NTIFY-5
CHARLENE’S POV
Isang linggo narin ako sa trabaho ko. HAPPY WEEKSARY! Haha! Nakakabaliw!
‘’hoy charlene! Kape nga!’’
‘’nasan na yung kape ko?’’
‘’diba sabi ko walang creamer?’’
‘’anu ‘to masyadong matapang! Pweh!’’
‘’paki bilisan naman oh.’’
Ilan lang yan sa mga reklamong madalas kong matanggap mula sa mga katrabaho ko dito. Grabe lang talaga. Ibang klase ang mga ugali nila. At bukod sa pagtitimpla ng kape, nagiging taga paphotocopy narin ako, taga encode, taga dala nito, niyan sa kung saan saang department, at taga linis pa nga kung minsan. Hirap ng buhay nuh? Kung sino pa may mga mahihirap na trabaho yun pa yung mga taong konti lang ang sweldo.
Buti nalang nakahanap ako ng kahit isa manlang na kaibigan dito. Si trisha. Yung pinagtanungan ko nung una akong napadpad dito sa mala hell na opisinang ito. At yung mga lalaking kaopisina ko. Di sila nagsusungit sa akin, lagi lang nila akong nginingitian.
‘’uy Charlene, pahinga ka na muna. Mukhang pagod na pagod ka ah.’’ Tas inabot ni trisha yung upuan sa akin para makaupo.
‘’grabe mga officemates natin nuh? Di man lang naawa sayo. Sila kaya yung utos utosan tulad ng ginagawa nila sayo. Magustuhan kaya nila? Naku talaga! Oh ito, uminom ka muna. Maya maya maglulunch narin tayo.’’ Sabay abot ng tubig sa akin.
‘’bakit mukhang ang bubusy ata ng mga tao ngayon kesa kahapon?’’ tanong ko. napansin ko kasing parang mga ipo ipo yung mga tao dito dahil sa kakaparoot parito ng halos lahat ng emplayado ngayon. Busyng busy kung baga. Di naman sila ganyan ka hyper kahapon.
‘’ah yun ba? Napansin mo rin? Kasi naman, diba si ma’am kaye, yung acting CEO natin nawala ng mga ilang araw? Kahapon nung bumalik siya, pinaayos niya lahat ng mga dapat ayusin kasi imamanage na nung kapatid niyang lalaki itong company. Di na kasi kaya ni ma’am. Wala kasi si don Jimenez, nasa ospital. Inatake daw sa puso.’’ah kaya pala. Kawawa naman pala yung ma’am kaye.
‘’pero alam mo, mas ok na yun. Kasi naman, balita ko, ang gwapo daw nung kapatid ni ma’am kaye. Shocks! Pag siya ang boss, sure ako, di na masusungit mga ladies dito. Hahaha!’’ ganun? Sana nga kasi nakakapagod at nakakabad vibes talaga ang atmosphere dito pagnagsusungit sila.
‘’edi mas mabuti nga.’’
‘’maiba nga tayo, probinsyana ka ba talaga? Diba sabi mo galing kang cebu?’’ tapos binigyan niya akong ng mapagdudang mga titig.
‘’oo bakit?’’
‘’kasi yung way ng pagsasalita mo parang matagal ka na dito sa maynila. Diba dapat pabisaya parin bigkas mo? Parang di naman eh. Mukha ka ngang sosyalin!’’
Pffft! Nuh daw?
‘’a-ako, sosyalin?’’ sabay turo sa sarili.
‘’oo, kasi naman, ang hinhin mo kumilos, kaya nga nagrereklamo mga empleyado dito. Tapos, amputi puti mo,at ang kinis kinis. Kutis mayaman na parang di ka galing sa sinasabi mong isla. At ang ganda mo, pwede kang pang beauty queen. Kaya parang nakakaduda. Alam mo na.’’
BINABASA MO ANG
Now that I Found You
RomanceWhat if in the midst of happiness mawala ang taong pinakamamahal mo? Na One week before your wedding mamatay siya? But after 3 years of agony and moving on nakita mo ulit siya at nalaman mo na hindi pala siya patay? Kaso, di ka na niya kilala. Mapaa...