NTIFY-17

631 17 4
                                    

fan po talaga ako ni ate jonaxx kaya naman dinedicate ko na ito sa kanya .. inspired ako sa kanya. as in .. and sa kanya ko pala nakukuha ang iba sa technics ko sa pagsusulat .. lahat na ata ng gawa niya nabasa ko na. at yung iba, umuulit na kaya pamilyar ako sa way ng pagsusulat niya. galing. grabe. =) try niyo din magbasa ng mga gawa niya. masisiyahan kayo ng bongga ..

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

NTIFY-17

CHARLENE’S POV

Umorder na sina Ralph at ate Kaye ng pagkain. Pagkatapos ng ngitian nila, natahimik nalang sila ng nakita akong tahimik at kinakabahan.

‘’Charlene, you looked so nervous. Pasensya na kung medyo naiintimidate ka namin but be free to laugh and talk to us. Lets all be friends. Diba Kevin?’’ at tumango tango nalang si Kevin. ‘’you know, di kasi kami sanay na may tahimik pag nagkakasiyahan kami. A very close friend of mine used to laugh and talk aloud kaya naman ganun na rin ang gawin mo. And don’t think na dahil secretary ka lang ni Kevin, you have no rights to blend in with us. welcome ka sa amin so don’t you worry.’’ Aniya ng nakangiti.

‘’so, Charlene is her name.’’ mahinang sambit ni Ralph. Di pala ako nakapagpakilala sa kaniya kanina.

Napansin kong di pa pala umuupo hanggang ngayon si Kevin ng binigay na ng isang waitress sa kanya ang isang menu kasabay ng pag abot nito nung sa akin. Nagpapacute pa ang waitress sa kanya. Mukha namang hindi siya napapansin ni Kevin kaya naman umalis nalang siya. Dalawang malaking sofa lang ang inuupuan namin. Yung isang sofa nasa side nila Ralph habang ang isang side naman ay ang side ng inuupuan ko ngayon. Magkatabi si Ralph at ate kaye kaya naman dapat ay katabi ko si Kevin.

‘’may i?’’ sabay nguso nito sa space ng upuan na inuupuan ko. Nahingi siya ng permiso kung pwedeng tumabi siya sa akin. Ang cute niyang tingnan pag nanguso.

Napalakhak ang dalawang magkasintahan sa unahan namin dahil sa tanong niya.

‘’di siya sanay na nagtatanong pa sa babaeng tulad mo kung pwede siyang umupo sa tabi mo. Sanay kasi yan na pagkasama ang isang babae, tatabihan niya na ito agad. Di lang tabi, baka nga yakap at halik pa in public.’’ Namula ang pisngi ni Kevin ng masulyapan ko siya. Samantalang si ate kaye, mahinang hinampas ang fiancé niya sa braso habang natawa. Pinandilatan nalang sila ni Kevin.

‘’tumigil ka nga sa pang-aasar diyan. Kita nang kanina pa nagpipigil yang kapatid ko tutuksuhin mo pa.’’ pero nahalakhak naman siya habang sinasabi yun kay Ralph.

Feeling ko, nag iinit na ang mukha ko sa mga ginagawa nila. Tinutukso nila ako kay Kevin.

‘’mmm .. sige po sir.’’ Tapos umusog ako para bigyan siya ng space. Malawak na space dahil dumidikit na ang braso ko sa glass window ng restaurant. Dito, makikita mo na ang manila bay. Dito pa naman kami sa 2nd floor ng mall kaya kitang kita.

Umupo na siya sa tabi ko at nakaramdam ako ng tension. Pag nadidikit kasi ako sa kanya parang nakukuryente lang ako. parang nag mamarathon ang puso ko sa kaba at para na akong mahihimatay sa sobra sobrang emosyon na nararamdaman ko na hindi ko naman maintindihan. Naglabas nalang ako ng malalim ng buntong hininga saka tumingin sa kanya na nakatitig din pala sa akin.

‘’beef steak nalang sa akin. Sayo?’’ sabay tingin niya ulit sa akin. Ako? anu nga ba ang ooderin ko? Binuklat ko ang menu at tumingin tingin ng mga makakain. As much as possible, yung mura nalang ang bibilhin ko. Kaya naman inabot ang ng mga ilang minute kakahanap. Kasi puro mahal ang nakikita ko.

Now that I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon