Chapter 38

17.4K 309 14
                                    







POV-Serena






"What are you doing here?" Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko na kahit nasasaktan ito ay siya pa din ang nakakagawa nito sa akin. Tinulak ko siya unti-unti sa pagkakayakap sa akin dahil naaalala ko na naman ang gabing iyon. Bigla atang natauhan si Renzo sa ginawa niya sa akin kaya lumayo kaagad siya sa akin.

"Uuwi na tayo." Diretsong tingin na ang binibigay niya sa akin, iyong emosyon kanina na nakita ko ay biglang nawala na parang bula.

Napatingin ako ng lumabas ang dalawang lalaking pormal ang damit na naglalakad papunta sa amin, Tumango ang dalawang lalaki kay Renzo. Bago na ang mga mukha ng mga ito at hindi na ang dating body guards na patagong pinapabantayan niya sa akin. Masyadong malalaki ang mga katawan ng mga ito. Tumingin ako ulit kay Renzo, nagsusukatan kami ng tingin.

"Sumama ka na sa kanila Serena." Mahina nitong sabi sa akin, nakikita ko ang seryoso niyang ekspresyon. Ayokong sumama sa kanya, ayoko pang harapin ang realidad.

"E paano kung ayaw ko? Hindi mo ako mapipilit." Giit ko din sa kanya. Anong akala niya na ganon ganon na lang ang lahat? Napatingin ako kay Tyron ng bigla siyang magsalita. Muli kong naaalala na nandito pala siya.

"You can't forced her in doing something." Lumapit papunta sa akin si Tyron aabutin na sana niya ang kamay ko ng hinawakan ng parehong kamay nito ng dalawang body guards.


"Bitawan niyo nga siya. Hindi ako sasama sa inyo."

"Don't try me Serena, nauubos na ang pasensya ko." I was shocked when he used that tone to me. It was the first time that he talked to me like that. Napakaseryoso ng mukha niya at galit ang nakikita ko sa mukha niya ngayon.

Nabigla ako ng hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa kotse kaya wala na akong magawa kundi ang sundan siya, nararamdaman ko na din ang sakit sa pagkakahawak sa kamay ko.

"Bitawan mo ako." Mahina kong sinabi sa kanya ng makarating na kami sa harap ng sasakyan niya. Winasiwas ko na ang kamay ngunit hindi niya pa din ako binibitawan.


"Bitawan mo ako Renzo! nasasaktan na ako!" Sigaw ko sa kanya, narinig ko ang pagsinghap niya at naramdaman ko ang unti-unti niyang pagbitaw sa sa kamay ko. Nararamdaman ko na din ang pag-agos ng luha ko, hindi ko na lang iyon pinansin at ako na mismo ang nagbukas sa pinto ng kotse at sumakay.


Mabilis kong pinahid ang luha sa aking mga mata at tumingin sa labas. Narinig ko ang pagsara ng pinto sa kabilang pinto ng kotse the he started the engine. Sinisikap ko talagang wag lumingon sa kanya, ayokong tignan ang pagmumukha niya dahil baka madala na naman ako ng damdamin ko.

I hate myself for not being able to resist him. Na kahit nasasaktan na ako ay mas pipiliin ng puso at katawan ko na matognan at mahawakan siya. Nadadaig ng kagustuhan ng puso ko ang ang sakit na nararamdaman ko.

Sa biyahe namin na tatlong oras ngayon ay wala akong ginawa kundi ang tumitig lang ako sa labas ng bintana at nararamdaman ko na ang pagsakit na ang leeg ko. Walang nagsalita man lang sa amin, mas mabuti nga dahil ayaw ko pa siyang makausap. Lahat ng naisip kong sasabihin sa kanya ay dumadaragsa sa ulo ko. Gustong-gusto kong sabihin ang lahat ng iyon sa kanya pero natatakot ako sa isasagot niya sa akin, natatakot akong mangyari nga ang panaginip ko.

Napagpasyahan kong matulog na lang muna since alam kong malayo pa ata kami sa manila. Isasara ko na ang mga mata ko ng magsalita siya. I dont but he's voice calmed my nerves and now I'm heading to darkness.


"Take a rest."










---------------------------------






Wild Beat - BOOK 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon