NTIFY-6

756 16 1
                                    

Dedicated to camsLOVE. Thanks sa comment mo dun sa last chap. Kung ganyan kayo lahat, gaganahan akong magupdate. Nways, heres your next chap guys! Enjoy.

NTIFY-6

KEVIN’s POV

First day ko ngayon sa office. Di na din ako masyadong sanay. Matagal tagal na kasing di ako nagwowork sa kahit anung positions dito sa company ni dad. Nakakapanibago. Nasanay na kasi akong doon lang ako sa resto ko. Sa Lea Bella kung saan ako na din ang nagsilbing manager at head chef. Nasanay na ako sa magalaw na pagtatrabaho kaya ngayon na nakaupo lang ako at nagbabasa ng kung anu-anong business proposal and business plans ay nababagot na ako.

Ok naman ang mga tao dito. They are so accommodating like what they’ve used to. Im sure I will never ever have a hard time in this office. Nagtrabaho na rin ako dito dati so I know all of them work so professionally.

So madami din pala talagang kailangang asikasuhin dito sa office. Now I know kung anu ang nangyari kay ate when she’s still the one managing the company. Masyadong mabibigat itong business deals na kailangang pag aralan ng mabuti. Daming papers na tuloy ang natambak sa akin ngayon dahil di niya nagawang maaccomplish lahat ng yun. At by just looking at all of it, nasakit na ulo ko. Pwede bang bumalik nalang ako sa Lea Bella?

I need a break. Kahit mga 10 mins. Lang. dami nito masyado.

I reached out to grab the landline phone and connect it to my secretary.

‘’hello sir?’’ sabi nung secretary kong si laila.

‘’mm, laila can you please bring me a cup coffee here in my office now? With creamer but not so sweet.’’ coffee. I always drink coffee when I’m stressed. Yun kasi ang madalas gawin ni lea pag alam niyang tired and stressed out na ko from work. Namimiss ko na yun at nakasanayan ko na rin. Kaya hanggang ngayon nadala ko na.

‘’ok sir pero di ko po sure na madedeliver ko yun agad.’’ Sabi niya sa akin. Halatang busy din pati secretary ko. Sabagay, sakanya ko pinapaarrange yung sched ko at madami akong nakaabang na dapat gawin kaya mahirap din yun. Pinapaarrange ko din sa kanya yung ibang papers na kailangan bigyan ng pansin so I bet she’s more busier than me now.

‘’yes, I understand. I can wait.’’

‘’thank you sir.’’ At binaba ko na yung phone.

While browsing some papers, There was this business deal na nakaagaw ng atensyon ko. The business deal  na sinasabi ni ate na hindi niya nagawa ng maayos kaya nadisappoint sa kanya si daddy. At ito ay yung pagpapapayag niya dapat sa isang malaking investor na payagan malabas ang clothing line namin sa mga department stores nila. Malaking deal kaya kailangan namin ‘tong makuha but while studying every possibilities na mapapayag itong investor na ‘to, nakita ko na di lang pala ordinary na business partner ang kailangan naming mapapayag. He’s carlo benitez. My best man but at the same time, my best enemy.

This will be tough on my part. Matagal ko na ring di nakikita ang bestfriend ko Simula nung nag away kami. But I will never say sorry. I will never regret what I did.

Naputol ang pag iisip ko ng may kumatok bigla sa pinto. Andiyan na ata ang secretary ko para sa kape na pinatitimpla ko.

Now that I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon