Prologue
The day you left
You said you’ll come back to me
The last time you smiled
I was left with nothing indeed
You promised to left for a day
So that we’ll be together in any way
But I never knew that wave
Will make me shocked and dazed
Do I need to falter?
To run to you and stop you?
If I just knew it all along
I shouldn’t have let you go.
You died, that’s what they say
but I know you’ll come back someday
coz my heart believes and wont stop beating
for it knew you’re still there, breathing
Three years passed and there you are
you looked the way you used to be
‘Love me again’, I thought, but you don’t remember
And now I wont stop! NOW THAT I FOUND YOU!
_________________________
‘’Lea, kailangan mo ba talagang pumunta pa ng cebu para sunduin ang mga magulang mo? Pwede namang ipasundo ko sila para hindi ka na maabala at di mo na kailangang magpagod sa pagpunta doon.’’ Sabi ko sakanya sabay halik sa noo niya. Nakahiga pa kami sa kama at kagigising lang. Dito ako natulog sa apartment niya kagabi dahil nalaman kong aalis siya ngayong hapon para pumunta sa cebu para masundo ang mga magulang niya dahil sa susunod na linggo na ang kasal namin. Parang kahit alam kong ilang araw lang siyang mawawala ay di ko na kakayanin. Mamimiss ko siya ng todo. Kung pwede nga lang akong sumama sa kanya kaso hindi talaga dahil may mahalagang investor akong kailangang siputin bukas. Kailangan ko na ring isettle ang lahat ngayong linggo dahil matagal tagal din akong mawawala sa kompanya para sa honeymoon namin. Ayoko pati ng istorbo. Kung oras niya, sakanya lang, kailangan wala siyang magiging kaagaw.
Hinaplos niya ang mukha ko at hinalikan niya ang labi ko.
‘’Kevin, sandali lang naman akong mawawala. Isang araw lang naman ako sa cebu. Pagkasundo ko sa kanila mama, babalik ako dito agad. Para namang mawawala ako pag di kita kasama. Kaya ko na ang sarili ko. Masyado mo naman akong iniispoil nito.’’ Sabay ngiti sa akin na nakapagpatunaw sa puso ko. Pag ganyan ang itsurang pinapakita niya sa akin, di ko mapigilang humindi at sundin ang mga gusto niya, pag ganyan siya, di ko maiwasang salungatin pa siya, kaya naman napatango nalang ako bilang pagpayag sa kagustuhan niyang pumunta ng cebu mag isa.
‘’Sigurado ka bang ok ka ng mag isa? O gusto mong samahan na kita?’’ parang di ata ako makakatulog pag ganyang alam kong wala siya. Di ako mapapalagay pag ganun. Di naman kami nakatira sa iisang bahay at nag lilive in para umakto akong ganito dahil mawawala lang siya ng mga ilang araw kaso, parang di ako mapapalagay na wala siya dito sa apartment niya at di nakakasigurong safe siya.
Tumayo siya at humarap sa akin dahil na rin siguro sa nakita niyang reaksyon ko. Kinuha niya ang kamay ko at pinatayo ako. Niyakap niya ako ng sobrang higpit sabay ngiti sa akin. Inayos pa niya ang nagugulo kong buhok dahil sa pagtulog namin at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.
BINABASA MO ANG
Now that I Found You
RomanceWhat if in the midst of happiness mawala ang taong pinakamamahal mo? Na One week before your wedding mamatay siya? But after 3 years of agony and moving on nakita mo ulit siya at nalaman mo na hindi pala siya patay? Kaso, di ka na niya kilala. Mapaa...