GoodBye

364 3 0
                                    

[Author's Note: This is the Revised and Edited Story of Torpe + Manhid = ???]

Posted: December 26, 2013

[Eunice's POV]

matapos nung araw na sinabi ko kay dash na mahal ko siya mas lalong lumamig ang pakikitungo niya sakin. pero pansin ko may kakaiba sa kinikilos niya. Oo, malamig ang pakikitungo niya, lantaran pa din niyang pinaparamdam na ayaw niya sa kasal na to’ pero may mali talaga. ramdam ko, pero hindi ko pa alam kung ano.

"hija ano na ba talaga ang napili niyong motif sa wedding niyo" tanong sakin ni mommy

"uhm hindi ko pa po alam. pero baka blue nalang. wala namang tutol dun si dash e" sagot ko

"kamusta kayo ni dash?" tanong ni daddy

"po? ayos lang naman po. lagi naman niya kong sinasamahan sa pag aayos ng kasal naming dalawa" sagot ko

"mabuti naman at nagkakasundo na kayo. mahirap magsama ng di kayo nagkakapalagayan ng loob. pagtapos ng kasal magsasama na kayo sa sarili niyong bahay. mula umaga hanggang bago matulog magkikita at magkikita kayo. hindi naman pwedeng hindi kayo magkibuan kaya dapat talaga magkapalagayan kayo ng loob" sabi pa ni daddy

"opo dad. ok naman po kami. uhm close na nga kami e" pagsisinungaling ko. bakas kasi yung pag aalala sa mukha niya kaya binigyan ko siya ng assurance na ok lang ako

"good to hear that hija. anyways, may food tasting kayo ngayon db?" tanong ni daddy

"uhm opo. hinihintay ko lang po yung driver. hindi kasi ako masusundo ni dash" sagot ko

"sige hija. mauna na kami ng mommy mo. may pag uusapan daw kami ng lolo mo"

nagpaalam na sila at naiwan na kong mag isa.

maya maya tumunog yung cellphone ko. may nagtext....

1 message received 

From: greg

: Angel, kamusta?

to: greg

: ayos lang. ikaw?

maya maya tumawag na siya..

calling greg...

"yes?" sagot ko

(kamusta ka na pala? anong pinagkakaabalahan mo?) tanong niya

"ayos lang. ito medjo busy sa wedding preparations namin ni dash" sagot ko

(ah ganun ba. mahal mo na ba si dash?) nabigla ako sa tanong niya. parang may kirot pa ding gumuhit sa puso ko. may lungkot sa tono ni greg ng itanong niya yun

"ahm... ano kasi e" hindi ko malaman kung kailangan ko pa ba siyang sagutin sa tanong na yun. alam ko mahal ko na si dash, pero bakit ganito ung nararamdaman ko nang itanong niya sakin yun.

(angel, gusto ko lang malaman. sa totoo lang mahal pa din kita. pero kung mahal mo talaga siya siguro nga dapat na kong mag move on) may lungkot sa boses niya. huminga muna ko ng malalim bago sumagot sa tanong niya

"hindi ko alam. pero siguro Oo, mahal ko na nga si dash. masaya ako pag kasama ko siya. at nakikita ko na siya na maging parte ng future ko" pigil hiningang sagot ko. nasabi ko yun at tila gumaan ang loob ko pero may luhang pumatak mula sa kanan kong mata. hindi ko man alam ang dahilan pero siguro nga tapos na ang papel ni greg sa buhay ko at papel ko sa buhay niya.

(angel salamat sa lahat. mahal na mahal kita pero simula ngayon kakalimutan na kita. pinapalaya ko na ung nararamdaman ko para sayo. at tska...)

naputol un ng may boses ng babae na tumawag sakanya. pero kung hindi ako nagkakamali si rainne yun.

Torpe + Manhid = ??? (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon