POV-SerenaNakatingin lang ako sa paligid at hindi ko mapigilang hagilapin sa tingin ang mga taong nakapaligid sa akin. Nasaan na ba siya? Kanina ko pa siya hindi makita ah.
Iniwan niya lang ako kanina para maisayaw nila Papa at iyong ibang gusto akong maisayaw pero paglingon ko sa kanya ay wala na siya sa dati niyang puwestong inuupuan. Medyo masama na din ang timpla ko ngayon dahil sa ginawa sa akin kanina ni Heidi, mabuti na lamang at natawagan ko kaagad si Rezzy na hindi pa nakakaalis sa party at nakapagpalit ako at naayos ko ang sarili ko.
Ginisa pa ako nih Rezzy kung ano daw ba ang nangyari sa akin at nagkaganito daw ang dress ko. Sa simula ay ayaw niya akong paniwalaan na para bang may tinatago ako sa kanya pero wala akong magawa kundi ang magsinungaling. Ayoko na ng mag-alala pa siya sa ginawasa akin ni Heidi at ayoko ko ring tuluyang masira ang gabi ko dahil lang kay Heidi.
Napatingin ako sa buong paligid, lahat ng tao ay may pinagtutuunan ng pansin. Napabuntung hinga na lang ako sa naisip ko. Gusto ko pa naman siyang makausap ngayon tungkol sa sinabi niya kanina.
Hindi ko alam kung gawa-gawa lang ba ng utak ko ang lahat ng narinig ko kanina. To good to be true. Marami akong gustong itanong sa kanya, gusto kong maging klaro na ang lahat sa amin.
Napalingon ako sa banda nina Papa at Mama (parents ni Renzo), parehong busy sa pakikipag-usap sa mga tao. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Papa sa akin kanina.
Kakapalan ko na ang mukha ko, sobra akong natuwa sa sinabi ni Papa sa akin kanina. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sinabi ni Papang bagay ako para kay Renzo at masaya siya para sa aming dalawa. Naalala ko ang mukha habang sinasabi ni Papa ang katagang iyon sa akin na parang may gusto pa siyang ipahayag sa akin sa pamamagitan ng tinging binibigay niya sa akin. Ano kaya iyon?
Si Papa at Renzo ay may malaking pagkakahawig sa ugali. Pagtitignan kong mabuti si Papa ay nararamdaman ko ang malakas nitong personalidad at ang intesidad tingin nito. Kaparehong-pareho sa anak nitong si Renzo. Para sa akin hindi ko mabasa ang utak o kung ano man ang iniisip niya palagi na alng akong nasusurpresa sa mga ginagawa niya. Sa pisikal namang anyo ni Renzo ay nakuha naman nito kay Mama.
Naptingin ako sa phone ko ng tumunog iyon. Mabilis kong binasa ang isang text na nanggagaling kay Renzo. Mabuti na lang at sumagot siya sa pangalawang kong text sa kanya.
"Pumunta ka sa may balkonahe."
Ano naman kaya ang ginagawa niya sa balkonahe? Tumayo na lang ako at kumuha ng isang champagne. Hindi naman talaga ako umiinom pero pakiramdam ko kailangan ko ngayon ng isa.
Naglakad na ako papunta sa sinasabi ni Renzo na balkonahe. Malapit na akong makarating doon ng marinig ko ang dalawang taong nag-uusap at hindi ko mapagilang magtago sa gilid.
Hindi ako pwedeng magkamali sa naririnig ko, boses iyon mismo ni Heidi. Napatingin ako sa banda nila na medyo naaaninag ko rin sila dahil sa may pagkamadilim sa larteng iyon. Wala din kasi buwan para maging ilaw sa gabing ito.
Tinitigan kong mabuti ang katawan ni Heidi na pinipilit niyang nilalapit sa lalaking iyon. Magkahapit na magkahapit na ang katawan nilang pareho. Hindi ko magawang makita kung sino ang lalaking ito kaya minabuti kong pakinggan ang pag-uusap nila.
"Diba tama naman ako? Simula pa lang alam kong ganyan ka na at naiintindihan kita." Walang sagot ang lalaki.
Hindi ko mapigilang hindi makinig sa pinag-uusapan nila. Hindi ko magawang umalis sa lugar na ito. Nasaan ba si Renzo? Akala ko ba nandito siya?
BINABASA MO ANG
Wild Beat - BOOK 1 ✔
Romance"Can you love me?" Ang lumabas sa labi ni Serena Xhen na naging simula ng lahat. Dahil sa sobra niyang pagmamahal kay Devon Lorenzo Yan hindi niya napigilang isiwalat ang tinatagong nararamdaman para rito pati ang sarili ay inalay na niya para bigya...