Ang bilis ng mga pangyayari parang kahapon lang nasabi sa akin na ikakasal ako kay Renzo. Pero ito hinihintay ko na lang ang gumabi hanggang sa mag-umaga muli upang maikasal ako. Simula noong malaman ko na ikakasal ako kay Renzo ay hindi ko na siya muling nakausap pa ni hindi na nga niya ako tinawagan o itext man lang upang pumunta sa condo niya. Nakikita ko na lang siya sa klase since pareho naman kami ng sched. at as usual hindi niya parin ako pinapansin. Hindi ko alam kung magada o masamang bagay ba ang hindi niya pagpansin sa akin.Natatakot ako, no mali ang salita kong ginamit. Nenerbiyos ako sa mga mangyayari bukas, sa kung ano ang mangyayari sa amin ni Renzo bilang mag-asawa. Hindi ko naman maiitatago na may masayang parte sa puso ko na siya ang maging asawa ko at hindi ibang lalaki, siguro sa parteng yun pinagpapasalamat ko sa mga magulang ko.
Nakatingin ako ngayon sa mga dumadaang tao dito sa corridor napatigil ako sa isang cute na couple na naglalakad sa harapan ko. Ang sweet nilang tignan, makikitang mong masaya sila sa isa't-isa na kontento sila, walang komplikado at simple lang. Ngayon naitatanong ko sa sarili ko na bakit sa lahat ng lalaki na minahal ko siya pa? Bakit sa lahat ng lalaking pwede ipagkasundo sa akin siya pa? Bakit hindi na lang isang normal na lalaki na hindi man masyadong kagwapuhan pero mahal ka naman. Bakit siya pa na matatakot kang araw-araw kung may makaagaw sa kanyang iba? Bakit siya pa na sobrang gwapo, talino at yaman?
Alam kong isa lang ang sagot ko dyan, dahil siya ang tinitibok nitong puso ko. Na kahit anong gawin kung alis sa sistema kung magmahal ng iba eh hindi ko parin magwa dahil parang nakatatak na sa puso ko ang pangalan niya. Na parang nakasistema na sa isip at puso kong si Devon Lorenzo Yan lang at walang na iba.
"Hey!"
"Ay babaeng walang buhok!" Napatingin ako rito ng masama. "Bakit ka ba nanggugulat dyan!" Inirapan ako nito. Sino pa nga ba ang kinakausap ko ngayon edi ang butihin kong bestfriend.
"Aba nagulat ka talaga eh kanina pa ako nakatayo rito sa tabi at tinitignan ka lang. Aba isang linggo ka ng balisa ah! Isang linggo ka na ring nasa kawalan. Sabihin mo nga sa akin nakadrugs ka ba?" Seryoso pa talaga ito sa pagsambit ng mga salitang yun.
"Ewan ko sayo Rezzy! Baka ikaw ang nakadrugs at kung ano-ano ang sinasabi mo!" And I conclude siya nga ang adik at hindi ako.
Kung adik man ako, isa lang ang addiction ko at kahit kailan hindi ko pagsasawaan. Gusto niyong malaman? Hindi siya isang bagay, isa siya tao. Alam kong kilala niyo na siya. Sino pa ba edi si Devon Lorenzo Yan. Yes, I know ang landi ko. Ahehe.
"Hay nako adik ka nga! Tulala ka na naman eh! Tsaka bakit mo ba ako pinapapunta dito at parang wala ka namang sasabihin samantalagang kanina eh hindi ka mapakali." Naupo na ito sa tabi ko.
Sasabihin ko ba? Parang magbaback-out na ako sa pagsabi sa kanya. Alam kong magagalit yan sa akin at hindi ko sinabi agad sa kanya. Kasi naman eh alam niyang first and greatest love ko yan si Renzo eh. Oo alam niya iyun, siya pa eh bestfriend ko nga at grabe ang radar niyan sa akin nararamdaman niya ang lahat.
Kaya hindi ko masabi-sabi sa kanya kasi baka madulas ang dila ko at masabi ko sa kanya pati ang greatest secret ko eh masabi ko pa. Hindi iyon pwede, hanggang hukay ko ay isasama ko na iyon. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko ngayon, sasabihin ko o hindi? Papatayin kasi ako nito ng tanong pero kung di ko kasi sasabihin magtatampo si Rezzy sa akin.
"Antagal mong magsalita infareness lang!" Nacrossed arm na ito habang nakatingin sa akin ng mataimtim at hinihintay ang sasabihin ko.
"Ano kasi.. Ah- eh- ano kasi -- ah." Parang di ko maitupoy tuloy ang sasabihin ko. Napangiwi ako.
"Yung totoo hanggang ahmm ka na lang ba? Ano ba kasi yun?" Nakataas na kilay niyang sabi sa akin.
"Ano Rezzy kasi... Ahm.. Kasi."
BINABASA MO ANG
Wild Beat - BOOK 1 ✔
Lãng mạn"Can you love me?" Ang lumabas sa labi ni Serena Xhen na naging simula ng lahat. Dahil sa sobra niyang pagmamahal kay Devon Lorenzo Yan hindi niya napigilang isiwalat ang tinatagong nararamdaman para rito pati ang sarili ay inalay na niya para bigya...