A/N: For Announcements please check the Authors note na kasunod ng chapter na ito. :)
--------------------------------
POV-SERENA
Isang taon na pala ang nakalipas, sobrang bilis ng oras para sa akin. Isang taon na pala akong kasal kay Renzo, isang taong puno ng alala. Alaalang masasaya at masasakit at ngayon isang masakit na namang alaala ang tatanim sa puso ko.
Unti-unti kong binuksan ang kwarto niya, lumapit ako sa kama niya kung saan natutulog siya ng mahingbing. Hindi ko akalaing ito na ang huli kong pagkakataon na matitigan at makita ng ganito kalapit ang gwapo niyang mukha.
This guy is not really for me. My love is not enough for him to love me back.
Inilagay ko na sa night table niya ang annulment papers na pinaghirapan kong lagyan ng signature ko. Kanina habang pinipirmahan ko ang mga dokyumento ay pikit mata ko iyong ginawa. Maybe this really is the right thing for us. We are not really meant to be dapat sa simula pa lang hindi ko na pinagduldulan ang sarili ko sa kanya.
Lumuhod ako at tinitigan ng mabuti ang mukha niya. Hinawakan ko ang makinis niyang pisngi at malungkot akong napangiti.
"I love you Renzo." I pecked on his lips. I'll kiss him for the last time. Gusto ko pag-alis ko isang magandang alaala tungkol sa kanya ang madadala ko. I caress his cheeks.
"Goodbye Renzo." Napatingin ako sa letter na hawak-hawak ko. I wrote a letter for him, iniligay ko sa itaas ng annulment papers ang ang letter. Siguro baka hindi niya pa basahin ang nilagay ko doon at itapon na lang niya sa basurahan. Basta bahala na.
Ngayon hahanapin ko ang sarili ko, this journey that I'll be taking may lead me to happiness.
-----------------------
POV- DEVON
Dear Renzo,
Thank you for the good memories, iyon na lang ang dadalhin ko sa pag-alis ko. Sana sa muli nating pagkikita magkaroon na ng ngiti sa ating mga labi. Goodbye.
~Serena
I read her letter over and over again, she said goodbye. Goodbye means she's gone. Tinupi ko ang liham niya sa akin at inilapag sa mesa. Napatingin at napatitig ako sa annulment papers na binigay niya sa akin kahapon. I want to tear it a part na ni isang salita sa dokyumento na ito ay hindi mababasa pa. She left me already, ito ang nababagay sa akin.
This is what I want right?
Yes this is what I want, ito ang pinakahihintay kong mangyari.
Nilagok ko ang naiwang whiskey sa baso ko at naglagay muli. Muli kong ininom ang kalalagay ko lang na whiskey at muli kong pinuno baso ko. Gusto kong malasing at muling kalimutan ang lahat ng ito.
Nilabas ko ang cell phone ko at tinawagan si Atty.
"Atty. papunta ka na ba dito?.. Okay pakibilisan lang.." I turned off the phone at muling nilagok ang isang basong whiskey. Kung noon nagpapasalamat akong hindi ako madaling malasing ngayon ay naiinis ako bakit hindi ako malasing-lasing.
Napatingin ako sa necklace na nabitin sa leeg ko. The necklace that she gave me. Napahilamos ako sa mukha ko, kahit saan ako tumingin sa bahay na ito ay nakikita ko lang si Serena, her smiling face and all the expressions of her beautiful face.
"Kung nag-aalinlangan ka pa pwede nating hindi i-process ang annulment mo. Habulin mo siya." Napalingon ako sa nagsalita. Si Atty. pala, kilalang-kila na niya talaga ako. Kumuha ako ng isang wine glass at nilagyan iyon ng whiskey binigay rito.
"No thanks, umagang-umaga pa Devon." Nagkibit-balikat na lang ako at ininom ang whiskey binigay kay Atty. "Again Devon, why are you doing this?"
"Because this is the right thing to do." Nilaro-laro ko ang yelo na nasa whiskey ngayon. Magsasalita pa sana ito ng pigilan ko ito. "Just do your work Atty. and get out."
This is the right thing to do. Letting her go was the right thing to do.
BINABASA MO ANG
Wild Beat - BOOK 1 ✔
Romance"Can you love me?" Ang lumabas sa labi ni Serena Xhen na naging simula ng lahat. Dahil sa sobra niyang pagmamahal kay Devon Lorenzo Yan hindi niya napigilang isiwalat ang tinatagong nararamdaman para rito pati ang sarili ay inalay na niya para bigya...