NTIFY-7
CHARLENE’s POV
Hoooh grabe lang! kinabahan ako dun ah? Ang weird niya pati. Ganun ba talaga kasama yung pagalit ko sa kanya dun sa resto niya para takutin niya ako ng ganun?
‘’God, what are you doing to me? You are joking right? Don’t you remember me?’’ what am I doing to him? Eh wala naman akong ginagawa sa kanya. Tyaka oo, naaalala ko siya. Siya yung manager nung restaurant na kinainan ko kasama si lolang makulit.
‘’ayaw mo na ba sa akin kaya ka umalis? I thought so. Alam kong di ka pa patay. I feel it. and ngayon andito kana, Di mo ba ako naaalala?’’ naaalala ko yung mga sinabi niya. Ako, umalis? Patay? Di ko siya naaalala? Anu bang meron?
Nung una ko siyang nakita, hindi maipinta ang itsura niya. Para siyang nakakita ng multo. Halos di na nga siya nakaimik habang kinakausap tapos ngayon naman, kung anu-anong sinasabi niya. Naloloka na talaga ako.
Nung una ko siyang nakita, parang may kung anong feelings akong nararamdaman. Parang kilala ko siya na hindi ko lang matadaan.
Parang pamilyar siya sa akin.
Ahhhh, ewan .. baka sadyang weird lang talaga yung taong yun.
Pero habang nagsasalita siya kanina, sobrang seryoso ng mga tingin niya sa akin. Ako naman, parang gusto ko siyang yakapin. Pero natatakot ako.
Anu ba tong feeling na ‘to? Ang weird talaga.
‘’pssst Charlene, ok ka lang? bat tulala ka ata dyan?’’ biglang sulpot naman ni trisha sa harap ko.
Di ko na napansin na nasa harap ko na pala siya. Lumilipad nanaman kasi ang isip ko.
‘’ah hh wala? Bakit anu ba yun?’’ inayos ko ang upo ko sa chair ko. Para akong baliw dito na nagiisip tungkol dun sa new boss namin.
Haissst! Nuh ba kasi problema nung taong yun.
Ginugulo niya utak ko.
‘’si Cynthia, nahingi ng kape. Kanina pa yan pero di mo siya pinapansin. Bakit ka ba kasi balisa dyan? Nuh bang nangyari?’’ tanong niya sabay upo sa harap ko.
‘’ah, wala ‘to. Inaantok kasi ako. Alam mo na, puyat ..’’
‘’puyat ka dyan. Yan oh, daming kape na pwedeng itimpla. Ito talaga. Sige balik na ako sa table ko, dami ko pang aayusin. Kape kape din kasi pag may time ..’’ Tapos ay umalis na siya.
Nagtimpla ako ng kape at Dinala ko na dun kay Cynthia.
pabalik na sana ako sa pwesto ko ng may tumawag sa akin. yung secretary ni sir Patrick.
‘’uy Charlene. Pinapatawag ka ni sir Patrick.’’ Sabi niya.
Si sir Patrick? Hala, anu ginawa ko?
‘’bakit daw?’’ medyo takot kong tanong. Wala naman akong ginagawang mali sa pagkakaalam ko ah? Madalas kasing ipatawag ni sir Patrick yung may mga offence na mga empleyado. Yun yung sabi ni trisha. Napatawag na kasi siya dito dati. Machika daw kasi siya masyado.
BINABASA MO ANG
Now that I Found You
RomanceWhat if in the midst of happiness mawala ang taong pinakamamahal mo? Na One week before your wedding mamatay siya? But after 3 years of agony and moving on nakita mo ulit siya at nalaman mo na hindi pala siya patay? Kaso, di ka na niya kilala. Mapaa...