THIRD Person's POV"Akala mo makakawala ka ng ganon-ganon na lang?" Napahigpit ang hawak nito sa manibela habang nakatingin ang nanlilisik nitong mga mata sa isang babaeng nakahandusay habang ang nasa paligid nito ay mga lalaking nakikipagsuntukan.
Hindi nito akalaing mabubulilyaso pa ang masamang plano nito kay Serena. Masuwerte lang ito dahil may mga body guards pa lang nakabantay at kayang-kayang patumbahin ang mga inutusan niyang mga tauhan na mga bobo at tanga.
Nakahawak pa riin ito ng mahigpit sa manibela habang napapanood ang buong pangyayari sa harapan niya. Sinigurado talaga nito na makikita niya ang pagdukot dito ng hindi siya napapansin ng sino man dahil nakasakay ito sa isang tinted na sasakyan.
Nakatawa ito ng malakas dahil may naiisip na naman itong ibang plano na nakalaan para kay Serena.
"Mawawala ka din sa landas ko Serena... Magsaya ka habang may panahon ka pa." Nakatingin ito sa babaeng binubuhat at sinasakay sa isang kotse habang dumadating ang mga guards na hinuhuli ang mga bobo At tanga niyang tauhan. Binuhay noto ang makina ng kotse nito at lumayo habang may ngiti sa labi.
[on the other hand.... Present time...]
"Are you still planning on ditching me?" Nakatingala si Serena at nakatingin sa seryosong mukha ni Tyron. Sa isip-isip kasi ni Tyron parati na lang siyang tinatakbuhan at nilalayuan hangang sa may pagkakataon ni Serena mula noong sinabi niyang mahal niya ito. Miminsan niya lang ito makausap at awkward moment pa.
Nakatitig pa rin si Tyron kay Serena na nakatingin din sa kanya habang namumula ang mukha at may lamang pagkain ang bibig nito ng sandwich na hawak-hawak nito. Nag-obserba ito sa kung paano nguyain ni Serena ang pagkain nito. Naiisip ni Tyron na lumaking napakasimpleng babae ni Serena kahit buhay prinsesa ito na hindi ito katulad ng ibang babaeng sopistikada pero maarte naman at puno ng kung ano-anong kolorete sa mukha.
"Siguro sobra ka ng nakukulitan sa akin, nananakit na ang tenga mo sa kakatawag at kakausap ko sayo. Siguro ayaw mo na din akong kaharap ngayon dahil sa sinasabi ko sayo. Siguro ang mga salitang weirdo, creepy at kung ano-ano pa ang tumatakbo sa utak mo habang kaharap mo ako. Hindi man----"
Hindi naipagpatuloy ni Tyron ang pagsasalita ng biglang tumayo si Serena at tumingala rito. Halos magkadikit na ang mga mukha nila sa sobrang lapit sa isat-isa.
"Hindi totoo iyan. Kahit kailan hindi ako nakukulitan sayo siguro minsan lang, hindi rin totoong ayaw kitang kaharap dahil lang sa mga sinabi mo sa akin. Para sa akin hindi ka kailanman magiging creepy o weirdo. Sa totoo lang na overwhelm ako sa nararamdaman mo para sa akin. Hindi ko sukat akalaing ako sa babaeng magugutuhan mo dahil kahit saan mang anggulo mo tignan hindi ako kagandahan at hindi ako iyong tipo mong babae. Ikaw iyong taong gagawin ang lahat para sa taong gusto mo at mahal mo. Tinulungan mo pa nga ako eh, patuloy na pinapatawa at pinapatahan kung umiiyak ako at nalulungkot. Naiisip ko lang, Marami namang babae dyan bakit ako pa? Alam mo naman ang estado ko ngayon diba? May mas babagay sayo na mas gugustuhin ka at mamahalin ka Tyron."
Hindi magawang magsalita ni Tyron dahil sa nasabi ni Serena tungkol sa kanya at ang nararamdaman niya para dito. Nagkatitigan lang silang dalawa ng ilang minuto hanggang sa napahawak si Tyron sa mukha ni Serena at may pinahid ito sa may pisngi nito.
"Ikaw lang ang nababagay sa akin." Napatingin si Tyron sa likuran ni Serena at napasin nito ang isang taong nagtatagong nakamasid sa kanila. Inilapit pa ni Tyron ang mukha nito sa mukha ni Serena na isang dipa na lang ang maghahalikan na ang mga labi ng mga ito.
"Mahal kita at hindi ako susuko hanggang sa ako na lang ang tignan mo." Biglang hinalikan ni Tyron ang tungki ng ilong nito. Mas lalong namula ang mukha ni Serena dahil ginawa ni Tyron rito.
"Serena magkita na lang tayo mamaya sa classroom." Bumulong sa tenga ni Serena si Tyron.
Napatingin si Serena sa likuran nito.
"Renzo?"
BINABASA MO ANG
Wild Beat - BOOK 1 ✔
Romance"Can you love me?" Ang lumabas sa labi ni Serena Xhen na naging simula ng lahat. Dahil sa sobra niyang pagmamahal kay Devon Lorenzo Yan hindi niya napigilang isiwalat ang tinatagong nararamdaman para rito pati ang sarili ay inalay na niya para bigya...