The Reason

531 3 0
                                    

[Author's Note: This is the Revised and Edited Story of Torpe + Manhid = ???]

 lahat ng nangyari and thoughts ng mga dakilang pasimuno before the party full of surprises ay mababasa niyo sa chapter na ito :)

 alam kong naguluhan kayo lalo na at may POV si angel at eunice na sa huli ay iisang tao lang din pala. hehe :)

Posted: December 26, 2013

--

/Nobleza's mansion/

"napadala niyo na ba kay angel ang invitation?" tanong ni Enrico sa asawa niyang si Ingrid.

"oo, pati yung kay gregory napadala ko na" sagot naman nito

"mabuti" sagot muli ng papa ni angel na si Enrico

"tama ba itong gingawa natin? baka magkita sila" tanong muli ni Ingrid

"As I planned. gusto kong magkita sila at makita niya ang mga mangyayari" sagot nito

"pero paano ang anak mo? akala ko ba ayaw mo na siyang masaktan?" tanong ulit ni Ingrid ngunit isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng lalaking nobleza at sinariwa ang alaala ng mga nangyari ilang buwan na ang nakakalipas

/Mr. Enrico Nobleza's POV/

(flashback)

I heared everyone's voice, pero nangingibabaw ang mahihinang hikbi na pakiramdam ko ang lapit sakin. gusto kong makita kung kanino nanggagaling ang hikbing yun. Hanggang sa naramdaman ko ang mainit na palad na humahaplos sa kamay ko.

"daddy" bulong ng isang boses at hindi ako pwedeng magkamali, boses yun ng anak ko. si angel!

gusto kong imulat ang mga mata ko, gusto kong makita ang anak ko nang marinig ko siyang muli.

"daddy, I promise that i will follow you and lolo. Wag niyo lang po ako iiwan. kaya ko pong bitawan kahit ang kaligayahan ko, kahit si greg. wag niyo lang po kami iwanan ni mommy. I can't live without a father. kahit po bukas na bukas magpapakasal ako sa pinili niyo para sakin. gumising ka lang po daddy" patuloy siyang humihikbi pagkatapos niyang sabihin yun. naaawa ako sa anak ko. may kirot na gumuhit sa dibdib ko. I’m her father, and yet, i can't do anything. i just want the best for her pero tama ba talaga ako? tama bang pilitin ko siyang gawin ang bagay na hindi niya gusto? tama bang ipakasal ko siya para lang mapalaki ang kumpanyang mamanahin niya? She’s my only daughter. she's the only heiress of nobleza company but, do we really need to sacrifice her life for the wealth? for the security in financial matters?

I slowly opened my eyes. naaaninag ko siyang nakayuko at umiiyak pero Malabo. pumikit akong muli, this time iminulat ko muli ng unti unti ang aking mga mata and i saw her still crying

"angel" tawag ko sakanya. inangat niya ang ulo niya at nakita ko ang maamo niyang mukha na agad naman niyang pinahid ang luha niya

"dad, daddy !! you're awake" sigaw niya. kaya nakuha niya ang atensyon ng mga taong nasa loob din ng silid na iyon at kasalukuyang nag-uusap.

"daddy, i miss you" naiiyak pero nakangiti niyang sabi sa akin

"enrico! you're awake. oh thank god" naluluhang lapit naman sakin ng asawa kong si ingrid

"anak! kamusta ang pakiramdam mo?" tanong agad sakin ni papa. ang lolo ni angel

Torpe + Manhid = ??? (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon