NTIFY-3
Charlene’s POV
‘’hi auntie!’’ bati ko kay aunty mabel. Siya ay nakakabatang kapatid ng nanay at isang matandang dalaga. Siya lang dito mag isa sa bahay niya dito sa quezon city kaya naman dito na din ako naisipang ibilin ni nanay. Isa pa, dalawa lang naman silang magkapatid at sa pagkakaalam ko ay siya lang ang nag iisang malapit na kamag anak namin dito sa maynila. Pumunta siya sa amin nung nakaraang taon para bumisita. Kaya naman napagpasyahan nila inay na payagan akong lumuwas dito sa maynila kahit malayo ako sa kanila.
‘’charlene!’’ masayang bati niya sa akin. Ngiting ngiti siya sa pag punta ko dito. Siguro naiisip niya na sa wakas ay magkakaroon na siya ng makakasama sapagkat siya lang dito mag isa. Anu kayang pakiramdam ng isang matandang dalaga anu?
‘’kumusta ka na hija? Noong nakaraang taon lang kita huling nakita ngunit parang andami ng nagbago sayo. Lalo kang gumaganda.’’ Sabay tawa. Palabiro talaga siya. Di siya tulad ng ibang matatandang dalaga na masungit. Kaya naman panatag na ang loob ko sa kaniya kahit noong nakaraang taon ko lang siya nakita at nakilala. Wala na kasi akong matandaang nagkita kami dati pa noong bata pa ako.
‘’kayo naman auntie. Hindi naman, ako pa rin ito.’’ At ngumiti nalang.
‘’syempre naman. Ikaw kaya ang paborito kong pamangkin!.’’
‘’auntie naman. Ako lang naman ang pamangkin mo.’’ Tapos tumawa siya.
‘’o siya, dadalhin na kita sa magiging kwarto mo.’’ At yun na nga, nilibot niya ako sa boong bahay niya hanggang sa magiging kwarto ko. Maayos naman ang lugar, tama lang ang bahay ni auntie. May dalawang kwarto, isa para sa kanya at isa naman para sa mga bisita niya, na ngayon ay kwarto ko na. may maayos na kusina at magandang sala. Tama lang para sa aming dalawa, ngunit parang masyadong tahimik, parang nakakalungkot. Hindi tulad sa probinsya na simple lang pero masaya dahil narin sa mga tao.
‘’magpahinga ka na muna dito. Alam kung matagal din ang byahe at talagang nakakapagod. Mamaya nalang din tayo magkwentuhan.’’ Ngumiti siya bago isara ang pinto ng kwarto ko. Humiga ako sa kama at unti unting nakatulog sa haba ng byahe. Bukas magsisimula na akong maghanap ng trabaho. Sana lang talaga makahanap ako agad para narin kena inay at itay.
Kinabukasan ..
Almusal ..
‘’Kumusta naman ang tulog mo?’’ tanong ni auntie sa akin pagkababa ko. Nakain na siya ng almusal at nakabihis narin ng sa palagay ko ay damit niya papuntang trabaho. Nag ttrabaho siya bilang factory worker sa isang pagawaan ng sikat na brand ng damit dito sa maynila. At sa pagkakaalam ko rin, yung kompanya na pinagttrabahuhan ni auntie ay ang may ari din ng ibat iba pang malalaking business dito sa pilipinas at isa sila sa pinaka mayayamang angkan ng bansa. Kaya naman medyo malaki na rin ang naipundar ni auntie. Matagal na din kasi siyang nagsisilbi sa kompanya at pagawaan.
‘’ok naman po auntie. Masarap naman po ang tulog ko. Kayo po? Mukhang paalis na kayo papuntang trabaho.?’’ Tanong ko. Umupo ako sa upuan katapat niya.
‘’oo, paalis na ako. Hindi na kita ginising dahil mahimbing ang tulog mo. Kumain ka na dito.’’ Tapos inabot niya ang kanin sa akin. Ang sweet ni auntie. Tama nga si nanay.
BINABASA MO ANG
Now that I Found You
RomanceWhat if in the midst of happiness mawala ang taong pinakamamahal mo? Na One week before your wedding mamatay siya? But after 3 years of agony and moving on nakita mo ulit siya at nalaman mo na hindi pala siya patay? Kaso, di ka na niya kilala. Mapaa...