"Your so gorgeous girlfriend." Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil kahit ngayon naninibago pa din ako pag nilalagyan ang mukha ko ng make up. "Just tell me if nagbago na ang isip mo sa modeling." Kumindat siya sa akin.Nakahati iyong buhok ko sa gitna at naka-braid sideways na mas lalong na emphasized ang mukha ko. Hindi makapal ang make up na naka-apply sa mukha ko since ayoko ko talagang nilalagayan ang mukha ko ng kung ano-anong kolorete. Tumingin ako kay Rezzy na siyang nag-ayos sa akin, at ngumiti lang ako sa kanya.
Gusto talaga akong gawing model ni Rezzy para daw may kasama siya. I don't like modeling for people, ayokong humaharap ako sa camera. I hate people looking at me kaya hinding-hindi ako oo sa gusto ni Rezzy.
"You know I love you Rez but modeling is not for me." I kissed her in the cheeks and thanked her for the job well done with my face. The best girlfriend ever. Ohh siya nga lang pala ang nag-iisa kong kaibigang babae.
"Okay! Tara na nga." Inakay na niya ako. And again haharap na naman kami sa maraming tao. Kailangan ko na talagang sanayin ang sarili ko sa mga ganito. Bumuntung hinga ako at hinanda ang sarili harapin ang mundo.
------------------------
Ngayon ko lang naramdaman ang sobrang pagod sa pag-ngiti. Pinipilit ko na lang ang sarili ko sa mga taong lumalapit sa akin at kinakausap ako, hindi ko namang pwede hindi sila lansinin at kausapin. Ang mga taong ito actually ay mga kakilala, malapit na kaibigan nila Mama at papa at ang parents din ni Renzo at mga investors. Big people in business industry.
Basically hindi lang ito isang party for me and Renzo but mainly for the business. Kinuha na nila ang chance na ito, the party is just a front. At ngayon pagod na pagod na ako kumausap sa mga taong hindi ko naman gustong makausap but I don't have a choice so might as well face them with a sweet smile.
Dahil sa hindi ako nauubusan ng taong lumalapit at kumakausap sa akin ay hindi pa din kami nakakapag-usap ng maayos ni Renzo. Ni hindi ko nga siya nakausap ng limang minuto.
Hindi ko siya mahanap kanina pa dahil napalayo siya ng may kumausap sa kanyang foreign investors. I really admire his personality, iyong pakikipag-usap niya palang sa iba't-ibang tao ay wala lang sa kanya. Kayang-kaya niyang maghandle ng kahit na anong situation. I wish ganyan din ako, iyong full of confidence sa sarili. Nakikipag-usap sa kahit sino na hindi na iilang.
Napatingin ako sa paligid, soft music is playing. Okyupado ang lahat ng mga tao, may mga kinakausap habang ang iba ay nagsasayaw sa gitna. Napatigil ako at napatitig sa old couple, a husband and wife based on how they look at each other. Kahit na matanda na sila ay na-eenjoy pa in nila ang isa't-isa, they look so contented and happy. And I wish me and Renzo could last that long.
Napangiti ako at nakontentong nakatingin sa mga nag-sasayaw ng biglang may humawak sa bewang ko. Hindi ko na kailangang lingunin kung sino iyon dahil agad din itong nagsalita.
"Why is the beautiful lady all alone?" Ngumiti siya sa akin at muli kong naalala ang old couple na nagsasayaw kanina. Ngumiti rin ako sa kanya at napatitig ako sa gwapo niyang mukha.
"The beautiful lady was left all alone. Thank God!" Tumawa ito at natawa na din ako. Alam niya kasing naiilang ako sa mga ganitong okasyon.
"Thank God that your all alone." Humarap ako sa kanya at ngumiti. Mabilis kong nilagay ang isa kong kamay sa likuran kondahil baka makita niya ang hawak-hawak ko. Napatingin ako sa necktie niya
"Your necktie suits you." Inayos ko ng konte ang necktie niya.
"Thanks, my girl gave this to me." At kumindat siya sa akin which made my heart skips a beat.
BINABASA MO ANG
Wild Beat - BOOK 1 ✔
Romance"Can you love me?" Ang lumabas sa labi ni Serena Xhen na naging simula ng lahat. Dahil sa sobra niyang pagmamahal kay Devon Lorenzo Yan hindi niya napigilang isiwalat ang tinatagong nararamdaman para rito pati ang sarili ay inalay na niya para bigya...