---
Maraming thanks po sa tatlong ‘to dahil lagi nilang inaabangan ang update ko at lagi silang nag cocomment ng halos walang palya. Haha.
Please follow them.
@mariavivtoria
@ivslim
@sai1992
Tyaka kay @richmeii dahil ang sipag niyang magcomment. Ginaganahan tuloy ako magsulat.
Salamat senyo ah?
At dun sa silent readers, salamat din po.=)
NTIFY-21
CHARLENE’S POV
Ewan ko ba kung bakit hindi maalis sa isip ko yung lalaking yun. Simula nung lumabas ako ng opisina ni Kevin, paulit ulit ko ng sinasambit ang pangalan nito na animoy may pilit akong inaaalala pero di ko parin matandaan ang gusto kong maalala.
Yung mukha ng lalaki ay pamilyar. Parang nakita ko na talaga siya dati. Yung built ng katawan niya at yung ekspresyon at korte ng mukha niya, parang kilala ko pero di ko lang talaga natatandaan.
Umupo nalang ulit ako sa upuang madalas kong upuan pag naghihintay ako kay Kevin. Anu kaya ang pag uusapan nila? Ang alam ko, tungkol ito sa isang business deal pero sa itsura ng mga mukha nila, mukhang hindi isang simpleng business deal lang ang pinag uusapan nila. Parang personal na. dati naman pag may mga meeting, sinasama ako lagi ni Kevin sa usapan kahit nga hindi ko naman talaga alam ang pinag uusapan nila at wala naman akong kaideideya.
‘’oh! Bakit mukhang may problema ka? Anu, naandyan na ba si sir Kevin?’’ tanong ni Laila sabay inom ng juice at prenteng umupo sa kanyang swivel chair habang nakasandal.
‘’ahh .. oo, mm. may kausap sa loob.’’ Sabi ko.
‘’baka business lang yan. Sino daw ba ang naandun?’’ at hinipo hipo niya ang kanyang tiyan. Napangiti ako, nakakatuwa ang itsura niya. Haha.
‘’at anu naman ang nginingiti ngiti mo diyan?’’ taka nitong tanong.
‘’nakakatuwa ka kasi. kakaTapos lang natin kumain, kakain ka nanaman ulit? Di ka pa ba busog? Dami mong nakain kanina ah?’’
‘’di pa eh, takaw kasi ni baby.’’ Tas tiningnan niya ang tiyan niya. Tas sabay kaming napahalakhak.
‘’baka naman, ikaw ang matakaw!’’
‘’si baby. Di naman ako ganito kumain dati kaya siya ang matakaw hindi ako. … so sino yung kausap ni sir? Kilala mo?’’ nag isip pa ako dahil sa tanong niya. Kilala ko? ewan, parang kilala ko pero di naman.
‘’hindi. Ngayon ko palang yun nakita. Basta Carlo Benitez ang pangalan niya.’’
‘’ahh .. ako rin eh, ngayon ko palang narinig yang pangalan na----.’’ Di pa natatapos ang sinasabi ni Laila ng makarinig kami ng sigaw mula sa loob ng opisina. Di namin ito masyadong naintindihan dahil maliit lang na ingay ang narinig namin pero sigurado kaming dalawa ni Laila na malakas na ito para marinig pa namin.
BINABASA MO ANG
Now that I Found You
RomanceWhat if in the midst of happiness mawala ang taong pinakamamahal mo? Na One week before your wedding mamatay siya? But after 3 years of agony and moving on nakita mo ulit siya at nalaman mo na hindi pala siya patay? Kaso, di ka na niya kilala. Mapaa...