Epilogue

434 10 0
                                    

[Author's Note: This is the Revised and Edited Story of Torpe + Manhid = ???]

Posted: December 26, 2013

[Dash POV]

Nung araw din na yun umuwi kami ni rainne sa bahay nila. hawak kamay naming hinarap ang mga magulang niya. sa una, nagulat ang magulang niya ng malamang nagpakasal kami kahit wala sila, syempre yung daddy ni rainne hindi talaga natanggap, hindi niya kami kinibo ni rainne nun, yung mama naman niya masaya daw para sa’ming dalawa. sinabi ko din na hindi naman kami magsasama ni rainne sa iisang bahay. dun pa din siya sa bahay nila, ako naman sa bahay namin ni mama. bata pa din kami ni rainne, gusto ko kung magsasama man kami graduate na kami pareho at may sarili na kaming bahay. yung nakakatayo na kami sa sarili naming mga paa.

muntik din mawala ang Villegas sa industriya, buti nalang interesado pa din ang mga montenegro sa merging. naaawa ako kay mish, kinailangan niyang magsakripisyo para sa’min ni rainne, pero sinabi niya sa’kin na mas nakakahinayang kung natuloy ung kasal ko kay eunice. kasi sa’kin may lorainne na naghihintay, sakanya wala. bata pa siya at madami pang mangyayari hanggang sa mag 18 siya. kung nagtataka kayo pano nangyari ang lahat, ganito yun…

Bago umalis sila greg papuntang paris nag-usap kami na dadalhin muna si rainne sa paris para makagawa kami ng paraan. Dahil kung nasa pilipinas lang si rainne, bantay sarado pa din siya ng mga gwardya niya.  si mish at wayne syempre may alam sa lahat ng plano. si mama nalaman niya lang yun 2 days bago yung mismong wedding. Buti nalang at supportive sa’kin si mama. si mish din yung nagtago nung lace ng gown ni eunice, hindi ko alam kung paano pero inamin niya sakin yun nung nakabalik na ng states si eunice. ginawa niya lang daw yun para ma-delay sa pag alis si eunice. Effective naman haha, hay naku madami talagang nangyari nung araw na yun. buti nga si lolo hindi naman nagalit, pero ilang linggo din siyang balisa hanggang sa nagka pirmahan ng kontrata ang Villegas at Montenegro. Pero, wala na kaming company. Share-holder nalang kami sa Villegas Incorporated, yung Villegas University sa’min pa din nakapangalan tulad ng Villegas, Inc. pero share holder na lang din kami dun. Mas pinili kasi ng mga Montenegro na wag ng palitan ang pangalan para na rink ay Mish at sa pagkakaibigan ni Lolo at Mr. Montenegro. ang ka isa isahang bagay na buo pang pagmamay ari ng lolo namin ay ung palace grande, hinding hindi niya bibitawan yun dahil lahat ng memories ni lolo nandun.

--

Dalawang taon na ang mabilis lumipas. ang huli naming balita kay greg at eunice, they are exclusively dating. kami naman by next week two years ng kasal ni rainne, sa ngayon inaayos na namin yung 2nd wedding namin. Yung wedding na pinangako ko sakanya, yung pinaghandaan at hindi tulad noon na biglaan. graduate na kami pareho, nagtatrabaho na ko sa Villegas, Inc. Si lorainne may sarili ng pastry shop sa mall.

Actually 1year din kaming hindi kinibo ng papa niya, ay ako lang pala haha. after kasi ng ilang months okay na ulit si rainne at ang daddy niya. ako naman binati lang ng papa niya pagkatapos ng isang taon. okay na kaming lahat ngayon, wala na masyadong problema. ang mahalaga naiayos na namin ang lahat at ang ending kami pa din ni rainne.

sabi nga nila, ang pinaka masarap na pakiramdam ay mahalin ng taong mahal na mahal mo. yung sasamahan kang harapin ang bawat bukas, hawak ang kamay mo hanggang sa pagputi ng mga buhok niyo. At sabi nga sa sinumpaan namin...

"til death, do us part"

Torpe + Manhid = ??? (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon