Palace Grande

504 5 0
                                    

 PLAY THE VIDEO ON THE SIDE. THEME SONG YAN NG TORPE + MANHID = ???

[Author's Note: This is the Revised and Edited Story of Torpe + Manhid = ???]

Posted: December 26, 2013

[Dash POV]

Nagpaalam na ko kay mama pra sunduin si rainne. Excited na kong pumunta sa palace grande kasama ang babaeng mahal ko.

"hello po tita, good eve. si rainne po?" tanong ko

"nag aayos pa sa taas. saglit lang tatawagin ko" sagot ng mama niya. umupo naman ako sa sala nila. hmm... kinakabahan ako! Excitement lang to’!

Hanggang sa nakarinig ako ng mga yabag mula sa hagdan at nakita ko ang pagbaba ng isang maganda prinsesa na nakasuot ng itim na gown. Simple and yet, so elegant. 

"oopz laway ni dikya. haha" bigla niyang sabi sabay tawa

"Oo na, tulo laway ko sayo haha" nakisakay naman ako

"ang cute niyo talagang dalawa" singit ng mommy niya

"haha si mama talaga" sagot naman ni rainne

"oh siya sige hijo ingatan mong anak ko ah" mama niya

"opo naman tita" sagot ko tapos umalis na kami

 --

Dumating na din kami sa Palace Grande sakay ng isang yate. Dahil Private island ito, yun lang talaga ang transportansyon dito. 

"nandito na tayo" tawag samin ni mama. kasalukuyan kasi kaming nagke-kwentuhan ni rainne 

"ah opo, tara na rainne" iginiya ko siya pababa. 

"wow! ang ganda naman dito sobrang engrande siguro nung party" bakas ang pagkamangha sa nakikita niya. Napangiti ako dahil lang sa simpleng ngiti na nakikita ko sa mukha niya. Kaya siguro ko minahal ang babaeng to’ dahil napaka inosente ng mukha niya. Para siyang anghel na kasayahan lang ang alam sa mundo.

"haha tara ipapakilala pa kita sa mga relatives ko" sabi ko sakanya

"welcome madam, welcome young master" bati samin employees na nandun sa celebration 

"bakit young master tawag sayo?" tanong ni rainne

"hindi ko alam eh haha" sagot ko naman

"kuya kyle!!!" sigaw ng isang magandang babae at biglang yumakap sakin

"I miss you kuya kyle" sabi pa niya

"hoy bella louie mish, dalaga ka na hah. umayos ka nga" sabi ko naman

"baby mo pa din kaya ako" nag pout siya

"ay wait!!" sabi niya sabay tingin sa kamay ni rainne na hawak ko. tinignan niya sa rainne na parang sinusuri ito mula ulo hanggang paa at pabalik sa mukha nito. tapos nakita kong napalunok si rainne siguro nako.concious. pagharap niya kay rainne tumingin muna siya sakin ng matalim, sabay...

"hello, girlfriend ka ni kuya kyle??" tanong niya sabay ngiti ng napakalapad

"hah? hindi pa" sagot naman ni rainne

"hindi pa? ibig sabihin...." tumingin siya sakin

“oh em gee gulay kuya kyle! binata ka na! marunong ka na manligaw! I’m soooo proud of you kuya” parang tangang nagsisigaw si mish sabay pabirong tapik sa likod ko.

"hoy mish, tumahimik ka nga, pinagtitinginan ka na ng mga bisita oh" saway ko sakanya

"haha. Sorry naman, natuwa lang" sabay takip sa bibig niya at peace sign

Torpe + Manhid = ??? (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon