NTIFY-13
CHARLENE’S POV
My goodness! Kanina pa ako hanap ng hanap ng kwintas ko sa bag ko, pero wala talaga. Nilibot ko na ang buong kwarto ko pero wala talaga. Pati CR chineck ko na pero wala talaga yung kwintas ko.
Napaupo na lang ako sa kama na parang naiiyak na. di yun pwedeng mawala. Importate yung singsing na naandun.
Humiga ako sa kama at niyakap ang unan na una kong nahawakan. Napaiyak na lang ako ng tuluyan dahil sa nagyayari. Di pwedeng mawala yung kwintas na yun pati yung singsing ko. Yun ang bagay na nakasuot sa akin nung una akong nagising at walang naaalala sa nakaraan ko. I know there is something special about that ring kaya nga nilagay ko yun sa kwintas para di mawala tapos ngayon .. ganto?
Napaiyak ako lalo sa mga naiisip ko. Baka galing pa yun kay inay at bigay pa niya yun sa akin. O di naman kaya ay kay tatay yun galing. Though wala naman silang minemention tungkol dun sa singsing na yun, imposibleng di yun mahalaga. Mukhang mamahalin yun. Baka pinaghirapan pa yun nila nanay.
Habang naiyak sa kama dahil na rin siguro sa pagod at frustration dahil sa paghahanap ng nawawalang singsing-isabay na ang kwintas, may bigla akong narinig na kumatok sa pintuan ng kwarto.
Si aunty na ata ito.
‘’Charlene, kakain na tayo ng hapunan, baba ka na dito. Nahanap mo na ba yung hinahanap mo?’’ sabi niya sa labas ng kwarto ko habang nakatok.
Yun nga aunty, di ko nga Makita, di ko nga rin natatandaan kung saan ko yun nilagay. Parang kanina lang nilalagay ko yun sa bag ko habang nasa sasakyan ako ni …
‘’si sir Kevin, baka naiwan ko sa kotse niya kanina. Baka di ko nailagay ng maayos sa bag ko at nahulog na lang yun dun sa kotse niya.’’ Napahinga ako ng malalim sa naisip. Sana nga naandun lang yun. Baka nakita niya. Tatanungin ko na lang si sir bukas, wala pa pala akong number niya.
Napaupo ako sa kama at pinunasan na ang luha ko. Inayos ko rin ang higaan pati ang damit ko na nagusot na bago ko binuksan ang pintuan.
‘’aunty anu po yun?’’ pasimple kong sabi. Sana di niya mahalatang umiyak ako. di ko na alam kung paano mage explain.
‘’kakain na tayo ng hapunan. Tara bumaba na tayo.’’ At sumama na ako sa kanya pababa.
‘’akala ko nakatulog ka na. ang tagal mong buksan yung pinto. .. anu? Nahanap mo na ba yung hinahanap mo?’’ tanong niya habang naglalakad kami papuntang kusina. Nakakainis. Di pa pala ako nakakabihis. Sa sobrang taranta ko sa paghahanap ng kwintas pati ng singsing ko, di pa ako agad nakapag bihis.
‘’yun na nga aunty, kahit saan, di ko po talaga Makita. Basta ang naalala ko lang ay last ko yung nakita nung naandun pa ako sa kotse ni sir Kevin.’’ Wala sa sarili kong sabi.
Biglang natahimik nalang si aunty pagkatapos ko yung sabihin sa kanya. Pagkatingin ko, tulala na pala siya at nakaawang pa ang bibig dahil sa gulat.
‘’bakit aunty? Anu po yun?’’ tanong ko habang naupo sa upuan ng dining table.
‘’s … sir kkevin ba kamo?’’ tanong niya sa akin. Parang may mali dun sa sinabi ko kanina?
BINABASA MO ANG
Now that I Found You
RomanceWhat if in the midst of happiness mawala ang taong pinakamamahal mo? Na One week before your wedding mamatay siya? But after 3 years of agony and moving on nakita mo ulit siya at nalaman mo na hindi pala siya patay? Kaso, di ka na niya kilala. Mapaa...