Simula
Hi!Natatandaan mo pa ba ako?
Malamang hindi na...
Ang tagal na kasi nung huli tayong nagkita eh...
Kamusta ka na?Ayos ka lang ba?..Masaya ka ba sa kanya ngayon?...
Malamang oo.Hindi ba sinabi mo non sa akin...sya ang happiness mo?..
Naaalala mo pa ba?..
Ito ang araw nong una tayong nagkita.Basang basa ka non sa ulan ng makasalubong kita.Iyak ka non ng iyak at hindi ko alam kung ano ang dahilan.
Hindi pa naman kasi tayo non magkakilala.
Tandang tanda ko pa non...kung gaano ka mukhang kamiserable.Bukod kasi sa basang basa ka na sa ulan.Kitang kita pa sa iyong mukha ang iyong sakit na nadarama.
Awang awa ako sayo non.Ayoko kasi na may nakikita akong katulad mo.Miserable.May naaalala kasi ako...
Hindi ako nagdalawang isip na lumapit sayo.Inabot ang payong na hawak ko.
Mukhang nagulat ka sa ginawa ko.Nginitian lang kita.Ngunit nanatili ka lang na nagtataka.Kitang kita ko sa mga mata mo na galing ka sa kaiiyak.Kaya dinukot ko ang malinis kong puting panyo at ibinigay sayo.Gusto ko sanang sabihin na 'punasan mo ang mga luha mo' pero hindi ko masabi.Bukod kasi sa hindi ako makapagsalita.Malat pa ako..
Pagkatapos kong ibigay sayo ang panyo at payong na dala ko agad agad akong tumalikod sayo para magsimula ng maglakad.Ngunit napahinto ako ng bigla kang nagsalita.
"Teka lang miss!Pano ka?Wala kang dalang payong?"Tanong mo.
Nagthumbs up lang ako sayo para sabihin na okay lang ako.Tutal malapit lang naman na ang bahay na tinutuluyan ko.
Hindi na ako nagabala pang tumingin sayo.At nagtatakbo na lang sa gitna ng ulan.Bago pa ako non tuluyang makalayo sayo narinig kitang sumigaw.
"Salamat miss!"
Napangiti na lang ako sa sarili ko..Yun kasi ang araw na hindi ko makakalimutan.At alam ko sa sarili ko na magkikita pa ulit tayo....
flyingBUZZ©2015#HI

BINABASA MO ANG
Hi?Natatandaan mo pa ba ako?
Teen FictionHi!Natatandaan mo pa ba ako?... flyingBUZZ©2015