Chapter 3 [Edited]

36.1K 409 5
                                    

POV-Serena

"Mom?" I looked around, wala si Mom sa sala. Nasaan kaya ito? Umuwi agad ako ng tumawag si Mommy, baka ksi may nangyari o kung ano man.

Kanina kasi nagpunta muna ako sa isang bookstore pagkatapos ng nangyari sa amin ni Renzo. Wala talaga siyang clue kung ano ang sinasabi nito? Tungkol daw sa ginawa ko. Ano bang ginawa ko? Wala naman, sa pagkakaalam ko.

Kaya ayon naisipin kong magpunta muna sa isang bookstore para mag-isip. Pag meron kasi akong iniisip nakasanayan ko ng magpunta sa bookstore. Bookish kasi ako, nerd nga diba? I love reading books specially romance genres. Sa book kasi yung mga bidang babae nakakatuluyan nila ang mga mahal nilang lalaki. They always end up in happy endings while here in reality wala na atang ganon especially for me. May mahal nga ako pero hindi naman ako mahal ni hindi nga ako gusto.

So ayun nga, I spend most my time in reading books. Speaking of books noong nasa bookstore ako kanina, Mom just called me up at pinapauwi agad ako and then she ended the call ng hindi man lang ako pinagsalita. At ito ako ngayon sa bahay hinahanap siya para malaman kung ano ba ang tungkol sa pagpapauwi niya sa akin.

"Mom? Where are you?" Sigaw ko. Nakakainis minsan ang magkaroon ng malaking bahay. Ang hirap hanapin ng taong hinahanap mo. Tapos doon pa sila nawawala kung kelan kailangan mo sila.

"Darling! I'm here at the kitchen." Ganting sigaw nito. Oh diba ang galing ni Mom sumigaw din. Pumunta na rin ako sa kitchen dala-dala ang mga bagong bili kong books.

"Mom do you have something to tell me?" Kanina umaga pa niya nararamdamang may kakaibang nangyayari. How did I know? The way my Grandma acts. Parang may tinatago sila sa akin, parang bombang ngayon lang sasabog o mamaya?

Mom smiled sweetly. Oh no! May mangyayari nga dahil saa pagkakangiti lang nito nakikita ko na. Kakaiba kasi ang pagkakangiti ni Mom, this smile is just too sweet. I looked around the dining room.

Bakit ngayon ko lang napansin na may nagbago sa Dining room. Parang sobrang organized ang lahat ng bagay na narito. Napatingin naman ako sa table. At bakit parang ang table sobra ang pagkakaayos at maraming plates na nakahanda? Pag mga ganon ang ayos ng dining namin ay iisa lang ang ibig sabihin.

"May darating bang imprtante na dito magdidiner?"

"Yes darling, so go upstairs at magshower ka na. Pagkatapos mong magshower pupuntahan kita sa kwarto mo." she smiled at me. Busy na naman itong nag-iinstruct sa mga katulong namin. Siguro dinner ito ng mga guest ni Dad at tungkol na naman sa business ang lahat. Nagkibit balikat na lang ako ng nagpunta na sa akin kwarto.

Matapos kong magshower ay bigla ako ng lumitaw si Mom sa door ko. Nakatuwalya pa ako sa ulo at sa katawan, nakatingin si Mom sa akin.

"Mom may kailangan ka?" Tanong ko rito at naglakad na papuntang walk in closet ko. Makahanap nga ng presentable na damit,siguro naman hindi kailangan sobrang gara ng damit at least iyong presentable lang ay okay na.

"You don't have to find something to wear my dear." Pinakita nito ang tinatago nito sa likod nito. Isang yellow dress na hanggang sa may tuhod ko lang ang haba. May dala pa itong white heels na hindi naman sobrang taas ang takong, iyong tama lang. Tapos pinakita pa nito and dala pa nitong headband na merong design na leaves. "A mustard yellow dress paired with white heels and a cute headband. Bagay na bagay sayo."

Then nilapag na ni Mom ang mga dala nito sa kanyang kama at unti-unting lumapit sa akin. Parang may alam na ako kung anong susunod na mangyayari.

"Mom what is the meaning of this? Diba kung may dinner dito si Dad sa mga business invistors niya ay pwede namang hindi ganyan yung damit ko?" Minsan kasi si Dad dinadala niya yung business invistors dito sa bahay para magdinner at pag-usapan ang business. Bakit parang may kakaibang mangyayari mamaya?

Wild Beat - BOOK 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon