Campus Issues

416 4 2
                                    

[Author's Note: This is the Revised and Edited Story of Torpe + Manhid = ???]

Posted: December 26, 2013

[Dash POV]

kakababa ko lang sa sasakyan ko kasama si rainne. kakaiba yung atmosphere sa school ngayon. parang ang daming mga mata ang nakatingin samin. hinawakan ko yung kamay ni rainne. pero nagulat ako ng makita ko yung pagkabahala sa mukha niya.

"bakit rainne?" tanong ko kasi maluha luha na yung mata niya.

"ba’t parang iba yung tingin ng mga tao ngayon? parang pinag-uusapan tayo" tanong niya

"ano ka ba, wag mo nalang sila pansinin" sagot ko naman sakanya. mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya habang papunta kami sa klase niya

"di ba siya yung sinasabing prince dash kyle" sabi nung babaeng nadaanan namin

"Oo, prince dash kyle pala pangalan niya. at sobrang yaman pala nila. grabe tinago niya yung identity niya" sagot naman nung isa pang babae

"dash, bakit alam nila?" tanong sakin ni rainne

"di ko alam. tara hahatid na muna kita" dumeretso na kami sa klase ni rainne. hinagkan ko siya sa noo bago ko umalis

"rainne, susunduin kita mamaya ha, wag ka aalis dito hintayin mo ko" yun lang at umalis na ko. pagkababa ko sa lobby ng college namin, nakita ko si eunice na humahangos na palapit sakin

"dash, kanina pa kita hinahanap. may problema tayo" sabi sakin ni eunice

"ano yun?" tanong ko

"nakita mo na ba to’? alam na nila yung kasal" sabay abot niya sakin ng isang dyaryo

headline sa business section yung picture ko at picture niya na may malaking caption na...

THE HEIR OF VILLEGAS, INC. AND THE HEIRESS OF NOBLEZA COMPANY, ARE ENGAGED.

The engagement happened last January 19 at the palace grande (Villegas Private Island) where Don Mariano Villegas held his birthday celebration. Prince Dash Kyle Villegas and Angela Eunice Nobleza are both taking their college degree at the Westridge Academy. The two are still in silence regarding the wedding. Some rumors say that the wedding was arranged by their families and the Villegas heir had a relationship with a non-well known girl that also studying at the said school.

"wala na dash, alam na ng buong school yung identity natin. tumawag na din sakin si lolo at inaayos na daw yung kasal natin" diretsong sabi niya

"Ano? anong kasal? hindi ako magpapakasal sayo" sagot ko

"Pero dash, wala na tayong magagawa lalo na ngayon na na-announced na sa buong bansa yung kasal" sagot pa niya

"Wala akong pakielam sa kasal na yan. Basta hindi ako magpapakasal" yun lang at umalis na ko

"di ba siya yun nasa dyaryo? classmate ko yan sa isa kong subject. at alam ko nga may girlfriend yan. kawawa naman yung girlfriend niya" narinig kong sabi nung isang babae

"oo nga noh. siguro napilitan lang yan. ganun daw kasi pag mayayaman" sabi naman nung kasama niya

"oo nga, ang hirap naman pag kilala yung pinang-galingan mong pamilya, naaawa talaga ko dun sa girlfriend niya" sagot ulit nung babae. wala na kong nagawa kundi bumuntong hininga. hihintayin ko nalang tumawag sakin si lolo

--

[Rainne’s POV]

ang weird talaga. pag pasok ko sa klase ko lahat sila nakatingin sakin at nagbubulungan. yung totoo? ano bang meron?

Torpe + Manhid = ??? (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon