POV-SERENA"Rez sa tingin mo ano ang mga bagay na nagugustuhan ng mga lalaki?" Tanong ko rito habang nilululon ko ang pagkaing kakasubo ko lang. Nakatingin lang ito sa akin na parang binabasa nito ang iniisip ko.
"Anong tanong iyan?" Balik tanong din nito sa akin. Mabilis nitong nakuha ang fries ko na nasa harapan ko lang ngayon pero nasa kamay na niya ngayon at kinakain. Nandito kami sa tambayan naming dalawa sa school.
"Sagutin mo na lang kasi." Nilakihan ko ito ng mata. Kailangan ko talagang makakuha ng mga impormasyon tungkol sa mga gusto ng mga lalaki. At kaya tinatanong ko si Rezzy dahil alam kung marami siyang alam tungkol sa mga ganitong bagay kung ikokompara sa akin na walang kaalam-alam at walang experience man lang.
"Babae." Nabilaukan ako sa sagot niya.
"Ano ba namang sagot iyan?" Tawa ito ng tawa habang nakatingin sa akin. Gaga talaga minsan itong babaeng ito, tinatanong ng maayos at ganyan pa ang isasagot sa akin.
"Bakit? Totoo naman ah! Iyan naman talaga ang mga gusto nila. Pareho-parehong mga lalaki iyan. Tss." Sinuri ko ng mabuti ang mukha nito. Totoo ba ang nakikita ko? May nakasungkit na ba sa mailap na puso ni Rezzy?
"Meron ka atang hindi sinasabi sa akin?" Tumingin ako rito at sinuri ang mukha nito ng mabuti. Alam ko ang mukha nito pag nagsisinungaling ito o may tinatago sa akin.
"Wala! Tigilan mo nga iyang tingin na iyan." Bumuntung hinga ito. Pansin ko kaagad na hindi nito magawang sabihin sa kanya ngayon ang pinagdadaanan nito. At nirerespeto niya ang desisyon nito dahil hindi lang sila mag best friend kundi magkapatid na din sila kahit hindi sila magkadugo,
"Ehem!" Napatingin kami kay Tyron na nakatayo sa harapan namin. Pinaupo namin siya sa table namin, tumabi siya sa akin at napatingin siya sa sinusulay ko.
"Oy wag kang tumingin." Pero huli ko nang nasabi dahil nabasa na niya ang mga nakasulat sa maliit kong notebook. Mabilis kong inilayo ang sinusulatan ko. Nakatingin siya sa akin na parang may hindi siya nagustuhan.
Nagkatinginan kaming dalawa habang si Rezzy ay lutang pa din ata dahil sa lalim ng iniisip niya. Kung kelan naman kailangan ko ng kadaldalan niya , ngayon pa siya naggaganyan. Ilang minuto din na naging tahimik at ni isa ay walang nagsalita.
"May gagawin pa pala ako. Mauna na ako sa inyo." Tumayo ulit si Tyron at humarap sa akin."by the way, I prefer the necktie." Pagkasabi nito iyon ay naglakad na ito palayo sa amin.
Necktie?
Napatingin ako sa maliit kong notebook at nakasulat doon ang necktie. Will he prefer a necktie as a gift?
Napatingin ako sa garahe, wala pa ang kotse ni Renzo. Saktong-sakto lang ang dating ko para sa plano kong ito.
Mabilis ako pumasok sa bahay, nagpalit ng damit. Lahat ng ginagawa ko ay pabilis lamang dahil hindi ko alam kong anong oras babalik si Renzo o baka nandito na siya maya-maya lamang.
Oo alam kong namumukha na akong tanga ngayon well alam kong kanina pa actually. Pero ginagawa ko lang ito dahil hindi ko alam kung anong ibibigay sa kaarawan niya.
Oo malapit na ang kanyang kaarawan, isang linggo lang ang pagitan ng kaarawan namin. Kung ang akin ay mabilis kong makalimutan ang petsa, ito ay hinding-hindi ko magagawa kay Renzo. Naaalala ko pa ang ginawa niyang pag-surpresa sa akin, hindi ko pa rin mapigilang mapangiti ng maalala ko ang araw at ang gabing iyon. Napakaespisyal ng nangyari sa akin na iyon, na para bang nararamdaman ko sa araw na iyon ang buong puso ni. Renzo.
Ang gusto ko lang naman mangyari ay gawin ding espisyal ang araw ni Renzo kaya lang ay hindi namin iyon magagawa ng kami lang dahil may magaganap palang celebrasyon sa araw na iyon. Ang kaarawan ni Renzo at isasama na din daw iyong lumipas kong kaarawan.
Dapat talaga ang celebrasyon na ito ay sa petsa ng aking kaaarawan kaya lang ay nagpunta kami sa hacienda at kaya napagpansayahan na sa kaarawan na lamang ni Renzo. Isang lang naman itong pagtitipon ng mga malakapit sa pamilya at negosyo ng dalawang pinagsamang korporasyon at ginamit lamang ang kaarawan ni Renzo para dito.
Lumingon ako sa aking likuran bago pumasok sa kwarto ni Renzo. Unti-unti kong binuksan ang pinto at isinira iyon. Inoobserbahan ko ang mga gamit ni Renzo dahil sa tingin ko ay makakakuha ako ng magugutuhan niyang regalo na galing sa akin. Amoy na amoy ni Renzo ang kwarto niya, so masculine and fresh.
Napatingin ako sa paligid ng kwarto niya, lahat ay puti ang kulaya mapa-higaan, pader at cabinets. Napakalinis ng kwarto ni Renzo, ni isang kalat manlang wala. Nag-iikot ako sa kwarto niya ng mapatigil ako sa harapan ng cabinet niya. Ito ang cabinet niya sa mga undies niya na lahat ay nakaayos ng lagay. Namula ako sa naisip ko kaya mabilis kong isinara iyon. Isang pang cabinet ang unti-unti kong binuksan na ang mga laman ay mga polo, longs sleeves, t-shirts na nakaayos lahat.
Kinuha ko ang isang nakatuping damit, isang long sleeves na kulay pink. Bagay na bagay sa kanya ang kulay na ito. Inamoy ko ang damit niya ng mapansin ko ang isang envelope na nahulog sa lapag. Nakasilip ng kaunti ang lamang nitong bond paper.
Ibinalik ko sa cabinet ng maayos ang damit kung paano ko ito kinuha at binalik ang atensyon ko sa envelope na nasa higaan ngayon. Umupo ako sa higaan at kinuha ang envelope. Bubuksan ko na sana ang envelope ng biglang may umagaw ng mga ito sa aking mga kamay.
"Anong ginagawa mo rito? Bakit mo pinapakialaman ang mga gamit ko?" Nanlaki ang aking mga mata ng marinig ko ang boses niyang galit na galit. Napatingin ako sa mukha ni Renzo. Mabilis nito itinago ang envelope sa loob ng drawer ng study table at humarap ulit sa akin.
"I'm sorry, hindi ko sinasadyang makialam ng mga gamit mo at pumasok sa kwarto mo." Napatayo ako bigla at hindi ko na kayang tumingin sa mukha niya. Alam ko namang hindi dapat ako nakialam sa gamit niya kaya bagay lang sa akin ang masigawan kaya hindi ko alam bakit naiiyak ako ngayon.
Mabilis ako lumabas ng kwarto ni Renzo ng mahawak niya ang bewang ko at niyakap niya ako ng mahigpit sa likuran. Huminga siya ng malalim na para bang nabunutan siya ng tinik.
"I'm sorry for shouting at you. Hindi ko iyon sinasadya at hindi na iyon mangyayari pang muli." Hihinga sana ulit ako ng patawad dahil sa ginawa ko ng pinigil niya ako at hinalikan ako sa labi.
--------------------
POV-Unknown (this person's identity will stay unknown for a while)
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" Pinaikot-ikot niya sa mga kamay niya ang basong may laman ng alak. Hindi niya mapigilang mapangiti sa kanyang nalaman.
"Opo, sigurado po ako sa aking nalalaman. Hindi ako pwedeng magkamali dito, alam niyo po iyan. Ayan na po ang ebidensya." Inabot ko na dito ang perang hawak-hawak ko kapalit ng mga impormasyon at pictures na hawak ko ngayon.
Umalis na ang taong kausap ko ngayon habang nagbubunyi pa din ang pakiramdam ko sa nalaman ko. Napatingin ako sa mga larawan na nakakalat sa mesa. Mga larawan ni Devon habang may hawak-hawak na mga papeles kausap ang isang tao. Ang taong ito ay ang private lawyer ng pamilya nila. May pinag-uusapan ang mga ito na importante.
"Sabi ko na nga bang mangyayari ito. Mahuhulog ka din sa mga palad ko Devon." Pinulot niya ang isang larawan na kung saan binabasa ni Devon ang dokumentong nakalagay sa isang envelope.
"Annulment papers."
BINABASA MO ANG
Wild Beat - BOOK 1 ✔
Romansa"Can you love me?" Ang lumabas sa labi ni Serena Xhen na naging simula ng lahat. Dahil sa sobra niyang pagmamahal kay Devon Lorenzo Yan hindi niya napigilang isiwalat ang tinatagong nararamdaman para rito pati ang sarili ay inalay na niya para bigya...