayos lang ako.

"nandito na tayo" masiglang sabi ni wayne

"masaya ka pa sa’kin ha" natatawang biro ko

"syempre naman, alam kong napakahalaga ng araw na to’ sayo pinsan, tara na" nakangiti niya kong inakbayan. buti nalang talaga may mga taong naka-suporta sa’kin. at sobrang pinagpapasalamat ko yun.

nandito na kami sa simbahan, at tulad ng inaasahan ko, mga konting kakilala pa lang ang nandito. nakatayo ako sa pinto ng simbahan ng marinig ko ang pamilyar na boses...

"dash" pag lingon ko isang babaeng nakasuot ng puting gown at naka takip ng puting belo na may munting korona ang nakatayo sa harap ko. may isang boquet din ng puting rosas sa mga kamay niya at alam ko siya na, siya na ang babaeng gusto kong makasama.

Torpe + Manhid = ??? (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon