POV of Serena"Grandma nandito ka?" Hindi ko lubos mailunok ang ininom kong tubig habang nakatayo sa hapan ni Granma na ngayon ay nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa.
"Bakit masama bang bisitahin ang aking apo?" Tumayo si Grandma sa pagkakaupo at unti-unting lumapit papunta sa akin. Unti-unti kong inilunok ang iniinom kong tubig.
Ang buong akala kong ako ang sasalubungin ni Grandma ng yakap ay isang malaking pagkakamali. Kaya pala naglakad papunta sa direksyon ko ay dahil nasa likuran ko lang si Renzo na siyang niyakap nito.
"Lorenzo namiss ko kayong dalawa." Sabi lang ata ni Grandma na namimiss niya kami pero pakiramdam ko si Renzo lang well parati naman si Renzo eh. "Hindi man lang kayo dumalaw sa akin sa hacienda ngayong pa't apo na talaga kita." Mula kasi ng magkaedad si Grandma ay naisipan nitong bumili ng isang hacienda sa probinsya. Noong mga bata pa kami ni Renzo naaalala ko pa doon kami parating nagbabakasyon kasama ng ibang mga pinsan ko.
Napangiti ako habang nakatingin sa kanilang dalawa. Alam ko namang gustong-gusto ni Granda si Renzo para maging apo nito. Noong mga bata pa kami ni Renzo ay mas malapit pa siya kay Grandma kesa sa akin siguro dahil sa harap ni Grandma masunurin at mabait na bata si Renzo.
Hindi ko sinasabing masamang ugali di Renzo ah! Sinasabi ko lang na ganon siya kay Grandma well ako kasi dati ay makulit at hindi masunurin at pag napapagalitan ako ni Grandma ay parating sinasalo o sa mas madaling salita pinagtatanggol ako ni Renzo. Katulad din kasi ang mga pinsan ko sa akin dati, si Renzo lang talaga ang masunurin kay Grandma. Lahat ng gustong ipagawa ni Grandma kay Renzo ay nagagawa nito. no sweat ah.
At sa huli naging ganito ang resulta. Naging attach masyado si Grandma kay Renzo compared to me and my cousins na ngayon ay naninirahan na sa ibang bansa at doon nag-aaral.
"Grandma its nice to see you again. Alam mo naman Grandma na busy kaming pareho ni Serena dahil graduating na kami but don't worry if meron kaming free time ay bibisitahin ka namin sa hacienda." Ngumiti si Renzo kay Grandma.
"Totoo ba yan? Well you should both get ready since we are actually going now." Ngumiti si Grandma sa kay Renzo at sa akin habang ako ay palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa.
"Ready for what Grandma?" Tanong ko rito. Humarap naman sa akin si Grandma.
"I decided that you will spend your weekends in the hacienda. Maghanda na kayong dalawa, there's a driver waiting for you outside." Magsasalita na sana ako ng magsalita ulit si Grandma. "No arguments Serena, mauuna na ako inyo. Ang driver na ang maghahatid sa inyo sa helipad. See you both at the hacienda." Hanggang sa makaalis na si Grandma sa harapan ko at nakasakay na ito sa kotse ay nakanganga lang ako.
Wait! Ano daw? Pupunta kami sa hacienda! Thats a no no no!!
"Renzo!" Tawag ko rito habang papanhik ng hagdanan.
"What?" Bored na bored nitong sagot sa akin na oarang walang nangyari.
"Pupunta ba talaga tayo sa hacienda?" Pagsusumamong tanong ko rito na sana sagutin nito na hindi at nananaginip lang ako ng gising.
"Your not day dreaming dummy."
"Pero.. Pero alam mo naman na ayokong magpunta doon pag wala ang ibang mga pinsan ko diba!!! Diba??" Napatakbo ang sa dako nito.
"I know." Sagot lang nito na lalong nanlaki ang mga mata ko.
"Ahhh ako lang parati ang pupunahin ni Grandma, Renzo!! Hindian na lang natin sabihin mo sumakit ang puson ko o kaya nagka-LBM ako o kahit ano na lang o kaya bisitahin natin siya sa ibang araw. Whaaaaa..."
"No, you heard her." Pinapatuloy ko ang pagsunod rito hanggang sa makarating kami sa kwarto niya.
"But Renzo please do something."
"Ganoon ka ba katakot kay Grandma. Ano bang kinakatakot mo nandito naman ako."
Napatingin ako sa kanyang mga mata and I saw tenderness in his eyes. He caress my nose down to my lips with his right hand. We stared at each other and then he walks away.
BINABASA MO ANG
Wild Beat - BOOK 1 ✔
Romansa"Can you love me?" Ang lumabas sa labi ni Serena Xhen na naging simula ng lahat. Dahil sa sobra niyang pagmamahal kay Devon Lorenzo Yan hindi niya napigilang isiwalat ang tinatagong nararamdaman para rito pati ang sarili ay inalay na niya para bigya...