Promise of Love

477 5 3
                                    

[Author's Note: This is the Revised and Edited Story of Torpe + Manhid = ???]

Posted: December 26, 2013

[Rainne’s POV]

Nang magising ako nung araw na yun wala talaga akong maalala. natakot ako, dahil maski ang sarili ko hindi ko makilala. Hanggang sa isa isa silang lumapit sakin at napapikit ako. ilang mukha ang rumehistro sa alaala ko. hindi pala ako nakalimot, siguro dala lang yun ng pagkakahimbing ko ng ilang araw hanggang sa nakita ko si greg at may kirot na gumuhit sa puso ko. Naalala ko ang lahat ng nangyari at nasaktan ako ng sobra dahil sa pangalawang pagkakataon nagawa niyang tanggihan ang pagmamahal ko sakanya. Ang tagal kong nagpakatanga sa kaka-asa sakanya, na babalik siya at mamahalin ako. Bumalik nga siya, pero ginulo lang niya ang buhay ko.

"nakikilala mo ba kami?" tanong nila sa akin. isa isa ko silang tinignan at nang mapatingin ako kay greg alam kong ito nalang ang tanging paraan para magkalayo kami, ayoko ng masaktan pa ng pa.ulit ulit. napapagod na kong umiyak! mahabang panahon akong umasa at naghintay sa pagbabalik niy. akala ko—, akala ko okay na ang lahat ng bumalik siya pero nagkamali ako. pumikit muna ko at nag isip, sa pagmulat nang aking mga mata nasambit ko na lang na…

"sino siya??" nakita ko ang gulat sa mukha nilang lahat pero ito lang ang naiisip kong paraan. 6 na taon akong naghintay na bumalik siya, 6 na taon akong umasa na mahalin niya. 6 na taon na siya lang ang minahal ko at laman ng puso ko, 6 na taon! hindi biro ang panahong ginugol ko para sakanya pero sa lahat ng iyon nagawa niya pa din akong saktan sa pangalawang pagkakataon. kaya ang tanging naisip ko ay magpanggap na di ko siya kilala at sa ganung paraan, makakaiwas ako sakanya. magugol ang panahon ko sa ibang bagay. minsan para maka.move on kailangan mong lokohin ang sarili mo. ipamukha mo na hindi siya nag.eexist sa mundong ito at balutin ng galit ang pagmamahal na nararamdaman mo. sa ganung paraan pwedeng masanay ka at masasabi mong naka.move on ka na. mahirap lang naman mag move on sa taong walang ginawa para magalit ka. Pero, sa sitwasyon namin ni greg madami siyang ginawa na pwede kong paghugutan ng sama ng loob. unang una na dun ang katotohanang kahit kailan hindi niya ko nagawang mahalin, kahit konti.

[Dash POV]

Ramdam kong kalmado na si rainne, at nakayakap ako sakanya at nakatapat ang tenga niya sa dibdib ko

"naririnig mo ba?" tanong ko

"ang alin?" balik na tanong niya

"yung tibok ng puso ko" masayang sagot ko

"ah... Oo, ang lakas ng tibok ng puso mo" sabi niya

"bakit mo pala naisipang palabasing may amnesia ka?" tanong ko sakanya. naramdaman ko ang paggalaw ng balikat niya sanhi sa paghugot niya ng isang malalim na paghinga bago siya nagsalita

"gusto ko kasing makalimot. ayoko nang masaktan ulit. nakakapagod din pala" malumanay na sabi ni rainne

"ikaw? Ba’t mo siya sinuntok? Ba’t ka nakipagbugbugan kay greg?" tanong niya. nagulat ako ng bigla siyang magtanong ng ganun

"uhm... hindi ko alam kung paano ipaliwanag eh, pero may koneksyon yun sa tibok ng puso ko" sagot ko. umangat ang ulo niya at tumitig sa aking mga mata.

"anong ibig mong sabihin?" takang tanong niya at binigyan ko siya ng isang ngiti bago ako nagsalita

"ayoko sanang sabihin sayo to’ hangga’t may nawawala sa memorya mo. pero ngayong alam ko na na naaalala mo naman lahat. gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita at hindi ko alam kung kailan pa to’ nagsimula pero naramdaman ko nalang to’ nung araw ng debut mo. yung kakaibang selos na naramdaman ko nung unang beses na makita ko na kasama mo si greg . Alam ko mahal mo pa siya pero gusto kitang tulungang kalimutan siya. hindi mo kailangang magmadali, ang sa akin lang sana hayaan mo kong ipakitang seryoso ako sa nararamdaman ko at malinis ang hangarin ko. gusto kitang mahalin at alagaan hanggang sa makalimutan mo siya at ako na ang mahalin mo" tuloy tuloy kong sabi. hindi ko na napansin ang luhang tumulo sa mga mata ko. naramdaman ko na lang ng punasan ito ni rainne at nakita ko ang mukha niyang nakangiti pero nagbabadya ang mga luha sa pagpatak

"salamat dash. salamat sa unawa at pagmamahal. hindi kita pipigilan, dahil gusto kong maramdaman kung paano pahalagahan at pumapayag akong alagaan at mahalin mo" nakangiting sambit niya at sabay ng pagpatak ng mga luha niya. sa unang pagkakataon sa wakas nasabi ko na rin kay rainne at alam kong gumaan ang loob namin pareho. pangako ko sa sarili ko, gagawin ko ang lahat para sakanya. hinding hindi ko siya sasaktan, kahit kailan.

Torpe + Manhid = ??? (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon